Seven months ago. Ininvite kami ni ex-officemate na maginuman sa kanila. Liblib ang lugar, isang subdivision sa Antipolo. Tanghaling tapat ng makarating kami doon kasama ang iba ko pang officemates. Luma at malaki ang bahay, malawak ang bakuran. Ang likod ng bahay ay bundok, maraming naglalakihang puno. Wi-nelcome kami ni officemate, nagsipasukan na lahat at ako ang huling papasok sa pinto. Nahilo ako bigla at nanlamig, Kinutuban rin ako na parang maymukha na nakaharap sa mukha ko, I felt weirdly intimidated at that time, its soo overpowering, ngunit pumasok parin ako ng bahay. "Hoy ano pang tinatayo tayo mo diyan pasok na!".Wika ni officemate.
Maski na nahihilo at weird ang pakiramdam ay huminga nalang ako ng malalim sabay diretso pasok.
Mga 7 kaming lahat. Malaki ang sala at relax na relax kami nagchichillout sa sala. Nanlilikot ang mata ko at mabilis ang kabog ng dibdib. "Hoy anong nangyayari sayo? Naka-drugs ka naman ba? Tulala ka na naman!" Tapik sakin ng katabi ko sabay tawa. Habang hard ang iniinum nila ay nag-Sanmig light lang ako. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla akong nahilo bagopumasok ng bahay. Kumain naman ako bago umalis sa amin.
Pag-katapos kong pagdasalan ang isang boteng sanmig, mga 2 oras mula ng arrival namin sa place. Ay may naamoy ako.
Amoy bulok na karne, amoy naagnas.
Hindi ako mapakali at habang nagkakatuwaan ang mga officemates ko ay siniko ko ang katabi kong babaeng officemate. Bumulong ako sa kaniya.
"Wala kabang naamoy na mabaho"
"Wala ang bango nga dito eh amoy lysol"
Malinaw na walang nakakaamoy noon kung hindi ako lang. Tuloy parin lahat sila, samantalang ako ay sukangsuka na sa amoy na hindi ko mawari kung saan nangangaling.
Nawala ang amoy ng saglit at ngunit bumabalikbalik ito.
Hindi ko na ito natiis,
Nag-Excuse ako sa may-ari ng bahay, "Pahangin lang ako sa labas" ang wika ko.
Nagpaalam akong magpapahangin lang sa labas.
Ngunit didiretso na ako pauwi.
Mga 4:00 na nangtanghali, malayo ang main road sa bahay nila,mainit at tirik ang araw.
Biglang nanlamig ang katawan ko at nagsuka ako ng nagsuka sa kalsada.
Naamoy ko parin ang nabubulok. Parang sinusundan ako nito. Pagsakay ko ng jeepney ay nawala ang amoy at guminhawa ang pakiramdam ko, nakahinga ako ng maayos.
2 weeks after the incident, Muli ko ulit nakasama ang mayari ng bahay, ang venue naman namin ay isang bar dito sa Marikina.
Napasin nila na malakas akong uminom.
Tinatanong nila sakin kung bakit ako biglaang umalis ng hindi nagpapalam nung huli naming inuman, sabi ko may emergency kaya hindi nako nagpaalam ng maayos.
Tinanong ko na si officemate? ( owner of the house )
Is there something in your house?
Sumagot siya ng diretso:
Actually, yung tita kong nabaliw ang nakatira doon dati. Nagpakamatay siya dun' at 13 days bago may nakatuklas sa nabubulok niyang katawan.
I am not assuming na may naramdaman akong paranormal at that time. Until know I am trying to figure out what happened to me at that point, I am aslo seeking logical explanation. Not assuming that it is somewhat related to the death of his aunt. And no! I did not poop in my pants kung kaya ako sinundan nung amoy na iyon.
Halloween special na ba agad? ang aga naman.
ReplyDeletepero that's a weird experience. baka naman buntis ka nun. :)
oo nga bka nman preggie ka and sensitive ka sa mga amoy amoy ahahhaha, pa test ka ke doc ced ehehe :P
ReplyDeletebalik ka kaya sa bahay na un, tsek mo ulet kung magparamdam sa yo ;P
12:21 ng madaling araw ng mabasa ko ito at bigla akong kinilabutan
ReplyDeletelalo na dun sa part na sinabi mong parang sinusundan ka nung amoy...
sabi nila, malimit na manifestation na may nagpaparamdam ay ang may maamoy na kakaiba,whether mabango o mabaho
>___<
lerki ako dito! hahaha
ReplyDeletehonga! honga! baka buntis ka lang. ahahaha
potah, madaling araw at ito ang nabasa ko.
ReplyDeleteAga ngang Halloween special nito. :)
ReplyDelete@doc & soltero:
ReplyDeleteNaku, wish ko lang magka-matress ako hehe : )
Yoko nang bumalik dun'
@anteros & orally: hehe, may kilaboy factor ba hehe : )
ReplyDelete@ nimmy & Mugen: Sana nga mabuntis ako hehe, wish ko lang..OO nga parang napaaga holoween speacial ko..egg-zited ako hehe : )
ReplyDelete