Monday, May 30, 2011

kitty cat

Way back 2009 ( This picture taken from my old blog )
Nilibre ko ang kapatid at pinsan ko, nanood kami ng sine, kumain at uminom afterwards. Nabutas ang bulsa ko ang sakit.

Earlier that day may bibilhin ang pinsan ko at kapatid so nag suggest ako na iwan nalang nila ako sa Arcade upang laruin ang aking all time favorite game na " Street fighter zero third strike " ( haba ng title). Pagkatapos mamaga ng fingers ko kapipindot ay napansin ko ang malaking arcade machine, out of curiosity ay nilapitan ko ito, itong machine na ito ang pinakamalaki sa Arcade na iyon, i-novserbahan ko ang nature ng game. Laking dismaya ko ng matuklasan kong Hunting game pala ito. Sa instructions ng game ay dine-demonstrate kung paano wastong barilin sa ulo at sa iba pang crucial parts ang mga Animals. Tampok sa game na ito, na ilan sa ha-huntingin sa game ang, Grizzly bear, Black bear, Deer, Jaguar etc. Ang eksena ay simple lang, babarilin lang ang inosenteng hayop hangang mamatay, kailangan ay maasinta mo ito at mapuruhan habang nagpupumiglas, animal torture to the max.

This is the most unjustifiable game for me, kung pwede ko lang hampasin ng baseball bat yung machine na yun ay ginawa ko na, this game promotes animal cruelty, sobrang bad influence nito sa mga maliliit na bata na Imbis na mahalin ang mga hayop ay sa halip maging violente sila sa mga ito. We should co-exist with all living things in this planet, hindi paba tayo nakuntento sa pagsira natin sa ating environment? Hindi paba tayo nakuntento na tayo ang sanhi ng Global warming?
Eh kung yung mga gumawa nitong computer game na to' ang pagbabarilin ko sa ulo at pagtatadyakan ko ang mga bayag nila. Mas masahol pa sa pinaka-mababang uri ng hayop ang mga gumawa ng game nato ito. Wew, naginit talaga ulo ko!

Growing up loving all sorts of animals has affected me upon discovering this game.
It is UNFAIR. Animals are more human than some of us, they don't deserve to be promoted this way.
F*CK THESE PEOPLE! Ma experience sana nila ang mga nararanasan ng mga hayop na nilalapastangan nila. Sila ang mga tunay na hayop! Tayong mga tao ay nakakapag-Rason ang mga hayop hindi. Leave those Animals alone! We should be the ones protecting them!

* Na-iimagine ko ang sarili ko na nakasuot ng Pink Bunny Suite, habang walang humpay kong hinahampas ng baseball bat ang machine nato'. Hayop talaga.

Today:
Laking dismaya ko ng itampok sa isang report program ang mga naglalabasan " Crash Videos" Maski naka blur ito ay hindi ko kinaya ang mga eksena agaran kong nilipat agad ang channel. Buti nalang at naka blur kasi pagnakita ko yung mukha ng babae sa video na gumagawa ng kahayupan sa mga hayop ay susundutin ko ng kinakalawang na stick ang p**-**k niya.This is hopeless, those tiny animals don't deserve this ending.
At sana lang ay wag itapon ang mga kittens sa gilid ng highway, lagi akong nakakakita nito, puwede namang sa bakanteng lote or sa mga lugar na malayo sa disgrasiya, give them at least 50% chance to live, hindi totoo na 9 ang buhay nila. They might survive at all.

Friday, May 20, 2011

are you smarter than a fourth grader?


Grade four ako noon....

Isang normal na school day sa loob ng classroom, lunch time, may kausap si Maestra na co- teacher. Naalala ko pa nang ilang beses kaming winarningan ni titser noon. " Wag kayong maingay! ". Habang sarap na sarap ako sa pag-chibog ng paborito kong friend chicken ay sige naman ang daldal sakin ni seatmate na kutohin, siyempre reply naman ako ng reply, diko na malayan or di ko rin masyadong sure kung malakas ang boses ko nung time nayun, habang enjoy sa kadadaldal ay biglaang...

Umikot- ikot na ang mundo ko na parang rollercoaster.
Ang P*t*ng maestra, nilalapirot na pala ang tenga ko. Sa liit ng katawan ko imaginin mo nalang kung ano ang pinagdaanan ko, feeling ko talaga ay mapuputol ang ulo ko noong sandaling iyon.

