Monday, November 30, 2020

water damage 2020 part 2

 November, 12, 2020: Umaga habang nagkakagulo ang lahat gawa ng magbabaha na ay biglang sumulpot ang alaga naming pusa na laging nagagala. Matagal kasing nawawala itong pusang ito sabay bigla nalang ulit susulpot. Habang nagkakagulo na ang lahat sa pag akyat ng mga gamit sa second floor ay panay ang sunod saken ng pusa. Medyo nangangagat kasi ito, so para iwas disgrasya at paturok anti-rabies ay inilalabas ko sya ng bahay para umakyat sa bubong na madalas niyang tambayan. Pero ayaw paring tumigil sa pagsunod sunod. Naisip ko na parang may masamang mangyayari at parang may gustong sabihin yung pusa. Sana wala naman bulong ko sa sarili. So finally, itinaas ko sya sa lamesa  sa labas at balak ko syang balikan upang ilagay sa mas mataas na lugar. So nang napansin ko na medyo mataas na tubig ay binalikan ko sya. Halos pantay na sa lamesa yung tubig ay bigla itong nawala. Nag alala ako na baka nalunod na. Hindi ko rin sure nun kung nakakalangoy ba sa tubig ang pusa since alam na allergic sila sa tubig. Wala na kaming Wify nun hindi ko na na research mataas na tubig at wala ng kuriente.

Mataas nga ang tubig. For the second time after Ondoy ay muling tumungtong ang tubig sa second floor. Pero mas mataas ang tubig nung Ondoy na hangang leeg ko second floor. Si Ulysses ay hangang hita ko lang. Tama ang babala ni alagang pusa.

Kinabukasan ng umaga ay nabalitaan namin na nasawi ang kapitbahay namin na itinuring narin na amo ng pusa namin dahil madalas rin syang pinapakain. Bata palang ako ay kapitbahay na namin si Lola. Hindi ko to naisip, usually kasi pag may baha eh kumakaway samen si Lola kapitbahay mula sa rooftop nila. Ngunit sa baha na ito ay wala sya. Inisip nalang namin na baka nag evacuate na at sinama ng kapitbahay namin.

Marahil ito ang matinding babala ng alaga naming pusa. Thankfully after 13 days after the flood eh muli syang nagpakita. He stayed for two days at ngayon at nawawala na naman.

Sunday, November 29, 2020

water damage 2020

 November 12, 2020. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naulit na naman ang baha na umabot sa second floor. Grabe lang talaga ang linisin, hangang ngayon ay hindi pa kami tapos maglinis. Ang mga naipanhik sa second floor na gamit ay inabot rin ng tubig na maputik. Hopefully by mid December eh malinins na lahat. Mas mataas lang tubig noong Ondoy na nasa leeg ko na sa second floor. Itong si Ulysses hangang hita ko sa second floor. 

Nasawi pa yung kapitbahay namin after the Flood. Gawa ng nadulas sa baha at nagka fracture and skull. Rest in peace po.

Wednesday, November 11, 2020

my bet for miss universe 2020


My bet to win for Miss Universe 2020 is non other than. Rabiya Mateo from us, The Philippines!
I love this girl, sila talaga bet ko ni Miss Cavite. Gusto ko yung look niya sa preliminary interview, the long wavy hair looks fantastic on her. I didn't really like her evening gown during the pageant nigh, wala kasing dating sa totoo lang. Sana wag similar gown ang gamitin sa mismong Miss Universe 2020 pageant. Naging Matumal ang 2019 sa mga representatives natin, kaya dapat arangkada ulit ngayong 2020!