Thursday, June 6, 2013

try sleeping with a broken dream

Three days nakong nasa Libis upang tapusin ang aking application sa Con**gy's. Dalawang beses ko na silang naturn down. Kaya naman sa pangatlong pagkakataon ay itinuloy ko na bago pa sila tuluyang maguluhan at mapikon sa akin. Depende narin lang sa medical clinic kung i-mess up pa nila ulit ang application ko. Kaya naman dalawang araw nakong kumakain sa aking paboritong Steakbreak maski na lasang medyas pa ang soup nila. Hehe disregard the soup.

Andito na naman ako sa aking routine, walang kaalam alam ang kumpanya na bibiktimahin ko lang sila. I hate working sa Callcenter pero like I've said a million times eto lang ang alam kong gawin. Ang mag training.

Lagi kong naoobserbahan ang mga taong masaya sa trabaho nila, sa maniwala kayo't hindi meron. 
Pinapangarap kong makuntento sa isang trabaho maski hindi ganoon kalaki ang sweldo. Gusto ko lang naman ng trabahong balanse lang, yung may time para mag petiks at may time ng adrenalin rush. Unlike sa BPO na puros adrenalin at stress na walang kapantay.

Bago umalis ng Libis ay napadaan ako sa isang Bonsai contest sa sobrang dami ay hindi ko na nalibot ang buong lugar, pagod nako. Pagkagagandang work of art.


Habang papauwi kanina ay tinanong ko ang sarili ko. Na bakit ganoon, malas na nga ako sa pag-ibig, hindi pa ako makahanap ng trabahong gusto ko. In a sense napaka unfair pero wala naman akong magagawa. Wala lang just one of those days.


No comments:

Post a Comment