Sunday, December 30, 2012

isang taon ng katamadan at kawalang pag-asa

Grabe this 2012. Sobrang tinamad ako ng taong nakalipas. Nakadalawang Kumpanya ako Tag isang buwan lang ang tinagal ko. So bale dalawang buwan lang ako sa taon na ito naging abala. At dahil tamad ako at walang kwenta ang tingin ko sa sarili ko ay buong taon rin ako depress at inis sa sarili. Inis rin ako mga taong nakapaligid sa akin. Tingin ko sa sarili ko ay ako na siguro ang pinaka panget na tao sa buong mundo. Kaya Wala akong gana magtrabaho at wala rin gana sa buhay ay dahil sa hitsura ko. Hindi ko matangap at maovercome ang kapangitan ko. At bukod doon ay tamad talaga ako sobra. Gusto ko goodtime lang, kain tulog  at bisyo. May mga times naman na hinangad kong ituwid ang wala kong kwentang buhay, pero wala bigo ako lagi. Pinakamalaking balakid ko sa tagumpay ay ang sarili ko.

Kung sana hindi ako pinanganak na panget at walang kwenta, eh di sana, masaya nako ngayon.
Malaking problema na kung ikaw mismo ay galit sa sarili mo. Lagi akong naiingit sa mga normal at magagandang tao. Gusto kong maging katulad nila. Pero alam ko na walang magbabago. Gusto ko naman maging masaya paminsan.

2 comments:

  1. Pano ka naka-survive ng walang work? siguro mayaman kayo, no, super yaman kayo.

    ReplyDelete