Nag awol- nako. Since yesterday. Why? Kasi hindi no na kaya. This is the most difficult account that I handled. It is indeed way way beyond my abilities. Try niyo para alam niyo kung anong pakiramdam. **** HT-TV. Nung una ay pinakiusapan ko ang isa sa mga closes friends ko sa training na after shift ay iabot niya ang headset ko at resignation letter ko sa trainor namin. To my surprise at sa very last minute ay ininform niya ang iba ko pang closest friends at sinabi nila na it would be best na kausapin ko ang trainor ng face to face. Nang ibinigay ko ang resignation letter ko sa trainor ko ay nagiyakan na ang mga closest friends ko sa wave namin. Naluha narin ako. But somehow na convince ako ng trainor ko na wag mag give up at bigyan pa ng shot. Sabay punit niya ng resignation letter ko sa harap namin. Yup I did not quit and I stayed for another day, na touch ako na maski na sobrang hindi ko kaya yung accout ay sobrang suportado parin nila ako. Pinalakas ng mga wavemates ko ang loob ko. Baka nga naman magka milagro at biglaang makaya ko yung account.
Habang binabalik ko ang kandado at headset ko sa locker ay napansin kong umiiyak ang isang close na guy friend ko. " Hayop ka iiwan mo talaga kami? " wika niya. We hugged and I am so moved. No just for the record hes not gay. Dalawa lang kami sa locker area. Ayaw niyang ipakita sa marami na umiiyak siya.
I did try for another day. Hindi ko talaga kaya at maski na katabi ko na yung trainor ko sa pag ko-calls ay wala talaga akong ma resolve na concern. Halos pumutok na lahat ng ugat sa ulo ko sa sobrang stress anjan pa ang nagbla-blackout ako gitna ng mga calls ko dahil hindi ko na alam ang ginagawa at pinagsasabi ko in short I am this close na masiraan na ng ulo. Grabe rin ang ang mga programs na gamit nila. Masakit sa ulo at ang daming kaartehan.
It was indeed my last day at walang nakakaalam na yun na talaga ang last day ko. I pretended all day that everything is ok and i'm staying. Tatlo kaming magkakasabay pauwi si friend na nakakaalam na yun na ang last day ko at si guy friend. Narinig ni guy friend na inihahabilin ko ang headset ko sa kanya upang iabot sa trainor ko kinabukasan. Habang nasa taxi ay naiiyak na si guy friend si guy friend. Nag joke pa ako sa kanya. Inaantok kana naman noh? Alam ko sa sarili ko na baka yun na ang last time na makita ko ang dalawa sa dear friends ko.
Nakikibalita parin ako si friend na lubos na naiintindihan ako ang siyang tangi kong kasabwat. Ayon sa kanya na umiiyak parin yung isa naming close na girl wavemate at si trainor ay sobrang upset. Sabi ni friend na it's not the same without you. Come back its not too late trainor is still waiting for you.
Malungkot at hangang ngayon I cant still get the hang of it. I miss all of them. I miss the environment but I dont miss the job itself. Someday I know that they will understand me. I strongly believe that magkakasama sama ulit kami someday.
Pictures that I took sa Libis from my previous center na sa Libis din but not from the last center.
Maski isa na namang malaking wrong turn ito ay labis akong masaya at nakakilala ako ng mga bagong at totoong mga kaibigan. Pahinga muna ako ng kaunting panahon since hindi ako pwedeng mabakante ng matagal.
No comments:
Post a Comment