Monday, January 2, 2012

the legend of pegasus

Year 2012. Ang mundo ay kasalukuyang rumaranas ng mga matitinding kalamidad, sinyales na magugunaw na ang mundo. Sa bawat isang bansa ay may itinakdang tagapagtangol na may taglay na kakaibang kapangyarihan. Sa Pilipinas ay si Pegasus. Taglay ni niya ang kakayahang lumipad, Taglay niya ang napaka gandang pares ng higanteng pakpak ng Kalapati.

Kumpara sa mga counterpart niya sa iba't-ibang bansa ay hindi maiwasang maikumpara ni Pegasus ang kakayanan niya sa ibang tagapagtangol. Katulad Ni Charlotte ng France na nagiging Diamond ang buong katawa, Katulad ni Vladimir ng Romania na nagiging kaluluwa at nakakatagos kung saan saan, Si Captain Dakota ng America na nakakalipad at may taglay na pambihirang lakas. At Si Fabio ng Brazil na kayang gayahin ang anu mang anyo. Ilan lang sila sa mga tagapagtangol na kanyang kinaiingitan. Samantalang ang kanyang kakayanan ay lumipad lamang. Inisangtabi na ni Pegasus na biniyayaan siya ng napakagandang anyo sa lahat ng tagapagligtas. Dahil para sa kanya walang kwenta ang magandang anyo kung hindi naman ganoon kalakas ang kanyang kapangyarihan. Hindi siya naging tagapagtangol upang mag-artista. Dahil masyadong pribado ang personalidad niya at basura ang tingin niya sa showbiz.

Hangang dumating ang Doomsday ang araw ng katapusan, Inuulan ng fragments ng meteor ang iba't-ibang bahagi ng mundo. Babagsak ang Meteor sa isang lugar sa gitnang silangan. Andyan at tulong tulong ang mga tagapagtangol ng ibat-ibang nasyon upang mapuksa ang mga Meteor bago tumama sa lupa. Anjan si Serena ng Germany na kayang lumipad at mag create ng super sonic waves na madaling nakakapagpasabog sa mga meteor na pabagsak sa lupa. Nagmistulang isang malaking fireworks display ang kalangitan sa buong mundo.

Samantalang si Pegasus ay walang magawa kundi manood sa isang sulok. Hangang pagsagip lang sa mga taong na stuck sa isang lugar ang pinakanagagawa niya. Tao parin ang katawan niya at madaling masugatan.

Hangang dumating ang oras ng pagdating ng higanteng Meteorite na siguradong tatapos sa mundo. Walang magagawa dito ang mga taga pagtangol ng iba't-ibang nasyon dahil alam nila na masyadong malaki ang meteorite at wala silang maitutulong sa pagwasak dito.

Nakatago si Arc Anghel sa isang madilim na kuwarto somewhere in Quiapo. Hangang dumating ang isang liwanag na kumausap sa kaniya.....Narinig niya ang mga katagang... Panahon na...Panahon na para sa layunin mo...Panahon na para malaman mo ang rason mo... Humayo ka.

Mula sa madilim na kuwarto sa isang simbahan sa Quiapo ay lumipad si Pegasus patungong Manila Bay. Habang Kumpulan ang mga tao sa Manila Bay at nanunuuod ng mga fireworks ng meteorite sa kalangitan ay dumating si Pegasus. Lumapag siya sa lupa humarap sa langit....

Pumikit siya.. Naalala niya lahat ng magagandang ala-ala sa buhay niya. Lumitaw ang puting ilaw at kinausap ulit siya...at sinabi nitong.... lipad.... Dahang dahang iminulat ni Pegasus ang mga mata niya. Ang blue green na mata niya ay ngayoy itim na. Ang puti niyang pakpak ay dahang dahang naging kulay Pilak ( Silver ). At ang buhok niyang kulot na dilaw ay naging itim.
Tumubo rin sa gitna ng noo niya ang isang sungay na kulay itim.

Ipinagaspas ni Pegasus ang kanyang mga pakpak. Ang mga tao sa paligid na ay humawe na parang damo. Sa isang iglap ay sinugod ni Pegasus ang meteorite na parang isang Bala.

Habang papalapit sa Higanteng Meterote ay umikot ikot si Pagasus na parang ipo-ipo.

Unang bumanga sa Meteorite ang kaniyang itim na sungay na mistulang isang samurai.

Sa pagtagos ni Pagasus sa higanteng Bato ( halfway sa bato ) ay ibinuka niya ang mga pakpak niya na nagmistulang daang-daan na blade. Sa bilis at lakas ng fiction ay nakadurog durog ang higantengMeteor.

Sa paglagpas ni Pegasus sa Pira-pirasong Meteor ay naging kulay abo ang buo niyang katawan. Ang pakpak niya ay lagas lagas na. Sa paglagpas ng katawan niya Ozone layer ay dahang dahang naging abo si Pegasus.

Nagpatayo ng Higanteng rebulto ni Pagasus na nagmistulang statue of liberty sa Manila bay.

Pagkatapos ng pitong Araw ay may pinanganak na batang sangol sa isang liblib na Barrio sa Maguindanao. Blonde ang buhok nito. Aquamarine ang mga mata nito at may maliliit na pakpak ng kalapati. At pagkatapos ng pitong araw ulit ay binata na ito. Siya si Pagasus at ilan lang ito sa mga kapangyarihan niya.

-a fiction by me.

No comments:

Post a Comment