Wednesday, April 27, 2011

red soil







Pulang Daga, nope daga means soil
so sa english it's red soil.
Itong Beach na ito ay sikat sa province namin sa
Camarines Norte. Sa dinami-daming beses na nag bakasiyon ako sa Bicol ay
isang beses pa lamang ako nakarating dito. Kaya naman, todo kuha ako ng
pictures.

" O hindi kaba magswiswimming? "

" Hindi po. "

Tuwing may outing ay hindi ako nagdadala ng damit, para valid ang excuse para hindi magswimming or buhatin at itapon sa tubig. Baka kasi pagnakita nila ang katawan ko ay magpanic ang mga tao at usugod nila ako sa ospital or baka may himatayin pa. Ayokong gumawa ng kaguluhan at sirain ang kasiyahan nila.

" Andoon na lahat sila sa dagat. Balot na balot ka ah, hindi kaba naiinitan? "
" Hindi kana nasanay yan, lagi namang balot na balot yan "
( sa totoo lang sobrang init, parang mamatay nako, buti nalang at may cottage )

Monday, April 25, 2011

health

Kagagaling ko lang sa brand new doctor ko, pangatlo ko na siya. Nagulat siya sa kapal ng mga urinalysis results ko. Magaling na daw ako ayon sa huling result ng urinalysis. ( for the mean time lang yan ang sabi ko sa sarili ko ), Since baka next week bumalik na naman tong si UTI.
Tinanong ko sa kaniya kung bakit ganoon parin ang pakiramdam ko na parang umiihi parin ako ng kumukulong tubig. Sabi niya baka sa penis ko na mismo ang problema.
Hindi ko narin binangit ang mga kakaibang ugat sa kaliwang balls ko.
"Give it some weeks, pag masakit parin, baka kidneys na ang problema. "
At baka kailangan mo nang magpa-ultrasound. " Malala po ba yun doc? ". "Depende"- ang sagot niya. Gusto ko sanang tanungin kong bakit ultrasound, nakakatawa kasi ang alam ko dati pang buntis lang yun. Tinanong rin niya kung nakikipagtalik ako sa gf ko. ( Pinakita ko ang result para sa STD) Wala po akong gf. Hindi ko narin sinabi na Isang beses lang ako nakipagtalik since nag-start akong magka UTI last year, hindi pa nga ata makokonsider na sex yun. Sa ngayon ay wala na ulit si Bestfriend UTI, baka next week, who knows andiyan na naman siya.

Ang reseta ni Doc;

Stresstabs at three or more gallons of water a day.

Sunday, April 24, 2011

good friday

April 22, 2011
Good Friday.

Nagyaya si kaibigang Ron, together with kaibigang Dars.
Sa bahay ni kaibigang Ron kami nag-inuman. It's been quite a
long time since huli ko silang nakainuman at lagi akong kinakantsawan
na pinagtataguan sila.

Habang nagiinuman ay nauwi ang usapan naming tatlo sa mga elementong nakatira sa bahay ni
kaibigang Ron, 8:00 pm na noon madilim na, sa may garahe nila kami umiinom.
Matagal ng kinukwento sakin ni kaibigang Ron ang mga kababalaghan na nangyayari sa
bahay nila, sa laki niyang tao ay hindi naman sumagi sa isip ko na baka natatakot siya.

Ayon sa kaniya ay dalawang elemento ang nagpapakita sa bahay nila;
Isang dalagita nakaputi na may mahabang buhok at
Isang taong itim na pulang pula ang mga mata.

Ilang sa mga pangyayaring Ikinuwento niya:

- Yung boy nila nag pa-punching bag sa basement nila, ilang oras na
nagpapunching bag yung boy ng may biglaang dumaan na babaeng nakaputi sa
harapan niya. Napatakbo ang boy sa biglaang pag sulpot ng babae.

- Kasambahay na Tomboy: Lagi daw binubulabog itong tomboy na ito, laging dinadaganan
habang tulog to the extent na hindi makagalaw at kinakalabit pa lagi ang paa nito habang natutulog.

- Mga bisitang sa bahay nila na nagke-claim na nakakita ng babaeng nakaputi na mahaba ang buhok.

- Two years ago, ay nagreklamo sakin si kaibigan Ron na lagi daw siyang
nagigising ng alas tres ng madaling umaga, hindi daw niya alam kung bakit. Binabangungot rin siya lagi at isa pa sa bangungot na hindi niya makalimutan ay ang pagdagan sa kaniya ng isang maitim na elemento.
"
Ang nasagot ko lang sa tanong niya ay.."Baka may insomia ka? - Ang layo ng sagot ko.

Ngunit ito ang pinakamatindi.

Naginuman sila kasama ang mga opismates. Umihi sa gilid ng house si kaibigang Dars at Reygun.
Sabay nilang nakita ang isang nilalang na nakatayo sa bintana nakadungaw sa kanila. Itim ito at pula ang mga nanlilisik na mata
Dahil doon ay umuwi si Reygun ng wala sa oras, samantalang si Kuhol ay nakikita parin ang elemento sa bintana at tinuturo niya
kay Ron, hindi ito makita ni Ron. Pagupo ni Dars ay nahilo siya at biglaang nalasing maski kaunti palang ang naiinom.

