Monday, January 23, 2012

through the rain

When you get caught in the rain with no where to run
When you're distraught and in pain without anyone

And you feel so far away
That you just can't find your way home
You can get there alone
It's okay, what you say
I can make it through the rain
I can stand up once again on my own
And I know that I'm strong enough to mend
And every time I feel afraid I hold tighter to my faith
And I live one more day and I make it through the rain
And if you keep falling down don't you dare give in
You will arise safe and sound, so keep pressing on steadfastly
And you'll find what you need to prevail
What you say is

I can make it through the rain
I can stand up once again on my own
And I know that I'm strong enough to mend
And every time I feel afraid I hold tighter to my faith
And I live one more day and I make it through the rain

And when the rain blows,and as shadows grow close don't be afraid
There's nothing you can't face
And should they tell you you'll never pull through
Don't hesitate, stand tall and say

I can make it through the rain
I can stand up once again on my own
And I know that I'm strong enough to mend
And every time I feel afraid I hold tighter to my faith
And I live one more day and I make it through the rain

I can make it through the rain
And I live once again
And I live one more day
And I can make it through the rain
( oh Yes you can)
You will make it through the rain

Friday, January 20, 2012

little mr. sunshine cruise

I think I have might figured it out. The past ten years of my live I lived in chaos. The chaos that I am referring to is not on my surroundings. The chaos is in me. I am a very pessimistic person. Being a pessimist may have saved me a lot of times. This year I will try my best to vanish all the negative thoughts that will cross my mind. It might be the hardest thing that I would do for myself but there's really no harm in trying. Maybe someday the stars will align for me, but of course its not all positive thinking. Thinking positively should always come with logic because for me logic runs everything. I must painfully confess that I have been living in bitterness and regret and as much as I want to live the ideal life, Its not going to happen, never will for my ideal life is too perfect. I have to learn to be happy and make the most of what I have for that is the only way to live. I need to let go of every negative thing that my past have inflicted on me. I just want a peaceful and happy life. For I have only one life and there's no more room for whining for all I do is make reklamo on almost everything with out doing anything and being extremely lazy which is very dangerous combination.

Just a crazy thought:
I want to be a good looking, smart filthy rich blonde in my next life.

Tuesday, January 17, 2012

dum f*ck!

One of my FB Group. Group message ko Ngaun:
I.
Malas, hindi ako nakasama sa training kanina. Gawa nyang H*y*p na NBI na yan na ngayon ko lang natapos, biruin mo 3 a.m ako pumila ngayon lang natapos 4:30 pm. At ito Pa, tinawagan ako ng HR. Wala daw sa mga binigay kong TIN number ang nakapangalan sakin. Paano ko malalaman kung nasaan ang totoo kong TIN. Please help anyone?? Thanks : (

II.
Pagnahanap ko ang nawawala kong Totoo kong TIN ay isasama na ako sa next hame-hane wave.

III.
Grabe tong Tel*p*rf*rm*nce ang higpit! Mas mahigpit pa sa butas ng pwit ng manok. What a f*cking day!

Monday, January 16, 2012

wee-fee

Oh well di na ako nakatiis. Maski na Apat pa ang cellphone ko ay bumili pa ako ng isa. Frustration ko kasi na magka phone na may Wi-Fi. Kaya ayan sa halagang 3,600 php Samsung GT-S3353(Brand New) or in short Samsung Chat 335.

Nokia c3 ang plan ko kaso mas mahal ng isang libong piso. Lubos na ako masaya sa bago kung phone.Isang taon na kasi akong naglalaway sa phone na may Wi-Fi. Kaninang tanghali ko lang ito binili..mainit init pa. Hindi ko pa nasusubukan ang Wi-Fi nito, makapunta nga sa area na may Wi-Fi Ahihi.

Sunday, January 15, 2012

a promise i make

Guess what. Meron na naman akong work. Siyempre sa callcenter. Grabe 9 months na pala ang nakakaraan since nung last kung trabaho. Hindi na talaga ako nadala. Sinamahan ko lang kasi si kaibigan ayan pati ako nakapag-apply narin ng hindi oras.

