Saturday, October 23, 2010

winehorse

Isa sa tatlong ito ay nagpapangap na si Amy Winehorse,este Winehouse. Idol ko si Amy dahil bukod sa mukha siyang kabayo ay isa rin siyang addict.

Friday, October 22, 2010

ninja

I'm Daniel the Tikbalang slayer......
Daniel: Tang In*ng kabayo to ah!
Kabayo: Tang In* mo rin!
*Tinadyakan ni Daniel ang Nguso ng Kabayo*Kinarate chop ni Daniel ang Betl*g ng Kabayo.*At pagkatapos ay Finire ball niya ang ITL*G nito.

Ayun sumabog yung itlog ng kabayo.

Thursday, October 21, 2010

ladies room

Nangyari ang insidenteng ito sa huling callcenter na pinangalingan ko.

Training namin noon. After one of our 15 minute breaks, karamihan sa mga ka-wave mates namin ay nasa training room na including me. Biglaang pumasok ang dalawang babaeng wavemates ko ang isa ay namumutla, ang isa naman ay dimawari ang hitsura kung nakangiti o kinakabahan.

Nanahimik ang lahat at napatingin sa kanila.

"Shet guys! Minumulto kami! Yung mga faucete sa Cr bumubukas magisa!"

"Baka naman nagloloko lang yung pipeline!" Sigaw ng isa.

"Nagloloko ang pipeline, kitang kita naming umiikot yung knob ng faucet"
- Dalawa daw silang nakakita.

- Along the way daw papabalik ng training room ay nakasalubong nila si lady guard.
At bago pa daw nila masabi kay lady guard ang ditalye ay naunahan na sila;

"Bumubukas ba mag isa yung mga faucet?"

Q1: Totoo ba ito? Or tamang singhot lang ng magic sugar ang dalawang bilat?
Q2: May kinalaman ba si Lady guard?

Madalas pa naman akong mag-finger during breaks malapit sa Cr na yun'.
( Mangulangot..ikaw talaga kung ano-anong iniisip mo )

Thursday, October 14, 2010

boarding house

1964 Labo, Camarines Norte.

Nagtrip ang tatlong magkakaibigan: pawang freshmen pa ang magkakaklase sa hayskul, Isang mainit na tanghali ng napagdiskitahan ng tatlong dalagita na maglaro ng spirit of the glass sa second floor ng isang lumang boarding house, 1964 at marahil hindi na nakatayo ang boarding house sa kasalukuyan. Ayon sa source ay bakante ang second floor ng boarding house, ang first floor lang ang may mga nangungupahan. Wala sa tatlo ang nangungupahan dito at nagpaalam lang sila sa may-ari na titingnan lang ang lugar,

Nagsimula na ang pagtritrip ng tatlong dalagita na sina Marnie, Evelyn at Myrna. Sa una ay suwabe ang laro, nagtatawanan pa ang tatlo dahil ang akala nila ay isa sa kanila ang nagtritrip na namumuno sa pagalaw ng baso, pawang mga patay ma tao ang binabangit ng board, nagtatawanan pa ito dahil it's either sa kanila o lahat sila ay kilala sa mga pangalang binabangit ng board.

"Ay kilala ko yan"
"Ay ako rin"

Nagtatawanan pa ang mga magkakaibigan.

Biglaang bumilis ang pagikot ng baso.

"Aggressibo ang pagikot ng baso, kakaiba halos maiwanan na ang mga daliri namin"

Inisip parin nila na isa sa kanila ang gumagawa nito.

S-A-T-A-N; ang huling inispel ng ng laruan nila.

Napahinto at nagtinginan ang tatlo.

Sa mga sandaling iyon ay malamang na natangal ang mga ngiti sa mga mukha nila.

Biglaang bumulusok ang baso diretso sa sahig.

Nabasag ito.

Diretso takbo ang tatlo papalabas ng lumang boarding house.

