Tuesday, February 28, 2012

inspirational ( Meet the Robinsons )

It's just a cartoon movie! No it's not. I watched this movie a couple of times and everytime I watch this movie ay ummiiyak ako specially sa ending part. The movie is highly inspirational. Ganda ng lesson and I'm sure that everyone will relate. Panalo rin ang theme song na little wonders ni Rob Thomas. Ay basta maganda yung movie. Maganda ang lesson.

At the end of the movie this quote is shown:

“Around here, however, we don’t look backwards for very long. We keep moving forward, opening up new doors and doing new things - because we're curious. And curiosity keeps leading us down new paths. We're always exploring and experimenting.”

-Walt Disney.

Watch the ending part:

Monday, February 27, 2012

smile

I'm gifted with incredible weak teeth. I am not sure kung kanino ko namana to' pero alam kong pang habang buhay nato. Kaya naman labis kong inaalagaan ang mga ito ---

Sumasakit na naman ng sobra ang mga gilagid ko.
Panahon na naman ng "Cleaning" which is sobrang kinakatakutan ko.

Why? Dahil sobrang sakit. Dahil sobrang mabilis mabulok ang mga ngipin ko ay umaabot ito sa kasulok-sulukan ng gilagid ko at kailangan ko pang magrequest sa dentista na injectionan ng anestisha ang mga gilagid ko.

Worth it na injectionan nang injectionan ang gilagid ko wag ko lang maramdaman ang sakit ng cleaning. Dahil maski may anestisha na ay nararamdaman ko parin ang kirot na aunbearable. Kung sabagay bawat isang butil ng ngipin ay may nerve. Kaya maski na magbayad ako ng sobra-sobra para sa anestisha ay oks na oks lang.

Hindi ko ma-imagine na pabayaan ang ngipin ko. Maski na halos himatayin ako kaiimagine na kailangan ko na namang magpa-cleaning.

Lagi ko nalang sinasabi sa sarili ko na ..Paano ka haharap sa mundo kung wala kang ngipin?
Always remember that bad breath might not kill you but it may kill the person beside you.

5 hours later...I did it tapos na cleaning, makakahinga nako ng maluwag!

Wednesday, February 22, 2012

solitude II

Suddenly my heart beats again. Hindi parin siya maalis sa isip ko. Bawat minuto, bawat sandali at pati sa panaginip ko andoon siya. Maski pilitin kong mawala ang nararamdaman para sa kaniya ay patuloy itong bumabalik. Tuwing maalala ko siya ay sumisikip ang dibdib ko. Gusto ko siyang abangan, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang yakapin, Gusto kong sabihin sa kanya na Mahal na malal ko siya habang ako'y nakaluhod.

Binabawi ko na ang sinabi ko. Mahal na mahal ko siya. Hindi pako malaya, alipin parin ang puso ko.
Sabihin ko na kaya ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Ngunit hindi pa ako handa sa mapait niyang hindi.

Sadyang nababaliw nako.

Monday, February 20, 2012

i hate to leave

"Kayo lang guys ang ma-mimiss ko sa Teleperformance hehe! Nag quit nako, nag txt nako kay John. Mataas lagnat ko ngayon, kailangan ko ng ilang araw na pahinga. I'm sorry. It really breaks my heart to leave. I'm just one text away guys. See u all : ) "

Katulad ng naipangako ko sa sarili ko na magreresign ako after ng first salary ko. I did it. Leaving behind a barkada na nakabond ko ng 20 days.
Because of them nahirapan akong magdecide mag-quit dahil masarap silang kasama sa office. You see seven days nakong pumapasok ng may sinat at grabeng ubo. I gave a chance na matutunan at magustuhan ko yung account but I failed.The account is the reason why I quit, Its more than i can chew the account is too much for me, compared sa mga account na na-handle ko before.It's too toxic and I could not bear handle a call for even a minute. Mahirap tumangap ng calls kung wala kang idea sa mga pinagsasabi mo.

Masama man sa loob ko naiwanan ko behind ang mga new friends ko. I did it anyway. If only maganda lang yung account I would honestly stay forever. It is very important that you like and enjoy what your doing, ( work ) money is only secondary for me. I can get by with nothing, at least for the meantime

Friday, February 17, 2012

solitude I

Suddenly, I just snapped out of it.

