Saturday, July 30, 2011

shake

2 days before ng lindol ay may nangyari...

Madaling araw at habang mahimbing ang tulog ko ay may naramdaman akong kumalabit sa tagiliran ko, hindi ako nagising sa pagkakataong iyon. Sa pangalawang beses ay malakas ang kalabit na labis na ikinamulat ng aking mga mata. Theres nothing but darkness and theres nothing in the room but me. Mabilis ang kabog ng dibdib ko after ilang seconds ay hindi ko na malayan na nakatulog na ako. Baka masamang panaginip lang.

Andito ako sa Bicol at this moment, going home tonight, tomorrow i'll be there in Manila.
2 nights ago habang mahimbing ang tulog ko sa guestroom, which is a very large room dito sa third floor where I'm currently writing this post.

Nagising ako ng mga bandang 4 a.m. Umuga ang kama kong tinutulugan ng malakas, enough to wake me up.
Then again, naparanoid nako at binuksan ang ilaw, I left the light on till morning and I managed to fall asleep shortly after. Kinabukasan I asked everyone in the house kung may naramdaman ba silang lindol. Wala naman daw.

Lagi akong natutulog dito sa room na ito everytime na nagbabakasiyon dito sa probinsiya.
Wala namang kababalaghan na nangyayayari at hindi ko rin kinu-consider na may kababalaghan ngang nangyari. Someday I'll find some logical answers.

Photo taken in the room, outside view.

Wednesday, July 20, 2011

red flag

Nagulantang ako kanina ng may dugo na umagos sa lagusan ng ebs ko, nangyari ito pagkatapos kong umupo sa trono ng kubeta. Matagal nakong may chicharong bulaklak, ngunit pinagpatuloy ko parin ang masamang habit ko ng pagupo sa trono wether na-eerbs ako o hindi, hindi ko kasi maintindihan kung bakit ko hinahaphanap na magyosi ng nakaupo sa toilet bowl, marahil adik na ako sa sensation ng ume-ebs habang nagyoyosi.

Hindi na talaga ako nadala, bukod sa mga kidney stones ko at pabalikbalik kong UTI ay mga bawal parin ang aking ginagawa. Kasalanan ko ito, kasalanan ko sa sarili ko, 29 palang ako pero madami na akong sakit na iniinda. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Na-ubos narin ang pakiramdam kong maparanoid. Pakiramdam ko katapusan ko na, katapusan ko na nga ba? Kung bakit kung kelang wala akong trabaho ngayon pa nangyayari sa akin ang mga ganito. Ganoon naba kabigat ang mga kasalanan ko kung bakit ako pinaparusahan ng ganito? Ano nga bang nagawa ko? Wala naman akong maisip.

Regla...ni reregla ang butas ng puwit ko..

Tuesday, July 19, 2011

candles

Noong isang lingo ay niyaya ko si Bestfriend Sweety ( girl ) sa Recto, Nagpasama ako for some important business na may kinalaman sa isang ngipin kong natangal pagkatapos lumantak ng liempo.

After ng very important business ay napagkasunduan naming dumaan sa Quiapo church. Ang layunin ko noon ay maghanap ng agimat pangontra sa kulam, feeling ko kasi ay kinukulam ako kaya sunod sunod ang kamalasan ko, si sweety naman ay gustong magpahula, ngunit ang parehong layunin namin ay hindi natuloy at nauwi sa pagsisindi ng kandila. Na-sales talk kami nung babae sa halagang 20php ay bibigyan kanya ng makukulay na kandila na nakatali tapos dadasalan mo ito at hihiling ka. Tri-ny namin, wala namang mawawala sa halagang 20 php.

Tinanong ko si bestfriend kung anong wish niya,

"Secret na lang daw para magkatotoo"

"Sige, secret narin lang rin ang sa akin at para magkatotoo rin."

Ano nga ba ang hiniling ko, pagkatapos bangitin ang dasal at sindihan ang kandila.

" Sana po ay gumaling na ako at gumwapo "

Diba honesty is the best policy? Bawal magsunangalin sa Diyos.

Noong isang araw ay nag-crash ang computer ko at bukod pa doon na-virusan ang mp3 player ko, dinala ko sa gawaan ang mp3 player ko pero hindi na ito maayos dahil hindi na maditect ng computer. Hayy sus kelan kaya matatapos ang kamalasan ko.

