Tuesday, January 7, 2020

black lotus

Itinanim mo itong itim na buto sa puso ko, hindi ko inaasahan tutubo ito ang magbubunga nga itim na bulaklak na ang tangkay ay ubod ng tigas at kapal na napapaligiran ng matatalas na tinik. Ang mga marami nitong ugat ay binalot ang loob at labas ng puso kong dumudugo. 

Sa tuwing tatangkain kong bunutin ang itim na bulaklak ay labis ang sakit na idinudulot, Bakit ko hinayaan itong humantong sa ganito.

No comments:

Post a Comment