Saturday, December 8, 2012
most exotic
Ang pinaka-exotic na animal na inilagaan ng pamilya namin ay ang Chicken Hawk. Malaki na ng ibinigay sa amin ng tito ko ang ibon. Ilang buwan rin nagtagal sa amin ang hawk na yun. Isang araw bigla na lang nawala. Naririnig namin ang iyak niya sa bahay ng kapitbahay namin ngunit hindi na namin kinuha. Sapagkat ang may ari ng bahay nayun ay may negosyong petshop. Ilang buwan pa at hindi na namin narinig ang iyak niya. High mentenance mag-alaga ng Chicken hawk. Ako lang ang nakakahipo sa kaniya lahat sila ay takot matuka.
Ahas- siya ang naging pinaka exotic kong naging alaga. Britney pinangalan ko sa kanya, although hindi ako sure kung babae siya. Water snake siya na parang Python. Nakilala na siya ng personal ng isa sa mga blogger and a close friend of mine Souljacker. Pinakawalan ko siya sa Marikina River after ilang months. Nangayayat kasi at puros buhay na kataba lang ang diet niya. ( actual picture niya at kamay ko yung nasa picture ).
Samantalang Iguana naman ang sa kapatid kong lalake noong hayskul pa siya. Tinubuan ng higanteng bukol ang kawawang iguana tapos napabayaan hangang mawala nalang or diko sure kung na tegi yung butiki.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
dami din ako pet dati,.,ngayun kahit isa wala na,.,haist miss ko sila lahat...
ReplyDelete@ ram: Awww bakit ayaw mung mag alaga ulit?
ReplyDeleteNaalala ko si Britney!!
ReplyDeleteno time and spsce,hahaha!
ReplyDelete@ Mugen: Haha oo, na meet mo siya sis hihi : )
ReplyDelete@ ram: Awww, sabagay effort talaga mag alaga : )