Friday, July 15, 2011

lights, camera, action!

Parte ng training sa callcenter ang mga group activities at isa sa uri ng group activities ay ang role playing, at siyempre may kinalaman dapat sa account ang role playing at dapat din na ipakita sa role play kung gaano mo ka alam ang product, anyhoot, walang kinalaman ang post na ito sa pagiindorse.

Sa dinami dami ng callcenters na pinangalingan ko ay hindi maiiwasang gunatain ang mga fun part.
Tatlong beses ko na palang naipapanalo ang mga role playing sa ibat-ibang company at account. Ako gumagawa ng script ako ang nagdi-direct. Three out of four, paano nabastusan yung trainor namin nung first time kong gumawa ng script at mag-direct. Comedy lagi at highly entertaining ang mga plays na ginagawa ko, too bad walang nakakapansin nito, kung sabagay palipat lipat ako ng companya. I'm not saying na excemptional kong talent ito, ang sa akin lang ay nalilibang ako.

Could it be na may potential ako sa directing at script writing?
Malay natin, balang araw pagnakapasok ako sa isang trabaho na ganito ang nature ay
mag-shine ako at maging masaya.

Who knows...
Baka lang naman.

Ako ang tipong tao na sobrang mabilis ma-istress on the most tiniest of things.
Pero tuwing gagawa ako ng script at mag-di-direct ay nawawala ang stress ko, kung baga nageenjoy ako. Although napaka-stressful gumawa ng script at bigyan ng mga direksiyon ang mga maarteng actors at actresses.

Thursday, July 14, 2011

that's entertainment ( seahorse )

Isang magandang sabado sa isang Videoke bar dito sa Marikina.
Habang nagkakalasingan at nag papalakasan sa sigaw ng pagkanta ang mga customer ay biglaang may nambato ng bote ng Redhorse. Paglingon ko ay may dalawang nakatayong tomboy na nagduduruanng finger sa isat-isa.

On the red corner: Fat Tiboli ( Mala Aiza Siguerra ). Bansot at mataba ang Tiburciong siga ang dating.

On the blue corner: Petite Sea horse looking tiboli, natipus ang buhok, pandak, maliit ang katawan, maliit ang mukha, luwa ang mga mata at nakapout ang nguso, buti nalang at maliit ang ilong niya, kung hindi mukha na siyang mascot ng combantrin. Heartthrob ang dating niya.

Maya-maya ay nagsampakan na ang dalawa ( Shet, parang mga lalake )
Maya- maya ay winasiwas na ni Aiza ang kaaway niyang tomboy na mukhang natipus na seahorse.
Nagmistulang palaspas ang payatot na seahorse habang ri-na-rak-en-roll ni Aiza ang buhok niya.

Sa lasing ko ay namangha ako at napanganga, " Shet once in a lifetime lang ako makakasaksi ng ganito ". Parang action hunks pala magbuntalan ang mga Tiburcio, talo pa si Robin Padilla at Fernando Poe Jr.

Napansin ng barkada ko ang smirk sa mukha ko, para lang daw akong mongoloid na siyang-siya sa pangyayari.

" That's entertainment! " Ang tanging Holla back ko kay kumpare.

Thursday, July 7, 2011

hakaba kitarou

Nadiskubre ko tong Hakaba Kitarou three years ago habang naghahunting ako sa Quiapo ng mga rare DVD's,
noong una ay inakala ko na ang nabili kong DVD ay yung Ge ge ge version na pinapalabas sa Animax,
ngunit laking gulat ko nang panoorin ko na ito ay iba pala ( Hakaba Kitarou version ) Ito yung original version na 11 episodes lang.
Fanatic ako ni Kitarou in fact I'll go great legnths para lang mapanood ang series nito sa Animax na (Wholesome version).
Napanood ko narin ang movie nito at ubod ng good looking nung bida na kabaliktaran ng mala freak na hitsura sa original version na Hakaba Kitarou at Ge Ge Ge no version.
mababaw rin lang ang story nung pelikhula at masasabi kong iba ang Hakaba Kitarou dahil masterpiece ang pagkakagawa ng eleven episodes nito. Kitarou at it's best, sobrang hands down ako. Sobrang dark at twisted ng mga stories, na tumatalakay rin sa mga real life issues. According to my research, ang Hakaba Kitarou ang original version, kaya lalo akong naging die hard fan ni Kitarou,
maka-ilang ulit ko narin napanood ang mga episodes ang Hakaba Kitarou at ito'y tunay na Pamatay! Dito sa hakaba Kitarou ay wala siyang masyadong special abilities
unlike sa Ge ge ge no Kitaro at sa movie na meron siyang mga special abilities at weapons.
Alam kong bihira ang mga taong baliko at malagim mag-isip na katulad ko, kaya naman hindi ganoon kadami ang makaka-apreciate sa Hakaba Kitarou.

