Thursday, November 1, 2012

tik-tik


Ikukuwento ko lang to, hanging ngayon ay hindi ko parin ma-figure out ang logic sa mga pangyayaring nasabi.

Bicol, some thirteen years ago. Isang ordinariyong gabi. Parehas na buntis noon ang dalawa kong close na tiyahin, parehas nilang pangalawang anak. Magkahiwalay ng kuwarto ang dalawa kong tiyahin at pawang kasama nila ang mga asawa nila noong mga
Panahong iyon.. Mahimbing na natutulog na ang dalawang pares ng mag asawa. Ng biglaang…..

Blagadag!
Nagulatang ang apat na may pagkalakas lakas na pag-blagadag na nangaling sa bubungan. Sa lakas nito ay imposibleng pusa ito. Panic ang dalawa kong tiyuhin. Ang isa ay agarang dumakma ng pamalo at ang isa naman ay sundang ( bolo ).

Ang town na ancestral house naming sa Bicol ay hindi isang liblib na lugar, para lang itong isang normal na bayan dito sa Manila. Ma-tao at dikit dikit ang mga bahay at commercialized.

Ng nakarating ang dalawa kong tiyuhin sa bubong ng second floor ay wala silang nakita.
Gamit ang isang flashlight ay napansin nila ang isang malaking yupi sa yero na mistulang binagsakan ng isang malaking bato. Hindi sila lahat nakatulog noong gabing iyon sa takot na baka aswang ito.

Noong kinuwento sa akin ito hangang ngayon ay hindi parin ako makaisip ng isang logical na explanation sa naganap. Ang isang pinakamalapit na kuro kuro ko ay baka higanteng ibon ito.
Sagot naman nila, hindi ito possible sa laki ng dent sa yero.
Pabiro ko nalang sinabi na baka spaceship na maliit ang nag crash tapos naglagay ng invincible forcefield para hindi niyo sila Makita habang ni rerepair nila yung space ship.

No comments:

Post a Comment