Saturday, September 25, 2010

one year ago

Eksaktong isang taon na ang nakakalipas, nang muntik ng kitilin ni Ondoy ang buhay ko at ng aking buong pamiliya. Milagrong nakaligtas kami. Sa isang iglap ay nawala rin lahat ng aking mga gamit na pinundar, ngunit ako'y masaya dahil buhay pa ako at hinding hindi mapapaltan ang buhay, iisa lang ang buhay. I took that photo about two months before Ondoy. I still live here in Provident village.
Anyhoot naterminate ako nung friday, last day ng training namin. Naterminate ako dahil sobrang baba scores ng quizes ko at bagsak ako sa final mock call dahil nahirapan ako sa pag inavigate nung system. Imbis na malungkot ako at umiyak ng natangal ako ay parang nasiyahan pa ako. Kaya lang naman kasi ako nandoon ay pinuwersa ko lang ang sarili ko para magkapera. Wala ang puso't diwa ko sa pagiging callcenter agent, pera lang talaga ang iniisip ko. Tama na, ayaw ko na, ibang linya nalang ng work ang sususbukan ko. For now rest muna ako one month to figure things out.
Hopefully i'll figure something out.

co-trainee: " Wagkamuna magpa-clearance. Hintayin mo na muna yung training allowance mo! Baka kasi hindi nila i-release."

Shet buti nalang at ni remind sakin ni co-trainee. Pera na baka maging bato pa.

Narealize ko na it's not how much that you earn that makes you happy. Kasi dati isa lang ang happiness sakin ang magkaroon ng maraming pera at kaingitan ng marami. Pero mahirap magkaroon ng maraming pera at para makuha ito ay kailangan kong maghirap magtrabaho sa linyang hindi ko gusto at hindi ko kayang tugunan at upang maging tunay na msaya ay kailangan maging masaya sa ginadawa mo. I have 1 month to figure things out.
As of the moment I am very happy, lots of time tumunganga.

17 comments:

  1. yep. tama ka. take some rest. :)

    ReplyDelete
  2. anong line of work ba tlaga trip mo? dun ka mag concentrate, mag isip isip ka mabuti...

    oh ksama pla kayong nadale ng Ondoy..and yeah prominent sa news noon yang village nyo...

    ReplyDelete
  3. oo nga wag kalimutan ang pay!

    at yeah rest ka muna at isip isip ano next job to hunt.

    goodluck

    ReplyDelete
  4. Sis! Ipagdadasal ko na tumaas ang volume sa CF this month. Ikaw ang una naming kukunin ni Mami!

    Pasensya na, mababa talaga ang pasok ng messages ngayong September. Pero okay lang, nakikita ko na yung trend from last year.

    Ibabalita ko kay Mami A na sing... bakante ka na ulit! :)

    ReplyDelete
  5. nakakarelate ako sayo...mahirap mag work kapag hindi mo gusto yong ginagawa mo.

    ReplyDelete
  6. im glad you were able to recover from the tragedy that is ondoy.

    hope you're doing okay.

    ReplyDelete
  7. good to hear that you're positive despite of it all. that's the spirit daniel. :D

    ReplyDelete
  8. @ soltero: Thanks, thats what I would do..esep esep muna, i'll figure something out..thanx : )

    ReplyDelete
  9. @ mugen: Hehe sis, dont worry about me i'll be fine : )

    ReplyDelete
  10. @ maginoo: True, ayaw ko na talagang maging callcenter agent, nasusuka na ako. Thanx ng marami : )

    ReplyDelete
  11. shit happens. but in the end of the day, its the lesson that we learn that will carry as through...

    keep smiling!

    ReplyDelete