Dahil nakainum na at ingit sa kanila ay sige ang ihi ko sa gilid ng bahay nila kung saan sinasabing nakita ang elemento.
Wala naman akong nakita dahil panay ang tingin ko sa madidilim na sulok ng bakuran nila.

Pagbalik ko sa kinauupuan ko at bigla akong napalingon.
May anino na dumaan sa gilid ng mata ko.
Di ko na sinabi sa kanila baka, namalikmata lang ako.

Could it be that black element or could it be na malakas lang imagination ko?

At dahil gusto kong matakot ay hiniram ko pa ang DVD na the Rite ni Ron, paguwi ko ng alas dose ay pinanood ko pa ito.

Last night ay naginuman kami ng bestfriend kong si Sars, kinuwento ko sa kaniya Yun'
Ayon sa discription ko nung itim na elemento na may pulang mata, Agta daw ang tawag dun at lamang lupa daw yun, nakalimutan ko na kung anong province marami nun. may nabangit siya sa Visayas ata.

Wednesday, April 20, 2011

face to face

May mga striking resemblance ang mga celebrities na ito. (1) Joel Cruz at Kyla (2) John Hall at Jen (3) Trolls at yung artista sa Tweenhearts (4) Weng-Weng at Duncan. Include

Tuesday, April 19, 2011

two days and three nights

3 years old palang ang kapatid ko noong nanyari ito sa kanya. Kulot at lightbrown ang buhok niya, malaki ang mga mata at Matet ang tawag sa kanya noong maliit pa siya ( male version daw ni Matet ). Madalas din siyang isali sa mga Santa Cruzan bilang Querobin. Samantalang ako ay hindi napapansin dahil mukha siguro akong tiyanak nung bata pa ako. Kulot kulot din ang buhok ko noong bata ako at ngayon kinky na, ayon din sa nanay ko ay darkbrown daw buhok ko noong maliit pa ako dahil siguro ito sa 1/8 na lahing Spaniol.

Palubog na ang araw noon, dumalaw ang Nanay ko sa isang kamag-anak sa di-kalayuan. Isinama kami ni Inay, ako na 3 years old noong time na iyon at kapatid ko na Isang taong gulang palamang. Hindi ko natatandaan ang pangyayaring ito.

Pag-uwi namin ay doon na nagsimula ang kalbaryo ng kapatid kong lalaki. Dalawang araw na ay hindi parin nakakatulog ang kapatid ko, tulala walang imik at dilat lang ang mata. Pumunta narin sila sa doktor, ngunit, hindi mafigure-out ng doktor kung anong diperensiya nito. Labis na nataranta ang lahat ( imagine the horror ). Sa ikatlong gabi, ay na-convince na si Inay na humingi ng tulong sa isang mangtatawas, Ayon daw sa magtatawas at ayon sa imahe na lumabas sa tawas ay, napagkatuwaan daw ang kapatid ko ng lamang lupa. Sa Kanal daw ito nakatira, tinanong ng albularyo kung naglaro daw ang kapatid ko sa kanal or malapit sa kanal.

Naalala ng nanay ko na habang nakikipag-chismisan siya noong bumisita kami doon sa kamag-anak ay malapit na naglalaro ang kapatid ko sa isang mababaw na kanal na yari sa lupa.

Habang binabangit ng albulario ang diskripsion ng lamang lupa ay dahan dahang bumagsak sang mata ng kapatid ko, after 3 nights ay sa wakas nakatulog na ang kapatid ko.

Tinanong ko ang mga relatives ko about this,and yes it did happen.

Hindi ko sinasabing totoo ang mga lamang lupa.
Malay ko, nagkamali lang ang doktor.
Malay ko kung may nag pasinghot ng magic sugar sa kapatid ko kaya gising siya ng tatlong gabi.

Kung ano talagang nangyari ay walang nakakaalam.

Tuesday, April 5, 2011

slide

Matagal ko ng pangarap matuto ng Adobe Photoshop, Pero sa ngayon ay plano palang. Kaya naman na master ko ng ang pagamit ng Microsoft Paint, since resourceful naman ako ay namaster ko ang pagamit nito. Eto ang ilan sa mga creations ko gamit ang Microsoft paint:


Inutusan akong bumili ng pagkain ng Lovebirds kahapon. Habang pababa ng hagdanan ay nadulas ako. Kitang kita ni Erpats ang pagdalusdos ko. Buti nalang at hindi ako nabalian ng buto. ( Ang ninipis pa naman ng mga buto ko parang tinik). Ramdam na ramdam ng likod ko ang pagdalusdos, sa nipis ng katawan ko ay para akong plywood na nag-slide. Tanging sugat sa kamay at pasa sa ankle lang ang inabot ko. Sakit. Wala namang masamang nangyari sa Cellphone ko dahil nagawa ko pang hawakan ng mahigpit habang bumubulusok sa hagdanan.

"Madulas siguro ang Tsinelas mo"
-Ang wika ni itay, na tanging saksi sa nangyari.

Pero sa palagay ko ay dahil sa floorwax. Nagfloorwax kasi si Ermats early that morning.