Saturday, February 8, 2014

151 lady starlites

Simula ng matututo akong maging laman ng Cubao isang dekada na ang nakakaraan ay imposible ko ng mabilang kung ilang beses na ako tumatambay doon. Kaya naman kagabi ay napagdesisyunan ko ng bilangain, estimated around 150. Kaya sisimulan ko na ang bilang sa 151.

Maski wala akong napapala na maganda sa pagtambay ko sa Starlites P1 at Rapture paminsan ay ito lang ang lugar na alam kong puntahan at sa maniwala kayo o hindi ay magisa lang ako palaging umiinum, mahirap maghanap ng makakasama sa isang katulad kong moody na kung kelan lang matripan ay bigla nalang pupunta regardless nang holiday o ng weather condition. Ang pagpunta ko sa mga lugar na ito ay treatment ko sa tinatawag na depression. This is the only way I distract my self. Mahirap alsin sang kalungkutan.

bago pa akong maging permanenteng laman ng Cubao ay naging batang Malate muna ako. Ang layo lang kasi ng Malate kung saan ako nakatira, kumpara sa Cubao na isang tumbling lang.

Starlites & Rapture will forever be my playground.

No comments:

Post a Comment