Saturday, September 25, 2010

one year ago

Eksaktong isang taon na ang nakakalipas, nang muntik ng kitilin ni Ondoy ang buhay ko at ng aking buong pamiliya. Milagrong nakaligtas kami. Sa isang iglap ay nawala rin lahat ng aking mga gamit na pinundar, ngunit ako'y masaya dahil buhay pa ako at hinding hindi mapapaltan ang buhay, iisa lang ang buhay. I took that photo about two months before Ondoy. I still live here in Provident village.
Anyhoot naterminate ako nung friday, last day ng training namin. Naterminate ako dahil sobrang baba scores ng quizes ko at bagsak ako sa final mock call dahil nahirapan ako sa pag inavigate nung system. Imbis na malungkot ako at umiyak ng natangal ako ay parang nasiyahan pa ako. Kaya lang naman kasi ako nandoon ay pinuwersa ko lang ang sarili ko para magkapera. Wala ang puso't diwa ko sa pagiging callcenter agent, pera lang talaga ang iniisip ko. Tama na, ayaw ko na, ibang linya nalang ng work ang sususbukan ko. For now rest muna ako one month to figure things out.
Hopefully i'll figure something out.

co-trainee: " Wagkamuna magpa-clearance. Hintayin mo na muna yung training allowance mo! Baka kasi hindi nila i-release."

Shet buti nalang at ni remind sakin ni co-trainee. Pera na baka maging bato pa.

Narealize ko na it's not how much that you earn that makes you happy. Kasi dati isa lang ang happiness sakin ang magkaroon ng maraming pera at kaingitan ng marami. Pero mahirap magkaroon ng maraming pera at para makuha ito ay kailangan kong maghirap magtrabaho sa linyang hindi ko gusto at hindi ko kayang tugunan at upang maging tunay na msaya ay kailangan maging masaya sa ginadawa mo. I have 1 month to figure things out.
As of the moment I am very happy, lots of time tumunganga.

Saturday, September 18, 2010

umbrella ( eh eh ellaah )

Daniel agent: So hows the weather there Mr. Smith?
Mr Smith: I'm under the weather
daniel agent: Great to hear that ur under the weather! Do u have a paper and umbrella handy here's the new code for ur phone.
Mr smith: What the hell are you talking about?
Daniel agent: Oh sorry for that, what I meant was a pen and paper.

Tatlong tasang kape ang nainom ko noong shift nayun

Mr Smith: I wanna speak to ur supervisor right now!
Daniel agent: My supervisor is currently on a meeting.
Mr Smith: I dont care tranfer me to him.
Daniel agent: I'll just put you on hold for a minute or two while I'm trying to connect to my supervisor. Would that be okay Mr. Smith?
Mr. Smith: No! Fuck You Indians!

tooot..toot...toot
*Mr. Smith hung up, I bet hes really under the weather.

Monday, September 13, 2010

ring leader




Masaya ang training so far, leader mode.
Sige at dahil walang gustong maging leader mag mani-obra ako.
Ikaw gawin mo to.
Ikaw gawin mo yan.

Effective pala akong leader at wala kaming ginawa ng mga kagrupo kong mababait kundi mag-tawanan, samantalang nagkakagulo na ang ibang grupo, lumalabas na ang may mga attitude problem.
Nagkakagulo gulo na sila, siraan dito siraan diyan, bahala kayo basta grupo namin peaceful and fun.
May mga nangahas na lapastanganin ako, walang nagtagumpay, dahil isang irap ko lang keeps them at bay. Antipatikong tipakolong ang project ko and guess what it works!

Bilis ng utak when it comes sa mga pakulo and I have this feeling that I would do good sa linya ng advertising. I'm planning to have a small business someday, papangalanan ko itong...

"ELLOW PAO SIOPAO"

Ako ang laging gumagawa ng mga slogan sa mga group activities, our trainor finds my work disturbing and pervertive.
It was originally fire in the hole daugnuts. pero masyado daw masagwa sabi ng mga kagrupo ko kaya ayan pizza nalang.

Hindi seryoso ang mga artworks ko jan sa mga slogan, ginagago ko lang para mabawasan ang stress at boredom.

Thursday, September 9, 2010

call boy

One of my calls during my previous job.
[ hobofoot ]: I wanna speak to someone who understands english! Transfer me now! You don't even speak english you Mother fucker!
[ daniel ]: Fuck you white trash! You don't even speak tagalog!
*Yun sana ang sasabihin ko pero nakapagpigil pa ako, pero ito ang sinabi ko...
[ daniel ]: I do apologize for the misunderstanding, Let me transfer you to our site in India. Thank you and have a great weekend!.
* Pak, release ko ang call.
* Hindi kami pwedeng magtransfer sa India.
* I have nothing againts Indians or whatsoever.

I finally got a job yesterday. 7:00 pm ang final interview 1:30 a.m ako nakapag final interview. 2:00 contract signing. Eto pa ang nakakaloka, training agad ang ng 12:00 pm to 9:00 pm, kagagaling ko lang training actually. Inayawan ko tong account na ito dati, dahil sobrang stressful at queing. Kapit nako sa patalim, wala na akong choice. Di ko sure kung magtatagal ako ulit dito, I'll do my best. Para akong nagbibiyahe sa probinsiya sa layo. Hirap talagang kumita ng pera. Masasabi kong isa na akong certified call center hopper.

Saturday, September 4, 2010

bad bird

Noong bata pa si Totoy Baliko; every summer sila nagbabakasyon nang mag-anak sa probinsiya, Masarap ang klima sa probinsiya, palibhasay nasa gilid nang mababang bangil ang bahay ng kanyang lolo't lola. Ang palikuran noon sa bahay na iyon ay nakahiwalay. Kailangan mo pang-pumunta sa likuran ng bakuran upang dumumi/umihi, yari lang sa tuyong dahon ng coconut at mga kawayan ang palikuran doon, kaya naman, madali kang mabobosohan. Takot si Totoy Baliko mag-punta doon, gawa nang lagi silang tinatakot magpipinsan na may aswang daw. Marahil nagsimula ang pananakot ng aksidenteng ma-shoot ang paa ng pinsan niya sa man-made inidoro. Nangyari ito nang minsan maglaro sila ng taguan.
Isang araw, nagising si Totoy Baliko at taeng-tae na.Gawain niyang tumae sa coconut shell or "Ba-O". Pasikat palang ang araw nun, Takot kasi siya dun sa palikuran, baka kasi pakitaan siya nung aswang. Ugali ni Totoy Baliko na Umebak sa likod ng bahay sa silong (Ilalim ng bahay, yari sa kahoy, kung saan may mga manok, pabo at itik.
Sa sobrang sakit ng tiyan ni Totoy ay dali-dali niyang inilabas ang mala-kremang niyang ebak na
gamit ang "Ba-O". Tuluyan niyang hinubad na ang bahagya niyang naka-babang salawal at itinabi.
Sarap na sarap si Totoy sa pag-gawa ng yema.
Biglaan na lamang may kumalmot sa likod no Totoy Baliko, napasubsob si Totoy sa lupa, explose ang puwet niya sa attacker, na isa palang Tandang na Pabo (Turkey). Walang magawa si totoy baliko kung hindi magtatakbo ng walang salawal sa bakuran habang hinahabol ng pabo.

Hangang ngayon ay, nakatungtong parin sa kubeta si Totoy Baliko pag umi-ebs, Hindi niya feel umupo at isayad sa toilet bowl ang puwet niya. Mas suwabe kasing tumae pag nakatungtong ang paa.. Parang sausage ang labas nito at masarap sa pakiramdam.