Friday, May 20, 2011

are you smarter than a fourth grader?


Grade four ako noon....

Isang normal na school day sa loob ng classroom, lunch time, may kausap si Maestra na co- teacher. Naalala ko pa nang ilang beses kaming winarningan ni titser noon. " Wag kayong maingay! ". Habang sarap na sarap ako sa pag-chibog ng paborito kong friend chicken ay sige naman ang daldal sakin ni seatmate na kutohin, siyempre reply naman ako ng reply, diko na malayan or di ko rin masyadong sure kung malakas ang boses ko nung time nayun, habang enjoy sa kadadaldal ay biglaang...

Umikot- ikot na ang mundo ko na parang rollercoaster.
Ang P*t*ng maestra, nilalapirot na pala ang tenga ko. Sa liit ng katawan ko imaginin mo nalang kung ano ang pinagdaanan ko, feeling ko talaga ay mapuputol ang ulo ko noong sandaling iyon.

Umalis na si meastra paktapos ng ilang segundong rock and roll, samantalang napaiyak nalang ako, nalunod rin ang lunchbox sa mga patak ng luha ko, Shet nasobrahan na yuloy sa alat yung manok.

Hindi ako ligtas sa mga nang bu-bully sa akin, pinanganak na akong kakambal yun'. During my school days hangang grumaduate ng hayskul ay hindi ako ligtas, mabenta ako sa mga bully, pinipilahan ako, fully booked na in advace ang elementary at hayskul days ko sa sobrang benta ko. Ang akala kong hero na si titser ay isa rin pala sa mga nakapila. Nasaan man siya ngayon ay malamang natangalan na siya ng lisensiya, dahil hindi lang ako ang sinalbahe niya noong year na iyon. Mabigat ang kamay ni ma'am hindi halata sa mala anghel niyang kulot kulot na buhok ang mala demonyita niyang ugali.

Diko na pinaalam sa parents ko, dahil sa mga failing grades ko ay ayoko ng madagdagan ang mga problema nila sakin. Kaya hangang lumaki ay sinasarili ko nalang lahat.

It's complicated. Luzviminda pala ang first name niya, pagsinabi ko ang last name ay magu-Gonao na ang mundo.

6 comments: