Wednesday, June 9, 2010

pointer

Isang mainit na tanghali noong December 2009 ay isinama ako at ang aking tiyahin ng aking Ina sa Recto. Upang mamili ng kanyang mga paninda. Business kasi ni Inay ang mag-lako ng silver. Kaya ako pumayag sumama ay dahil mamimili rin ako ng DVD cd's at tsinelas.

Iniwanan ko ang aking tiyahin at ina sa tindahan ng silver. Inaabot rin kasi ng ilang oras ang pag-pili ng mga ipaninindang silver. Habang ako ay naglalakad papunta sa mga bilihan ng mga DVD ay napansin ko na nagkukumpulan ang mga tao sa isang bahagi ng bangketa. Lumapit ako at umusisa. Mga tuta pala ang pinagkakaguluhan nila. Magaganda ang mga tuta at halatang half-breed. Matagal ko ng binabalak magkaroon ng sariling aso."Magkano po isa manong?"- ang tanong ko. "350 lang!".
Gusto ko ng bumili kaso nagdalawang isip ako. Naglakad ako palayo upang mag-isip. Mga ilang minuto ay bumalik. Inusisa ko isa-isa ang mga tuta. Lalake ang hanap ko, kasi babae na ang aso namin. Ngunit sa dinamidami nito ay iisa lang ang lalaki, ito pa yung pinaka hindi ko gusto, dahil mukha talaga itong ordinaryong aso sa lansangan ( eh di sana nanghingi nalang ako ). Sa kagustuhan ko ng lalaking aso at dahil hindi ako nandidiscriminate ng hayop, ay binuhat ko ito, at binayaran. "Thank you ha!" ang wika ni Manong.

Pag-balik ko sa tindahan ng silver ay wala ang tiyahin ko at Nanay. Umupo ako sa upuan sa labas habang hinihintay sila. Nilapag ko ang tuta sa sahig ng panandalian. Baka kasi nalalamog na. Maya-maya ay sumuka ito, at dumumi, Nataranta ako dahil sa mismong pintuan ito ng Shop Dumumi. Naawa sakin ang isang tindera ng damit sa harap ng Jewelry shop at binigyan ako ng Newspaper at ilang plastic bag. Nalagpasan ko naman ang trahediya.

Misteryo sa amin ang lahi ng aso. Hindi namin alam kung anong half-half siya.
Habang lumalaki siya ay patuloy parin ang kuro-kuro namin sa lahi niya. Lahat na ng lahi ng aso ay nabintang na namin sa kaniya. Lahat kasi ng nakakakita sa kaniya ay pinipintasan siya. "Panget daw siya"

From December 2009, ngayon ay June 2010 na. Anim na buwan na ang nakakalipas.
Patuloy paring pinipintasan ng kung sino sino ang aso ko.

Hangang noong isang araw, bumisita ang isang kabarkada ni utol at nakita ang aso ko.

Kahapon:
Utol: Hoy! Alam ko na ang lahi ng aso mo! Malamang ay halg siya ng....
Ako: Gago! Sinong niloloko mo! Hindot!
Utol: Halika tingnan mo ito.
*Ipinakita niya sakin ang isang larawan ng aso sa phone niya.
Utol: Pointer dog ang aso mo Tanga!

WIKIPEDIA:
The Pointer should be athletic and graceful. The immediate impression should be of a compact, hard-driving hunting dog, alert and "ready to let go." The primary distinguishing features of this breed are the head, feet, and tail. Hound or terrier characteristics are undesirable for show purposes.

Kaya pala hindi siya cute/maganda sa marami. Hindi pala siya pang show-dog.
Maski na ano pa ang panlalait na inaabot ng aso ko, at hindi daw siya cute/maganda ayon sa kanila.
Ang sa akin lang: Hindi talaga siya cute kasi GORGEOUS siya. Mana sa amo!

Halimbawa ng pointer dog:

3 comments:

  1. hahah gorgeousness nga yang dog mo bwahhaa! kc alam lng nila sa maganda e dpat mabalahibo ahhaa :P at least di sya half breed tulad naten ahahah :P

    word veri: fusnes lol pang bading tlaga

    ReplyDelete
  2. different looking ang dogness mo. fiiiiierce!

    ReplyDelete
  3. Hindi ko alam na may alagang aso ka pala! Hehehe.

    ReplyDelete