Oh well, what the fuck. Sana magtagal ako ng 1 month or matapos ko ang training para makabili ng ng bagong phone.

I promise myself na ito ng ang huling callcenter na papasukan ko.

I swear.

Wednesday, January 11, 2012

you cant run forever

Being the eldest it is my obligation to help out. Its been 9 months since nung last na nag trabaho ako. Now I can feel my instinct kicking in, kelangan ko ng magtrabaho. Panahon na para wag maging pabigat.

No!

Ayoko na talagang magtrabaho.
Kaya naman nag-alsabalutan na ako at ready lumayas anytime.
Uwi muna ako province. Doon libre lahat, tahimik, walang bills na iintindihin, maraming pagkain.

Sinong nagsabi na I can't run forever? Ulol! Hindi ako masamang tao.

Tuesday, January 10, 2012

ghost protocol

Oh Sh*t!
Nanood kami kahapon ni Bestie ng Mission Impossible: Ghost Protocol. Wala akong masabi kung hindi. " Ang ganda ". Halos atakihin ako sa puso sa mga eksena, halos maihi rin ako sa salawal ko.
Maganda ang movie, wala akong masabi at yun rin ang comment ng mga kasabay naming nanood.
Never in my life na nabangit ko ang " Oh Sh*t! " ng maraming beses dahil sa movie. Hang Ingay ko sa sinehan. Hindi ko narin pala maalala kung kelan ako huling nanood ng sine. Napakatagal na siguro. I will do this more often.

Now that's what you call entertainment.

Monday, January 9, 2012

dragone

Nalaman ko na suwerte pala ang mga pinanganak sa year of the Rooster ngayong parating na year of the Dragon. Sa January 23 pa ang chinese new year ngunit excited nakong mapaltan ang mga kamalasan ko ng suwerte.

Sana makapulot ako ng isang sakong ginto sa taon ng Dragon. Wala parin kasi akong planong magtrabaho. Hindi pa ako nakakahanap ng gamot sa lumalala kong sakit na " Katamadan ".

When it comes to love. Wala na akong hihilingin with regards sa love. Tinangap ko na na malas talaga ako sa pag-ibig.

Christmas at New year ay si-nelebrate ko sa Bicol. Jan 2 lang ako bumalik ulit dito sa Manila. I'm planning to go back to Bicol soon and stay there longer. Wala kasing kwenta dito sa Manila. Buti pa sa Bicol nagkakaroon ako ng dicipline sa sarili.

Thursday, January 5, 2012

the one that got away

This is how I start my year. Heartache. We used to date. Then suddenly one day, I woke up and told him that I don't wanna date him anymore.He Hold my hands and told me " What happened to us? ". Now that I realized that there's no one worth comparing to him. Now that I'm begging for him to come back in my life. Hes gone. The way he felt for me before completely gone.

This is how I start my year....heartbroken.
and the song of Katy Perry " The one that got away " Doesn't help. What was I thinking.

Monday, January 2, 2012

the legend of pegasus

Year 2012. Ang mundo ay kasalukuyang rumaranas ng mga matitinding kalamidad, sinyales na magugunaw na ang mundo. Sa bawat isang bansa ay may itinakdang tagapagtangol na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Sa Pilipinas ay si Pegasus. Taglay ni niya ang kakayahang lumipad, Taglay niya ang napaka gandang pares ng higanteng pakpak ng Kalapati.

Kumpara sa mga counterpart niya sa iba't-ibang bansa ay hindi maiwasang maikumpara ni Pegasus ang kakayanan niya sa ibang tagapagtangol. Katulad Ni Charlotte ng France na nagiging Diamond ang buong katawa, Katulad ni Vladimir ng Romania na nagiging kaluluwa at nakakatagos kung saan saan, Si Captain Dakota ng America na nakakalipad at may taglay na pambihirang lakas. At Si Fabio ng Brazil na kayang gayahin ang anu mang anyo. Ilan lang sila sa mga tagapagtangol na kanyang kinaiingitan. Samantalang ang kanyang kakayanan ay lumipad lamang. Inisangtabi na ni Pegasus na biniyayaan siya ng napakagandang anyo sa lahat ng tagapagligtas. Dahil para sa kanya walang kwenta ang magandang anyo kung hindi naman ganoon kalakas ang kanyang kapangyarihan. Hindi siya naging tagapagtangol upang mag-artista. Dahil masyadong pribado ang personalidad niya at basura ang tingin niya sa showbiz.

