Monday, February 18, 2013

drop call

Dalawat kalahating oras na lang at tatangap na ako ng walang humpay na tawag. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I feel so trapped. Naguguluhan na ako. Bahala na si Batman. Wala na ba talaga akong choice kung hindi maging call center agent. Sa totoo lang naiingit ako sa mga security guards, sa mga empleyado sa pantry, sa mga logistics at sa mga normal na empleyadong walang kinalaman sa pagtangap ng calls sa aming kumpanya. Ano na bang nangyayari sa akin, nasisiraan na ba talaga ako ng ulo. Paulit- ulit nalang. Last year ay nakadalawang call center lang ako at parehong tag isang buwan  lang ang tinagal ko. Six months ang pagitan nila. Nawawalan  na ako ng pag asa sa totoo lang.


" Hindi na ako papasok bukas, mas pipiliin ko pang tumalon sa building nato kesa mag take ng calls! "
Ang wika ko sa isa sa mga kasamahan ko sa last call center na pinangalingan ko bago ito.

No comments:

Post a Comment