Isa sa tatlong dalagitang nabangit ay ang taong nagbigay buhay sa akin.

Saturday, October 2, 2010

the unseen

Seven months ago. Ininvite kami ni ex-officemate na maginuman sa kanila. Liblib ang lugar, isang subdivision sa Antipolo. Tanghaling tapat ng makarating kami doon kasama ang iba ko pang officemates. Luma at malaki ang bahay, malawak ang bakuran. Ang likod ng bahay ay bundok, maraming naglalakihang puno. Wi-nelcome kami ni officemate, nagsipasukan na lahat at ako ang huling papasok sa pinto. Nahilo ako bigla at nanlamig, Kinutuban rin ako na parang maymukha na nakaharap sa mukha ko, I felt weirdly intimidated at that time, its soo overpowering, ngunit pumasok parin ako ng bahay. "Hoy ano pang tinatayo tayo mo diyan pasok na!".Wika ni officemate.
Maski na nahihilo at weird ang pakiramdam ay huminga nalang ako ng malalim sabay diretso pasok.

Mga 7 kaming lahat. Malaki ang sala at relax na relax kami nagchichillout sa sala. Nanlilikot ang mata ko at mabilis ang kabog ng dibdib. "Hoy anong nangyayari sayo? Naka-drugs ka naman ba? Tulala ka na naman!" Tapik sakin ng katabi ko sabay tawa. Habang hard ang iniinum nila ay nag-Sanmig light lang ako. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla akong nahilo bagopumasok ng bahay. Kumain naman ako bago umalis sa amin.

Pag-katapos kong pagdasalan ang isang boteng sanmig, mga 2 oras mula ng arrival namin sa place. Ay may naamoy ako.

Amoy bulok na karne, amoy naagnas.

Hindi ako mapakali at habang nagkakatuwaan ang mga officemates ko ay siniko ko ang katabi kong babaeng officemate. Bumulong ako sa kaniya.

"Wala kabang naamoy na mabaho"

"Wala ang bango nga dito eh amoy lysol"

Malinaw na walang nakakaamoy noon kung hindi ako lang. Tuloy parin lahat sila, samantalang ako ay sukangsuka na sa amoy na hindi ko mawari kung saan nangangaling.

Nawala ang amoy ng saglit at ngunit bumabalikbalik ito.

Hindi ko na ito natiis,

Nag-Excuse ako sa may-ari ng bahay, "Pahangin lang ako sa labas" ang wika ko.

Nagpaalam akong magpapahangin lang sa labas.
Ngunit didiretso na ako pauwi.

Mga 4:00 na nangtanghali, malayo ang main road sa bahay nila,mainit at tirik ang araw.
Biglang nanlamig ang katawan ko at nagsuka ako ng nagsuka sa kalsada.

Naamoy ko parin ang nabubulok. Parang sinusundan ako nito. Pagsakay ko ng jeepney ay nawala ang amoy at guminhawa ang pakiramdam ko, nakahinga ako ng maayos.

2 weeks after the incident, Muli ko ulit nakasama ang mayari ng bahay, ang venue naman namin ay isang bar dito sa Marikina.

Napasin nila na malakas akong uminom.

Tinatanong nila sakin kung bakit ako biglaang umalis ng hindi nagpapalam nung huli naming inuman, sabi ko may emergency kaya hindi nako nagpaalam ng maayos.

Tinanong ko na si officemate? ( owner of the house )

Is there something in your house?

Sumagot siya ng diretso:

Actually, yung tita kong nabaliw ang nakatira doon dati. Nagpakamatay siya dun' at 13 days bago may nakatuklas sa nabubulok niyang katawan.

I am not assuming na may naramdaman akong paranormal at that time. Until know I am trying to figure out what happened to me at that point, I am aslo seeking logical explanation. Not assuming that it is somewhat related to the death of his aunt. And no! I did not poop in my pants kung kaya ako sinundan nung amoy na iyon.