Thursday, February 28, 2013

malas at bawal na bawal pumatay ng pusa

12:00 ng tanghali out ko sa work, lang hiya, hang enet powtek. Naka formal ware pa ako, mandataory, prom night kuno ng account namin. Di naman ako nag-enjoy, yung mga superiors lang, habang kayod kalabaw kaming mga agents sa walang hintong calls, ni lunok ng kape imposible. Habang nag ko-kolls pa ay may nag vivideoke pa sa back ground, prom na prom, videoke? Hagang 13 nalang ako at mag aawol nako. Ayoko na. Paubutin ko lang ng sunod na sweldo. Pauwi ay nag book hunting ako sa Cubao. Booksale at National bookstore ako nag-hunting. Mahal sa National kaya naman katulad ng nakagawian ay nakahanap ako ng sa Booksale. Pag-uwi ko jan sa may Baranka may tatlong Jeep na nag salpukan, yung isa wasak, yung dalawa nadamay lang. Grabe katakot, kung napaaga lang ako ng uwi ay baka nasakyan ko yung isa sa tatlo. Kalurkey. At jan naman sa kanto namin ay may napansin akong bayong. Ang laman. Tatlong patay na full grown na pusa. Malamang nilason. Grabe, napaka heartless ng gumawa nun'. Halata namang nilason.


Bihira lang kaming mag-away ni Itay, at isa pa sa mga naging sanhi ng pagaaway namin dati ay ang pagpatay niya sa dalawang pusa sa loob ng bahay namin gamit ang isang pat-pat. Dayo lang kasi ang mga pusang yun at nawili sa pagtangay ng ulam namin. Sigawan talaga kami ni pudra. I do not tolerate animal killing. Sobrang mali yun friend.

If you can't tolerate our furry friends there's many of ways of humanely disposing them.
Definitely not by killing them!!! Okay?

Wednesday, February 20, 2013

cheetah


I like toys, I'm already 31 years old and yet I still collect toys. If you are wondering what kind of toys, well i'm into action figures, my toys are my imaginary friends, if you are wondering if I love the Toy story movie, yes, it's one of my favorite, I also love animated movies of all sorts. Toys make me feel young again, it takes me back in time, back when I was young and there's very little to worry about, when all you do is sleep, play, eat junkfood and watch cartoons. I don't just collect them, I play with them Because for me that's the essence of having toys. When I was young my favorite toy was Cheetara of  Thundercats, I spent loads of time with her and I took her wherever I go. One dreaded day I broke Cheetara's head off, my mom tried to fix her by using Epoxy, Cheetara looked horrible after that then I stopped with playing her, Then I didn't know what happened to her after that.

I miss my favorite toy.

Monday, February 18, 2013

drop call

Dalawat kalahating oras na lang at tatangap na ako ng walang humpay na tawag. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I feel so trapped. Naguguluhan na ako. Bahala na si Batman. Wala na ba talaga akong choice kung hindi maging call center agent. Sa totoo lang naiingit ako sa mga security guards, sa mga empleyado sa pantry, sa mga logistics at sa mga normal na empleyadong walang kinalaman sa pagtangap ng calls sa aming kumpanya. Ano na bang nangyayari sa akin, nasisiraan na ba talaga ako ng ulo. Paulit- ulit nalang. Last year ay nakadalawang call center lang ako at parehong tag isang buwan  lang ang tinagal ko. Six months ang pagitan nila. Nawawalan  na ako ng pag asa sa totoo lang.


" Hindi na ako papasok bukas, mas pipiliin ko pang tumalon sa building nato kesa mag take ng calls! "
Ang wika ko sa isa sa mga kasamahan ko sa last call center na pinangalingan ko bago ito.

Sunday, February 17, 2013

whirlwind

I had a fun Valentines day. Kasama mo ang mga Wavemates ko. Nag bar hopping kami, naka talo kaming bar. Mala the hang-over ang eksena namin. Anjan na ng isa sa mga kasamahan namin ang umihi sa fire exit ng isang first class na disco bar. At bago pa noon ay gumawa narin siya ng eksena sa pangalawang bar na pinuntahan amin, nambastos kasi siya ng mag syota.  Parehong na kick out ang grupo namin sa pangalawa at pangatlong bar na dinalaw namin. Kinabukasan ang halos kalahati ng wave namin ang muntik ng hindi makapasok. Nagpanik ang mga tao sa operations sa nangyari, pero nakapasok pa naman kami. Karamihan sa mga kasama ko ay 4-5 hours  ng late. What a Valentines day. I had a blast maski na wasak na wasak ako habang nag ko-kolls.

Bukas, ay mag kokols na kami nang 8 hours. Umaatake na naman ang sakit kong si "Katam". Gusto ko ng mag-quit. Pero kaya ko to. Wala akong choice. I'll stay for a while. Maybe.

Wednesday, February 6, 2013

paula

Pauwi na after training past 12 midnight.

[x- officemate/Assistant trainor]:  Naalala mo pa si Paula yung wavemate natin sa Stellar?
[Me]: Oo yung kinaiinisan nating lahat. Princess daw siya, Haha. Bakit ano meron sa kanya?
[x- officemate/Assistant trainor]: Siya si Imalayer...
[Me]: What the fuck siya bayun?!!!!!

1-2 seconds of silence...
[Me]: WTF! OO nga grabe hindi ko siya namukaan iba ang hitsura nya sa TV. At noong napanood ko siya sa Youtube parang ang tangkad niya!!!

Tingnan mo nga naman. Nakasama ko na pala si Imalayer sa training dati. Grabe tagal na kasi noon. Pandak kasi si Paula at maikli kasi buhok nya dati. Nagbago rin kilay niya. I swear iba hitsura nya sa kamera.

Saturday, February 2, 2013

voices

Medyo Bago palang ang kumpanya sa bagong building. At dahil growing sila ay inukupahan nila ang buong fifth floor.

First day of training. Literal na mala temple run bago makarating sa restroom. Tahimik at bihirang may tao sa hallway at marami ring bakanteng rooms na hindi ko alam ang function. Tago ang restroom sa buong floor. Nakasuksok ito sa kadulo duluhan.

Tuesday Jan 29. Around 4 in the afternoon. Nagtungo ako sa CR. Tahimik at walang tao ang hallway sa aking pag daan. Pagbukas ko ng pintuan ng CR ay May narinig ako na dalawang lalaking naguusap. Biglang nawala ang ingay, Nagtagal lang ang ingay 1 segundo. Tatlo lang ang cubicle sa Cr at sa gitna ako pumasok upang jumingle. Pinakikingan ko ang dalawang cubicle ko sa kanan at kaliwa sa ano mang voice or movement. Pagkatapos kong umihi ay chineck ko kung may tao ang dalawang cubicle. Wala. Ako lang ang nasa Cr. Tiningnan ko rin ang bintana baka may mga construction worker ngunit wala. Hello nasa fifthfloor, mga ulap lang ang matatanaw mo sa bintana.

Hindi ko chinika sa mga co- trainess ko. Ayokong ma bansagan na echosera. Hintayin ko nalang may magkwento sa kanila at tsaka ako magshishare.

WNS. Starting date Jan 28 2013.