Hangang dumating ang Doomsday ang araw ng katapusan, Inuulan ng fragments ng meteor ang iba't-ibang bahagi ng mundo. Babagsak ang Meteor sa isang lugar sa gitnang silangan. Andyan at tulong tulong ang mga tagapagtangol ng ibat-ibang nasyon upang mapuksa ang mga Meteor bago tumama sa lupa. Anjan si Serena ng Germany na kayang lumipad at mag create ng super sonic waves na madaling nakakapagpasabog sa mga meteor na pabagsak sa lupa. Nagmistulang isang malaking fireworks display ang kalangitan sa buong mundo.

Samantalang si Pegasus ay walang magawa kundi manood sa isang sulok. Hangang pagsagip lang sa mga taong na stuck sa isang lugar ang pinakanagagawa niya. Tao parin ang katawan niya at madaling masugatan.

Hangang dumating ang oras ng pagdating ng higanteng Meteorite na siguradong tatapos sa mundo. Walang magagawa dito ang mga taga pagtangol ng iba't-ibang nasyon dahil alam nila na masyadong malaki ang meteorite at wala silang maitutulong sa pagwasak dito.

Nakatago si Arc Anghel sa isang madilim na kuwarto somewhere in Quiapo. Hangang dumating ang isang liwanag na kumausap sa kaniya.....Narinig niya ang mga katagang... Panahon na...Panahon na para sa layunin mo...Panahon na para malaman mo ang rason mo... Humayo ka.

Mula sa madilim na kuwarto sa isang simbahan sa Quiapo ay lumipad si Pegasus patungong Manila Bay. Habang Kumpulan ang mga tao sa Manila Bay at nanunuuod ng mga fireworks ng meteorite sa kalangitan ay dumating si Pegasus. Lumapag siya sa lupa humarap sa langit....

Pumikit siya.. Naalala niya lahat ng magagandang ala-ala sa buhay niya. Lumitaw ang puting ilaw at kinausap ulit siya...at sinabi nitong.... lipad.... Dahang dahang iminulat ni Pegasus ang mga mata niya. Ang blue green na mata niya ay ngayoy itim na. Ang puti niyang pakpak ay dahang dahang naging kulay Pilak ( Silver ). At ang buhok niyang kulot na dilaw ay naging itim.
Tumubo rin sa gitna ng noo niya ang isang sungay na kulay itim.

Ipinagaspas ni Pegasus ang kanyang mga pakpak. Ang mga tao sa paligid na ay humawe na parang damo. Sa isang iglap ay sinugod ni Pegasus ang meteorite na parang isang Bala.

Habang papalapit sa Higanteng Meterote ay umikot ikot si Pagasus na parang ipo-ipo.

Unang bumanga sa Meteorite ang kaniyang itim na sungay na mistulang isang samurai.

Sa pagtagos ni Pagasus sa higanteng Bato ( halfway sa bato ) ay ibinuka niya ang mga pakpak niya na nagmistulang daang-daan na blade. Sa bilis at lakas ng fiction ay nakadurog durog ang higantengMeteor.

Sa paglagpas ni Pegasus sa Pira-pirasong Meteor ay naging kulay abo ang buo niyang katawan. Ang pakpak niya ay lagas lagas na. Sa paglagpas ng katawan niya Ozone layer ay dahang dahang naging abo si Pegasus.

Nagpatayo ng Higanteng rebulto ni Pagasus na nagmistulang statue of liberty sa Manila bay.

Pagkatapos ng pitong Araw ay may pinanganak na batang sangol sa isang liblib na Barrio sa Maguindanao. Blonde ang buhok nito. Aquamarine ang mga mata nito at may maliliit na pakpak ng kalapati. At pagkatapos ng pitong araw ulit ay binata na ito. Siya si Pagasus at ilan lang ito sa mga kapangyarihan niya.

-a fiction by me.