Nawala na lahat ng pagnanasa at pagmamahal sa kanya.

I can only take so much rejection, that you just snap out of it.

Suddenly that person no longer exists in your fantasy world. Suddenly you see that

that individual, as you see any other ordinary person.

Suddenly you find yourself, normal again.

Finally appreciating that I am happier and more at peace alone.

"The heart is the most stupid part of my body, My soul screams enought! and suddenly my brain starts functioning again."

Your heart can only take so much.

Thursday, February 16, 2012

Monday, February 13, 2012

madrid

It's really funny. I like this individual. Of course this person is good looking otherwise hindi ko siya pagaaksayahan ng panahon. I really like this person and that I think I'm in love. The funny thing is. I heard this person back stab me several times. Like " Hello " I Can hear you! "

" Yuck that guy "
" Ieeww "
" Mukhang Bangkay "

Were some words that this person use to describe me. Can't really remember if i've done something that make this person hate me so much.

Nakakatawa na paminsan kung sino pa yung taong gusto gusto mo, yun pa yung diring diri sayo. Maski wala ka namang ginagawang masama and you bearely talk to each other.

Everytime na i'm around this person. This person tend to move away. Hindi ko naman pinapahalata na gusto ko siya. I just act natural na kunwari hindi ko napapansin ang paglayo niya. Hindi ko rin niya halata ang pagka- obsessed ko sa kanya. I really want to hate this person and move away as far as I can.

I Can't my attraction with this person is like magnet over a piece of metal. Wherever this person go I automatically follow. Pinagsasamantalan ko lang ang chance na mapagmasdan siya ng hindi niya namamalayan. Pinagsasamantalahan ko lang ang pagkakataon na manamnam man lang ang halimuyak niya. ( Ang Bango niya ). Gusto kong malaman ang pabango niya,bibili ako para lang to have some sort of remembrance of this person. Yun lang masaya nako maski nasasaktan ako sa hindi ko maintindihang pandidiri niya sa akin.

Isa rin siya sa dahilan kung bakit hindi pako nag-qui-quit sa training. Isang Lingo nalang at makukuha ko na sweldo ko at alam kong by that time ay hindi ko na siya makikita.

Nakasabay ko siyang mag-lunch together with other wavemates. Masaya nako maski hindi kami nagkausap, maski magkatabi lang kami hihi. Sarap niyang yakapin ng mahigpit at papakin ng sweet kisses.

Happy Happy Valentines Everyone! Smile : )

Saturday, February 11, 2012

princess luna

Here's my attempt na magsulat ng isang fairytale.

Once upon a time, sa isang malayong malayong kaharian ay may isang kaharian ay may isang prinsesa na nagngangalang Luna. Si Luna ay pang-apat sa pitong prinsesang magkakapatid. Tampulan rin ng tukso si Luna dahil sa magkakapatid ay siya lang ang hindi pinalad na maging maganda. Lahat kasi ng kapatid niya ay kamukha ng Reyna samantalang kamukha naman niya ang kaniyang Amang hari.

Pinatibok ng puso ng isang makisig na mangangaso ang puso ni Luna, at dahil prinsesa ay madaling nahulog sa bitag niya ang Makisig na binata. Piolo ang pangalan ng makisig na binata. At dahil punong mangangaso si Piolo ay wala naman nasabi ang Hari sa kanilang relasiyon.

Lumipas ang ilang buwan at habang lumilipas ang mga araw ay napansin ni Luna ang panlalamig at ang pagiging empty ng mga mata ni Piolo.

Buong buhay ni Luna ay wala siyang hinangad at pinangarap kundi ang mag mahal at mahalin. Hindi katulad ng mga kapatid niya na mga Go-getter at masyadong aktibo sa politika ng kaharian nila.

Dahil labis na nababagabag si Luna ay nangahas siyang magtungo sa puso ng gubat upang kumunsulta sa isang sikat na mangkukulam na si Geneva Toots.

" Ano ang pakay mo, mahal na Prinsesa Luna "
" Nais kong malaman kung wagas akong mahal ng aking irog "
" Isa lang ang pwede mong gawin upang malaman ang sagot sa iyong katanungan. Sa dulo ng gubat na ito ay may isang talon, Sa talon na ito ay may nakatagong kuweba. Paglabas mo dito ay makikita kang hardin at sa hardin ay may isang Arko ng baging na namumulaklak ng puting Rosas. Tawirin mo ito, hawak kamay na iyong sinisinta.

