Thursday, January 24, 2013
kalansay lohan
Bakit sa tuwing may makikilala akong bagong mga tao ay napapansin nila ang taglay kong kapayatan. Eto ang ilan sa mga comment nila sakin:
" Shet sobrang payat mo maysakit kaba? "
Sagot ko: Obvious ba?
" Shet sobrang payat mo nag-dradrugs kaba "
Sagot ko: Sana nga kaso wala akong pambili eh.
" Grabe mukha kang bungo "
Sagot ko: Matagal na teh. Huli kana sa balita.
" Magpataba ka nga baka mapagkamalan kang tinik "
Sagot ko: Sige penge pambili ng food.
Kung maka suggest ang mga hinayupak, akala nila ganoon kadali.
And in one incident: " Grabekamukha mo si squidworth sa Spongebob.!"
Sagot ko: Doh! I know right?
Ilan lang ito sa mga comments sakin. Over the years ay natutunan ko ng tangapin, Pikon Ako, pero pagdating sa bagay nato' eh wala nalang sakin' they are all saying the same thing.
Kaya naman hate kong lumabas ng bahay ng tirik ang araw. Kasi bago ako makalabas ng bahay ay kailangan kong magsuot ng 2-3 layers ng damit para matago ang mga buto- buto ko este tinik'
Totoo na pagmalakas ang hangin ay matatangay ka pa sobrang payat ka. Nung minsang bumagyo at nasalabas ako ay nag levitate ako ng few inches from the ground dahil sa lakas ng hangin.
Nung minsan may bagyo, malakas ang hangin, habang hawak ang payong ay natutumba ako or nakakaladkad pa ata ng payong.
To make things worse, bukod sa sobrang payat ko, ay sobrang nipis rin ng mga buto ko. Wala talaga akong lusot.
Marami narin akong ginawa para lunasan ang labis kong kapayatan.
Isa na diyan ang pag-inom ng mga gamot na pampataba
Pagkain ng sobra sobra hangang masuka ako. Usually ay nagtatae ako.
At sa maniwala kayo at hindi nag gym nako ng four months. Kaya ako tumigil ay dahil imbis na lumaki ang katawan ko ay lalo pa akong na tone down, hindi tumalab ang potein supliments, Kasing flat ng sahig ang tiyan ko before mag gym after gym ay nagka six pack ako. Tinigil ko na kalokohan.
Lahat na ng bagay sa diksionaryo ng pagpapataba ay nagawa ko na.
Walang tumalab.
====
8 Hours ago during my medical exam;
Doc: Wagkang matakot kumain ha. Lagi kang Kumain.
Upon discovering that I am 84 pounds. My height is 5"6- 5"7. Ganoon ako kapayat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
grabe? ang payat mo.
ReplyDeleteNakakainggit ka namannnnnnn!
ReplyDeleteTrypa check up sa doctor.
@Mac: Yup Na try ko na magpacheck up sa ibang doctor. Multivitamins lang ang nereseta sa akin.
ReplyDeletebff, im sending you a pm in fb..let's meet soon..miss na miss na kita!sorry hongdaming inaasikaso sa work, basta babawi ako sa iyo ng bongga
ReplyDelete@ bff: Oks hehe No prabs. See u soon : )
ReplyDelete