~Plot Summary: Kitarou is a youkai boy born in a cemetery, and aside from his mostly-decayed father, the last living member of the Ghost tribe. He is missing his left eye, but his hair usually covers the empty socket. He fights for peace between humans and youkai, which generally involves protecting the former from the wiles of the latter.

Wednesday, July 6, 2011

monarc butterfly

The year was 1998, as far as I can remember I was in fourth year high school.

One night in June ay sige ang alulong ng aso and because of that I can’t sleep, habang ang utol ko ay tulog na tulog sa kama niya ay biglaang umalulong ang aso and this time ay nagpatidig ang mga balahibo ko sa katawan. It was very distinct it seems that sinasapian ang aso habang parang kumakanta; It seems human like, it seems sinasapian ang aso. I’m not a scardy cat ako yung tipong taong mahilig manakot at most likely magpull off ng prank, as they know me, the original prankster. Agad kong binuhat ang kutson at nagtungo sa kuwarto ni mother.

Month of June nangyari ang incident na ito, I can't remember the exact day. Namatay ang lola ko sa father's side sa birthday ng tatay ko kaya extra memorable ang araw na ito and as far as I can remember na on or before this date ay laging may brown butterfly na dumadapo sa picture ni lola na nakadisplay sa sala nanin at ang piture na ito ay noong dalaga pa siya.

The butterfly which is brown or possibly a moth resemble the likes of that of a Monarc butterfly.

I am not assuming na paranormal activity ito, marahil nagkakataon lang.

Who really knew, Im not really psychic.

Ako at si utol ay masasabi kong least favorite ni lola, kasi kami ang poorest at nakikitira lang kami and for whatever reasons pa, I was really too young to think about it.Specially me, I have this funny feeling that she really hated me for I am different if you know what I mean. I remember noong binabaon na siya sa lupa, I tried hard to cry, I coud not feel a thing. When everyone is crying hard, I am struggling to cry. No tears. Thank goodness that everyone was too busy crying that they didn’t noticed me, at that point it was really hard to fake it. Bata palang ako ay natuto nakong maging bato sa mga taong hindi nakakaintindi at nakaka-appreciate sa akin.

Tuesday, July 5, 2011

that's what friends are for

kumpare 1: Tol' hang baho ng hininga mo amoy patay na Rat.

kumpare 2: Wow tol' sobrang masaya ako at sinabi mo yan. Thank you.

kumpare 1: Siyempre kaya nga tayo mag barkada, for your own good naman yan eh, wagkang magpasalamat, concern lang ako....

kumpare 2: Hindi lang dahil sinabi mo yun kaya ako nagpapasalamat.

kumpare 1: Eh ano pang rason mo?

kumpare 2: Nagpapasalamat ako na hindi lang ako ang amoy patay na Rat ang hininga sa barkadahan natin, may karamay na ako....Ikaw pare', were two of a kind.

kumpare 3: Umutot nalang kayo pareho at wag nalang kayong magsalita, ganun rin ang amoy.
=====

How I normally converse sa chat:

[sweets]: haha tamaaa!
pwede ko ba sama reggie?

[daniel]: oo naman nukaba
si reggie pa : )

[sweets]: ahihi ok!

[daniel]: puwede ko bang isama si...

[sweets]: sinech?

[daniel]:si danita paner at raprap?

[sweets]:HAHA OMG!

[daniel]: can u believe may artista na danita paner ang name sa
channel 5

[sweets]: oo,kapatid ni tina paner

[daniel]: shet kala ko apo ni tina paner

[sweets]: haha kabog!