" Pagwagas ang pagmamahal niyo sa isa't isa at makakatawid kayo ngunit pagisa ang hindi wagas ang pagibig ay paghihiwalayin kayo ng landas habang buhay. Pareho kayong mabubuhay sa mga normal niyong buhay pero hinding hindi na kayo magtatagpo. "

" Magiging prinsesa parin ako? "
" OO naman "

" Salamat sa iyo Geneva "
" That would be 3 gold coins at apat na sakong saging "
" I- charge mo nalang sa tatay ko. "
" Okay, no problem "

Dumaan ang ilang araw ay nabuo rin ang loob ni Luna, at napag desisyonan niyang magtungo sa nasabing lugar, kasama ang irog. Nagpangap si Piolo na walang ka alam alam sa mga nangyayari.

Hinawakan ng mahigpit ni Luna ang kamay ni Piolo at tiningnan niya sa mata si Piolo.
Kung ito man ang huling pagkakataon na makakasama si Piolo then its worth it.

Hawak kamay ang dalawa na tumawid sa Arko ng puting rosas.
Nagliwanag ang paligid at dahang dahang nagkapira-piraso ang katawan ng dalawa, naging mga libo-libong puting paru-paro at lumipad sa langit.

Nagising si Luna, nasa kama niya sa palasiyo, wala na si Piolo sa tabi niya.

Muling bumalik si Luna sa Mangkukulam na si Geneva.

" Nais kung malaman ang dahilan kung ano ang dahilan, kung bakit hindi niya ako totoong mahal "
" Matutulungan kita ngunit, buhay mo ang magiging kapalit "

" Inumin mo itong potion na ito, kailangan bilog ang buwan at kailangan nakatapak sa lupa ang mga paa mo. Humarap ka sa buwan inumin ang potion at ipapakita ng buwan ang dahilan sayo.

" Pag-isipan mung mabuti...That would be 3 gold coins at isang puting kabayo "
" I charge mo nalang sa tatay ko. "
" Na naman? "

Hindi na nagdalawang isip si Luna, buo na ang isip niya.
Sa unang kabilugan ng buwan ay tumayo si Luna sa lupa inimum ang potion at tumingin sa buwan.

Nakita niya si Piolo na masaya, masaya sa piling ni Cogie ang royal baker.
( FYI lang walang kinalaman dito ang chismis na nahuling naghahalikan si Piolo at Cogie sa isang park sa Bagiou city )

Pumatak ang luha ni Luna at sa wakas ay pinalaya na siya ng katotohanan, na boy rin ang hanap ni Piolo.

Dahang dahang tumubo ang ugat sa mga paa ni Luna at dahang dahang nanigas ang katawan niya.

Kinabukasan ay nagulat ang buong kaharian ng tumambad ang isang higanteng puno ng may bunga ng isang rare na puting bulaklak sa gitna mismo ng bakuran ng kaharian.

Habang dahang dahang nagiging puno si Luna ay dahang dahang nagtratransform sa kuwarto ni Luna si Piolo. Dahan dahan siyang nagiging tunay at ganap na babae na kamukhang-kamukha ni Luna. Natupad narin ang pangarap niyang maging prinsesa. Kapalit nito ang mataas na rango na igagawad niya kay Geneva Toots na gagawing niyang high priestest.

Saturday, February 4, 2012

meltaway

It's been two weeks since I started training again.

At ngayon nararamdaman ko na ayaw ko ng ituloy ang training ko. Hindi pa man ako umaabot sa live calls ay nababaliw nako.
It's really not working for me. Maski na halos ten months na noong huli akong magtrabaho.

Ayoko na. Ayoko nang magtrabaho sa call center. Akala ko ay ma-rerefresh ako sa tagal kong nabakante. Pero lalo lang akong nauumay na nabubuwisit.

...Pero wala ata akong choice, kailangan kung umaabot sa unang sweldo. Laki na ng pinuhunan ko, kailangan ko itong mabawi.

What the fuck is wrong with me.