Monday, July 9, 2012

segunda mano

Isang mainit na tanghali ay napagtripan ni Boy Astig na mag trip sa mga Ukay-ukay. Sa kanyang paglilibot sa mga ukay-ukay ay umagaw sa atention niya ang isang cargo shorts. Aba astig sa halagang 50 php may shorts kana. Yun nga lang walang botones at may butas rin.

Ng makauwi si Boy Astig ay naghanap agad siya ng butones at itinahi ito sa Shorts. Napansin nyang dalawa ang butas. Umandar ang imahinasyon ni Boy Astig. Shet hindi kaya mga tama ng bala ito. Binaliktad no Boy Astig ang shorts upang tingnan kung may mantsa ng dugo ang shorts. Ngunit na realize niya na nalabhan na ito.

Ng nakatulog na si Boy Astig ay nanaginip siya....
Isang binatilyo ng blonde ang buhok ang pinaghahabol ng dalawang negrong lalake. Binaril siya ng Dalawang Itim na lalake at nadapa.

Doon na natapos ang panaginip ni Boy Astig at nagising na siya.

" May nasusunog ang sigaw ng Nanay niya na nagmamadaling tumayo at bumaba ng hagdanan.
Natuklasan pala ng Nanay niya na gawa ito ni Boy Astig. Sinisigaan ang Shorts sa likod ng bahay nila sa dis-oras ng madaling araw.

No comments:

Post a Comment