Wednesday, January 5, 2011

four seasons of heatwave

Ang aking kabinet ay puno ng mga damit pang-lamig, nope hindi naman ako sa Baguio nakatira. In fact, Dito na ako sa Metro Manila lumaki. Mainit ang klima dito sa Maynila and just the mere idea na magsuot ka ng Jacket sa katanghaliang tapat ay nakakatakot isipin, mustulang ikamamatay mo yun pag ginawa mo, pero ako ay kakaiba. Iilang tao lang ang makakapagsuot ng jacket sa matinding init na hindi hinihimatay sa init or nadedehydrate to death.

Labing isang taon ko nang gawain ang magsuot ng pang-winter. 18 ako nagsimula at ngayo'y 29 na, nagsimula ang pagsuot ko ng patong patong na damit noong nag college ako dahil naging masyado akong concious noon gawa nang iisa lang ang comment ng mga tao sakin.

"Sobrang Payat mo! Mukha kanang Bungo!"
"May TB kaba?"
"Umamin ka anong sakit mo? "

Kaya naman maski gaano pa ka alinsangan ang panahon ay hindi ako nakakalabas ng bahay ng hindi dalawang patong ang suot kong damit at bihira rin akong mag-shorts dahil bukod sa nasa lahi namin ang chicken legs ay sobrang payat ko pa, so bale, mistulang dalawang chopsticks ang mga legs ko, pag naka shorts.

Ginawa ko narin lahat upang madagdagan ang timbang ko, pero imbis na magkaroon ng magandang resulta, ay masama ang naging bunga ng pagsisikap ko. Bukod sa Lumawlaw ng ang isang Betlog ko ay, Nagka-chicharong bulaklak narin ang butas ng puwit ko at ayon sa nareasearch ko ay bunga ng pagpuwersa pagbubuhat ng labis na mabibigat na bagay.

Naniniwala ako na bawat tao ay may sumpa at ang sa akin ay ito. Alam ko na nagawa ko na lahat at wala ng natitirang pwedeng gawin o subukan. Gaano man ka sagabal o kahirap ang kapansanan ko na nagpapabigat sa mga pang araw araw kong gawain ay natangap ko narin na may mga bagay bagay sa mundo na hindi na mababago.

May mga taong, obese, gawa ng isang sakit. Wala na silang magagawa but to live with it for the rest of their lives.

May mga taong unano wala narin silang magagawa. Habang buhay na silang kukutiyain ng ibang tao.

May mga taong may may kakaibang kapansanan o kapintasan (Mutation) sa kanilang mga hitsura, yung mga taong nakikita natin sa karnibal. Ang mga taong ito ay kailangan mabuhay ng ng ganito for the rest of their lives, unless may mapagkawang gawa na may mag-offer ng operasiyon.

*Araw araw akong nangangarap, na ano kaya ang pakiramdam, magsuot ng sando sa labas ng bahay. Ano kaya ang pakiramdam ng magsuot ng isang manipis na t-shirt. Kelan kaya ako makakapagswimming. Marahil hangang pangarap na lamang nalang ito.

One week palang ako nagtretraining para sa new account ng na-cancel ang account at ngayon ay floating. They promised to transfer us to a new account on the 24th of this month. Masaya ako about this, di paman nagsisimula ay bakasiyon ulit!

4 comments:

  1. try mo kaya magym kasi sa gym pwede ka nila bigyan ng weight gain program at may supplements na pwede inumin para maggain ka ng weight.

    ReplyDelete
  2. Basta dapat gawin mo para sa sarili mo at hindi para sa sasabihin ng ibang tao.

    ReplyDelete
  3. @ hard2getxxx: I've already tried that. Thanks.

    ReplyDelete