Sunday, June 22, 2014

my laperal freaky story

Intentionally magpapa-picture lang sana kami nang mga pinsan ko sa labas ng aking dream house. Nang napansin namin na pwede palang pumasok at libutin ang loob. Hindi ko to alam! Kaya naman tumawid ulit ako ng highway para humingi ng permiso sa uncle ko na pumasok kami sa loob kasama ang pinsan ko.

Natuwa ako at nagmadali kaming pumasok sa loob. May entrance fee 50php/ per person. Nagulat ako ng ginawa nilang mini museum ang unang palapag. Nagandahan ako, ngunit diko na masyadong napansin ang mga ditalye kasi excited akong umakyat. Paakyat ay nasalubong namin ng pinsan ko ang isang grupo ng kabataan, mga walo siguro sila more or less na pababa na at nagtatakutan. Ako naman ay excited umakyat upang picture picturan ang mga rooms. Naka buntot sakin ang aking babaeng pinsan na 8 months pregnant. Picture dito picture doon kami ng pinsan ko sa hallway. Sa isa pang hallway ay isa isa kong bunuksan ang mga pintuan at pinicturan ang bawat kwarto sa pag-asang may madagit na multo. Natakot ang pinsan ko sa walang pakundangan pagbukas at pagpicture ko ng mga kwarto. Niyaya na nya akong bumaba habang nasa may hagdanan, Sabi ko wait lang sulitin na natin.

Pagdating ko sa may hagdanan ay napansin ko ang isa pang hagdan patungo ng 3rd floor. Agad akong nagmadali. " Tara na sa taas baka naiinip na sila sa sasakyan " ang wika ko. Dalian na natin! Sa thirdfloor ay may isang maliit na room leading to a terrace at may maliit na pinto leading sa attic.

Picture picture kami ng pinsan ko sa terrace. Pababa na kami ng hagdan ng mapansin kong bahgyan nakabukas ang pinto ng attic. Napasigaw ako nagulat sa takot ang pinsan ko at parang kabayong bumaba ng hagdanan. Naiwan ako magisa sa third floor. Buntis nga pala pinsan ko nakalimutan ko.

Da totoo lang di ka talaga sure kung bahagyang nakabukas yun nung pag-akyat namin. Gusto ko lang manakot. Sayang hindu ko napasok yung attic. Wala narin kasing time. Next time babalikan ko tong white house.

Friday, June 20, 2014

i dream of laperal








Matagal ko ng pinangarap...Hindi ko inaakala na makakatapak ako sa loob ng 14 Laperal.

Tuesday, June 17, 2014

the best souvenir

This is the best souvenir that I could ever have. Matagal ko ng pinangarap magkaroon nito!!! Another addition to my Sbux collection!

Sang katutak man ang nabili kong souvenir ay walang tatalo sayo...

Sunday, June 15, 2014

just around the hotel





Habang lahat ay nag si-siesta ako naman ay nagagala sa paligid-ligid ng hotel. Hilig ko talagang maglakad-lakad. Hilig kong mag matyag-matyag sa paligid ligid, kung ano ang meron, kung saan ito.

Wednesday, June 11, 2014

mary jean lastimosa's winning look

I love this look para kay Mary Jean Lastimosa. Sana ito ang look niya sa paglaban sa Miss Universe 2014. It makes her look longer. I love her face and body, it's perfect. I  am really hoping that we win this year. We deserve it we've been in the top 5 for 4 consecutive year now. Kaya Hoy Donald Duck Trump!!! Siya ang piliin mo hayop ka! Bunutin ko yang wig mo makita mo!

Friday, June 6, 2014

next time

Isa rin sa mga dahilan ko kung bakit matagal ko ng pinangarap makatungtong ng Baguio ay dahil narin sa mga endless ghost stories na naririnig ko at nababasa, sabayan mo pa ng mga documentaries tungkol sa mga kababalaghan sa Baguio. Hilig ko talaga ang horror. Sayang at hindi ko nabisita ang Teacher's Camp at Ambassador hotel. Dibale may part two ang pagbisita ko sa city or pines.

Thursday, June 5, 2014

lechon mami

Try nyo Lechon Mami sa Good Taste Restaurant.

Wednesday, June 4, 2014

dearest claudio

I have a weird habit of taking pictures of clouds habang nakasakay sa sasakyan. I love looking at clouds it always leaves me breathless. Taken on our way going to Baguio.

I was staring at this scenery for I think more than an hour.