Friday, June 24, 2011

panic

2:45 p.m ng magronda ang mga tanod, malapit na daw maabot ang panic level ng tubig sa Marikina river. Nagpanic ang lahat sa bahay at within 10 minutes ay napanhik na nila sa taas ang lahat ng gamit na dapat maisalba. Daig nga naman ng maagap ang masikap at mahirap magpundar ulit ng gamit. Sa gitna ng kaguluhanay ako naman ay busy sa pagdanload ng porn at pagtataas sa pinakamataas ng kabinet ng mga appliances ko, maliban sa computer na nagdadownload pa ng porn.

Sa loob loob ko wala pa namang ni katiting na tubig sa kalsada at bukod doon ang hina ng ulan, iba ang ulan noong during Ondoy , parang mga maliliit na bato ang bagsak ng ulan noon at walang humpay ang ulan. Ang nakakatawa pa ay sa katapat na kapitbahay lang kami tatakbo dahil may 3rd floor sila, yung kapitbahay naman namin sa laft side ay hindi pa tapos ang fourth floor panic room na pinagagawa. Nagka adrenaline rush ang lahat sa bahay maliban sa akin.

At ng ready ang lahat kay mother nature ay biglaang huminto ang ulan.

- Daniel hindi concern citizen ng Provident Village Marikina River.

5 comments:

  1. Basta ingat pa rin kayo diyan sis. Papanalangin ko na tumigil na ang ulan.

    ReplyDelete
  2. haha. tama lang yan. wag kasi magpanic agad.

    ReplyDelete
  3. iba na ang laging handa,at ikaw na ang handa kung sakaling maburyo dahil downloading process na ang mmga pang aliw ;)ingat

    ReplyDelete
  4. Hahaha. Nagdodownload talaga teh?

    Ingat kayo!

    ReplyDelete