Friday, August 19, 2011

knock on the earth

I had a dream last night. Usually pag nanaginip ako ay malabo at usually wala na akong masyadong matandaan, kung baga ay bihira lang akong managinip ng malinaw.

Sa panaginip na ito ay ramdam na ramdam ko ang takot at hopelessness; lilindol daw ng sobrang lakas dito sa pinas at sa TV ay ipinakita ang listahan ng mga pinaka-masasalantang lugar. At ang Marikina ay nasa top 10. Top 8 sa aking panaginip. Specific rin na binangit ng reporter na 2012 daw ito magaganap at ang death toll ay aabot katumbas ng sa Tsunami sa Japan na lumagpas na sa 18,000 na buhay.

Kumatok na ako sa kahoy, kumatok narin ako kung saan saan at siyempre kumatok rin ako sa lupa. Maski masamang panaginip lang ito ay labis akong natakot.

Thursday, August 11, 2011

i'm on the edge

It's all in the mind...
Its all in the mind...
It's all in the mind...
Ang paulit-ult kung bigkas sa sarili.
Ayon lintek, sa kapipilit kong maglakad ay natumba ako.

Just found out 2 days ago that I have Vertigo. Nope, mali ang chismis ng mga mahilig magmarunong na pang matatanda lang to'. Walang age ang pinipili ng Vertigo. 3 days straight ako na hindi makatayo sa kama at laging nasususuka, ganoon katindi parang impyerno, para kang tinotorture sa bawat segundo at wala kang pwedeng gawin kundi humiga. May mga moments na hiniling ko na mamatay nalang ako and I swear kung may pera lang ako ay nagpatawag nako ng ambulansiya.Vertigo runs in my father's bloodline, I didn't know that It would be this crippling. Kung suswertehin ka nga naman ay ako pa ang nagmana.
Puta, kung kelan ko na balak plantsahin ang buhay ko, tsaka pa sumulpot tong lifelong condition nato. Mahal din ang gamot 108php each, which is hindi naman nakakatulong.
Paano na ako magtratrabaho in the near future kung simpleng pagtayo at paglalakad ay nahihirapan nako. Fuck, why does these things happen to me. Isa pang sakit na dumapo sakin ngayong taon na ito. Isa nalang talaga, tatalon na ako sa tulay.

No joke.

Friday, August 5, 2011

tone deaf


Bago ang videoke bar ni tita, 3 days lang ang bakasiyon ko sa Bicol kaya naman habang may pagkakataon ay kumakanta ako. Mula sa 40+ inch na flat screen at magandang sound system ay mediyo high tech ang videoke bar na ito para sa location. Akala ng mga tao ay over prized ang mga inumin at pagkain.
Second day. Mula tanghali hangang sumpit ang gabi, hangang magpasukan ang mga customer at hangang sa unang bote ko ng Redhorse ay walang humpay ang pag-iingay ko.
Maraming nakapansin na magaling daw akong kumanta. Napahanga ko ang mga customers. Specially yung Canadian guy at Fiance niyang pinay, napahanga ko rin ang mga tiyuhin ko na hindi na mga masyadong kumanta after marinig ang boses ko. Andiyan narin na may magrequest sa aking makipag duet ng kantang " Spend my lifetime loving you " na hindi ko naman inurungan at pinangunahang kong hindi ko gamay ang tono. In fairness palakpakan ang lahat after the duet. Panalo rin ako sa adlib at pakulot-kulot ng boses, kaya ko pala yung song. I really felt like a star at the moment, specially when it's raining compliments that I think is too much. Kaya naman prinactice ko yung song pag luwas dito sa Manila.

Ten years ago ng naging mahilig ako sa pagkanta. I was 19 back then. Dalawa sa closest na mga tiyahin ko ang professional singers na madalas mag abroad. Ten years ago sinabihan nila ako na walang pag-asa ang boses. Hindi ko ito dinamdam dahil gusto ko lang namang kumanta, hangang naging past time ko na ang videoke at nagpatuloy ang kalbaryo ko sa mga pangungutya ng mga taong nakakarinig sa boses ko... hangang isang araw, nagising nalang ako na marunong na pala akong kumanta, Some years ago ay nanalo narin ako sa office singing competition " Baby One More time " Ang kinanta ko which is "I believe I can fly" dapat na hindi naman available sa song list ng videoke.

I will never pursue na maging professional singer.
Why? Everyonne wants to be a singer.
There's plenty of great singers everywhere you go and I don't have star quality to stand out and compete and besides I don't know how to compose a song, it's really difficult.

Sobrang masaya na ako na marunong akong kumanta at gamay ko na range ng boses ko alam ko narin ang ibig sabihin ng flat at sharp. Alam ko narin paglaruan ang boses ko. Tenor 2 daw ang range ng boses ko. Maski ano pang range ng boses ko ay alam ko kung paano i-maximized ang use nito. Pero mostly puro boyband songs ang kinakanta ko kasi doon pinaka komportable ang boses ko, doon pinaka bagay.

It's funny it took me almost TEN years just to learn how to sing to empress.
I wasn't born with it unlike others. I was born tone deaf. Napatunayan ko lang na kaya palang matutunan ang pagkanta without professional help maski na it took me almost 10 years. Haha! Sa lamat sa mga taong namintas sa boses ko without them hindi ako matututong kumanta, but I really didnt take their criticism that seriously because I enjoy pestering them with my voice, imagine Golum belting out.

...trying so hard has never been this fun.