Tuesday, May 22, 2012

magsuka ng dugo

Nakatangap ako ng tawag kagabi. Interview daw 1pm today.I was refered by a friend. I decided to go and take my chances. Initial interview palang ay naging aggressibo na akong magtanong kung anong mga accounts ang may openning. Kasi kung sa Telecommunications lang na account ang bagsak ko ay wag-nalang. I will really walk away with matching dabog dabog. Kesa mag training- mag quit- at ma ban habang buhay sa company nila. Mauubos ko na ata lahat ng callcenters at di malayong ma-black list ako sa lahat ng ginago kong kumpanya.

Sony daw ang account. medyo technical at hindi ganoon kahirap. Troubleshooting lang ng TV, Camera at kung ano-ano pang mga gadgets. At dahil sa mas marami pa akong tinanong kesa sinagot ay ako ang napiling mag move on sa next round. Naligwak yung kasabay kong ini-nitial ininterview dahil hindi makasagot ng maayos sa mga simpleng tanong. First time kong magtanong ng magtanong sa initial interview. Ako rin naman ang mag-aaksaya ng oras kung wala akong idea sa papasukan kung gulo.

3 hours at kung ano ano pang exam na masakit sa ulo. Nakapasa na naman ako with flying colors and flying kick. Hindi ko alam kung paano ko nagawa knowing na hindi naman ako ka-talinuhan. Yung iba pinauwi na gawa ng naubos na nila ang re-take sa exams.

Hintay ng dalawang oras para final interview

Dalawa nalang kami doon na ifa-final interview. Nauna si babae at mga 25-30 minutes inabot ang final interview niya. Kinabahan nako at baka maubusan nako ng ingles pag umabot sa ganoon kahaba ang interview.

Eto na, ako na. Maski kabado at sobrang gutom na ay kinaya ko parin ang mahigit 30 minutos na Miss Universe question and answer hangang to the point na magkabalibaliktad na ang mga words ko at kung ano-anong english terms na ang gamitin ko. Natapos din.

Ako nalang magisa dun. Wala ng applicants. Hintay daw ako sa labas ng five minutes para sa resulta ng Miss Universe.

Tinawag nako ng isa sa mga recruitment staff akala ko papauwiin nako. Nang bigla niyang buksan ang pintuan ng isang room. Pinaupo ako. Mga two seconds siyang pokerface at biglaang ngiti. Congratulations! You are the new Miss Universe. Shet muntik ko na siyang masampal, pramis! Training Starts June six. Pa medical kana bukas at wag kalimutang magdala ng tae. Contract signing kana sa 24. Hang bilis ng mga pangyayari, sabayan pa ng matinding lamig at gutom- Hindi ako makapaniwalang Matatanghal rin akong Miss Universe. Not even in my wet dreams.

Sana ito na ang Account na isang dekada ko nang hinihintay. Pagod nakong maging hopper. Pagod nakong magsuka ng dugo tuwing tatangap ng calls.


Saturday, May 19, 2012

everyday



Araw-araw sa aking pag-iisa ay pinapangarap na sana dumating kana. I've already searched everywhere.
I've already exhausted my energy, emotion, time and money. I'm tired but I'm not giving up.

Natatakot man na baka di na tayo magtagpo ng landas.
Pero sa tuwing pinakikingan ko ang kantang ito ay nabubuhayan ako ng loob.
Na ika'y balang araw ipagkaloob sa akin.

Kung nasaan kaman at kung sino kaman, sana naiisip mo rin ako.
Nanabik rin sa ating pag kro-krus ng landas.

Araw araw akong mananabik, maghihintay na finally sana maramdaman ko narin ang yakap mo..ang halik mo.. ang pagmamahal mo.

- Para ito sa isang taong hindi ko pa nakikilala. Umaasa akong makikilala ko siya sa future.

Friday, May 18, 2012

goatee

Nagulat nalang ako ng biglaan kong makita itong kambing nato sa aming garden. Regalo siya kay Erpats ng mayaman kong tito from the province. Nagpanic naman si Ermats at baka ubusin ang mga pananim niyang halaman. Lalong lalo na ang mga Orchids. Masyadong mailap tong kambing nato. Nakaka-orkot lapitan dahil nang kunan ko ng picture kanina ay bigla nalang nagtatakto. Naawa naman ako dahil halos masakal sa tali katatakbo ang kambing. Ibebenta daw siya ni Erpats dahil walang mag-aalaga.

Wala nakong masulat haha!

Thursday, May 17, 2012

endless swirls

Three days akong nakaratay sa kama, at ngayon lang ako medyo nakakatayo. I had the worse attack of  Vertigo to date. This has been the worst and there are a lot of times na hiniling ko na mategi nalang ako. Three days akong nakaratay sa kama. Hindi makakain at hilong hilo. Sobrang sakit ng ulo ko at sobrang ngalay ng mga mata ko maski na wala akong ginawa kundi matulog at pilitin ang sarili kong kumain. Until finally nagdecide na bumili na ng gamot ang nanay ko. Kasi nung una pinipigilan ko siyang bumili dahil sayang sa pera. wala pa naman akong trabaho at medyo kapos talaga. Dahil usually 24 hours lang ay nawawala na ang Vertigo kaya ganoon nalang ang pagpigil ko sa pagbili ng gamot. I guess magiging dependent nako sa mamahaling gamot na ito. Oh well at least I feel a bit better now. I can freely walk around the house and buy something at the sari-sari store.

You may consider yourself very lucky if you don't have this disorder.

Monday, May 7, 2012

it's more fun in the philippines

I just realize that show business here in the Philippines is more fun!

Celebrities beating each other off;
Today:
Mon Tulfo versus the Evil Claudine Baretto

Andi Eigenmann and gang Versus  Albie Casino ( Who the hell is this guy? )

Tomorrow

Elmo Magalona Versus Wako-Wako. Lol!

Madam Auring Versus Lolit Solis. Haha!