Friday, October 26, 2012

gone with the wind

Kasalanan ba ang humingi ng isang himala....(RiverMaya)

Nakakadismaya, Hindi pumasok sa ATM ko ang huling suweldo ko sa aking last company na chinuk-chak.Nang malaman ko na imposibleng makuha ko ito ay gusto kong tumambling sa gitna ng highway na may mga rumaragasang trucks at motorista. Na-realize ko na kasalanan ko ang lahat. Nag-Awol ako, kasalanan ko na nasuka na ako sa trabaho ko, kasalanan ko na muntik nakong laging masuka tuwing pipindutin ang ready to make calls na button, na walang humpay na tatangap ng tawag sa mga lecheng bobong customer na talo pa ang mga handicap at no read no write.

Tuwing iisipin ko ang sweldong hindi natangap ay nakapagiimagine ako kung ano ang pwede kong magawa sa halagang yun'. "Wala na yun, di mona makukuha yun" Wika ni Utol na TL na sa company na yun. DEL ang account niya at 4 years na siya dun."Napaka gago ko daw ayon sa kaniya"

Wala nayun. Tinangay na ng hangin. Parang bangungot na totoo. Pera kasi yun'!

5 comments:

  1. "Well, he can write and he can take calls."

    "Versatile"

    "Yeah."

    "So magwawala talaga ako kapag hindi natin siya nakuha."

    "Don't worry, wala lang magsusulsol, makakapasok yun."

    "Sayang naman, he's a real talent."

    "Honga."

    Yan ang aming usapan ni Mami isang araw bago na-finalize ang decision na ikaw ay tawaging muli.

    Good luck! Marami yatang bagong opportunities sa company.

    ReplyDelete
  2. Wow sis' touch naman ako ng Major Major. Salamat ng sobrang rami : )

    ReplyDelete
  3. ang bait naman ni kuya mugen. alagang alaga ka talaga. sarap nyang maging kaibigan :D

    ReplyDelete
  4. @nimmy: Yes, I am very lucky to have him as a friend : )

    ReplyDelete
  5. grabe ang bait nga ni mugen sis!

    ReplyDelete