Umalis na si meastra paktapos ng ilang segundong rock and roll, samantalang napaiyak nalang ako, nalunod rin ang lunchbox sa mga patak ng luha ko, Shet nasobrahan na yuloy sa alat yung manok.

Hindi ako ligtas sa mga nang bu-bully sa akin, pinanganak na akong kakambal yun'. During my school days hangang grumaduate ng hayskul ay hindi ako ligtas, mabenta ako sa mga bully, pinipilahan ako, fully booked na in advace ang elementary at hayskul days ko sa sobrang benta ko. Ang akala kong hero na si titser ay isa rin pala sa mga nakapila. Nasaan man siya ngayon ay malamang natangalan na siya ng lisensiya, dahil hindi lang ako ang sinalbahe niya noong year na iyon. Mabigat ang kamay ni ma'am hindi halata sa mala anghel niyang kulot kulot na buhok ang mala demonyita niyang ugali.

Diko na pinaalam sa parents ko, dahil sa mga failing grades ko ay ayoko ng madagdagan ang mga problema nila sakin. Kaya hangang lumaki ay sinasarili ko nalang lahat.

It's complicated. Luzviminda pala ang first name niya, pagsinabi ko ang last name ay magu-Gonao na ang mundo.

Tuesday, May 17, 2011

get over it

Bukas ay maglalakas ng loob na akong magpa ultrasound, upang alamin kung meron nga ba akong Kidney Stones. Natatakot ako, pero I have to do it.
Lagpas isang taon ko nang tinitiis to. Hindi nato' simpleng UTI lang.

Sana illusion lang lahat ng nararamdaman ko,
Sana it's all in my mind lang.
Para mabawas bawasan man lang ang mga problema ko.
At bukas magising ako at sabihing...Masamang panaginip lang pala ang lahat.

Sunday, May 15, 2011

the survey

Kuwento ito ng isa kong kababayan. Nakainuman ko siya nang magbakasiyon ako sa probinsiya. Ang trabaho niya ay isang taga survey, yung nagsusrvey ng population or kung ilan ang miyembro ng isang tahanan. Maraming akong tanong sa taong ito, interesante kasi ang trabaho niya at dahil marami nang napagusapan at mediyo lasing na, out of the blue ay bigla siyang nag kuwento ng isang karanasan na hindi niya makakalimutan.

Sa probinsiya siya nagsusurvey, sa Bicol. Na destino siya, sa ilang liblib na lugar
Tanghaling tapat daw noon. At dahil trabaho niyang suyurin ang mga kasuluksulukang lugar ay napadpad siya sa isang kubo na malayo sa barrio proper. Maliit lang daw ang kubo na may malaking bintana at kitang kita ang apat na sulok ng kubo mula sa labas nito.

Nag-welcome sa kaniya ang isang matandang lalaki.
"Manong, nagsusrvey lang po". Ilan po kayo dito sa bahay?
Manong: Dalawa lang ako at ang misis ko.

Ngunit kitang kita ni nagsusurvey na may akay na sangol si ginang at hinihele ito.
Eh, manong kanino po yang sangol? Anak niyo po ba? Counted rin kasi po ang sangol.

Sabay harap ni ginang.

Nagulantang si Manong survey ng makitang...

Mummified na ang sangol.

Wika ni mister sa kaniya.

" Nabaliw si misis, hindi niya matangap na patay na si Junior, ayaw niyang ipalibing. "

Sunday, May 8, 2011

here she comes

Nakahiga sa kama... Half naked..Nakapikit at nagmumuta.

Habang ninanamnam ang mga sandali ng pahinga.

Yakap ang nanglilimahid na unan na amoy panis na laway

Pinatutugtog ang relaxing na musika ni Moby.

Nakapikit habang umuulan sa labas. Eto na ang tag-ulan!

Nakatihaya sa kama na naninigas ang Magic Sing.

Wooo hooo, its breezy!

tuwing 11 a.m ay ginigising
ako ng matinding init na nakakamatay. Ngunit iba ang araw na ito, ng nagising ako ay makulimlim at umuulan. Hang breezy!

Sobrang saya ko today!