Sunday, May 15, 2011

the survey

Kuwento ito ng isa kong kababayan. Nakainuman ko siya nang magbakasiyon ako sa probinsiya. Ang trabaho niya ay isang taga survey, yung nagsusrvey ng population or kung ilan ang miyembro ng isang tahanan. Maraming akong tanong sa taong ito, interesante kasi ang trabaho niya at dahil marami nang napagusapan at mediyo lasing na, out of the blue ay bigla siyang nag kuwento ng isang karanasan na hindi niya makakalimutan.

Sa probinsiya siya nagsusurvey, sa Bicol. Na destino siya, sa ilang liblib na lugar
Tanghaling tapat daw noon. At dahil trabaho niyang suyurin ang mga kasuluksulukang lugar ay napadpad siya sa isang kubo na malayo sa barrio proper. Maliit lang daw ang kubo na may malaking bintana at kitang kita ang apat na sulok ng kubo mula sa labas nito.

Nag-welcome sa kaniya ang isang matandang lalaki.
"Manong, nagsusrvey lang po". Ilan po kayo dito sa bahay?
Manong: Dalawa lang ako at ang misis ko.

Ngunit kitang kita ni nagsusurvey na may akay na sangol si ginang at hinihele ito.
Eh, manong kanino po yang sangol? Anak niyo po ba? Counted rin kasi po ang sangol.

Sabay harap ni ginang.

Nagulantang si Manong survey ng makitang...

Mummified na ang sangol.

Wika ni mister sa kaniya.

" Nabaliw si misis, hindi niya matangap na patay na si Junior, ayaw niyang ipalibing. "

3 comments:

  1. WOAH!!! Kagulat ng kwento mo!

    ReplyDelete
  2. kalungkot pero naiintindihan ko yung nanay. hay :(

    ReplyDelete
  3. @ the wanderer: Thanks hehe : )

    @ sean: Honga eh, kawawa rin yung nanay : )

    ReplyDelete