Eight months kong pinahaba ang buhok ko until ma reach ko ang lenght na yan ( Picture above ). Maraming beses ko itong ipinaglaban at pinanindigan, maraming beses na rin akong tinopak na paputulan na ito. Ngunit Pinanindigan ko parin maski irita na ako dahil mahirap siyang i-manage.
Hangang nag decide na akong itigil na ang kabalbalang ito since hindi ko rin naman siya ma enjoy at palagi akong naka cap at headband. Nahirapan narin akong i-mentain ito, kaya naman after eight months na pag-alaga dito ay nagpasemikal na ako kahapon. Masakit sa loob pero panahon na, Sabi kasi ng mga close friends ko na mas bagay sa akin semi-kal. Masyado rin akong payat para sa ganitong buhok. Wala pang limang minuto inabot ang barbero sa pag ahit sa buhok ko kumpara sa walong buwan na pinaghirapan ko. Nanibago rin ako sa sarili ko, tagal kong huling nakitang semi kal ang sarili ko. "Is that me on the mirror " March/18/2-13
Thursday, March 21, 2013
Tuesday, March 19, 2013
janine doll
Permanent ng magsasarado ang Msn Thrift store sa Cubao. Ito lang ang tanging tindahan na nabibilhan ko ng Barbie dolls. Kaya naman pinagsamantalahan ko na ang pagkakataon na bumili pa ng isa pang huling manikha. This last doll is perfect in every way. Ganda ng buhok niya, sarap suklayin. Wala syang damit ng nabili ko at malaki rin ang paa nya. Wala pang kasyang shoes sa kanya as of the moment. Perfect siya kasi mukha siyang Filipina. Kaya naman Janine ang pinangalan ko sa kanya. ( Janine Tugonon ).
Saturday, March 16, 2013
i keep losing my way
It wont't be too long at makatangap na naman ako ng deathtreat sa pinagtratrabahuhan ko. Wala na, burn out to the maxx na ako. Awol galore. Kaya naman tambak na ang mga access card ko sa Cabinet. I don't know what to do with them. At least this time naka tatlong sahod ako bago mag vanishing into thin air. Sa ngayon blanko pa ako. Ayaw ko pang mag isip kung anong sunod kong Raket. 03/13/2013.
Thursday, March 14, 2013
vince
My grandfather just died today. Sadly hindi ko na siya naabutan ng buhay when I got to the hospital. Parang nabunutan narin ng tinik ang lahat, dahil hindi na siya mahihirapan. You lived a full colorful life.
We will miss you lolo.
We will miss you lolo.
Sunday, March 10, 2013
asia's next top model cycle 1
Congratulations Stephanie Guanzon Retuya! for being first runner up! Good job. Record breaker ka daw sa record ng next top model ayon sa Wikipidia, dahil 5 times ka daw na bottom 2. At naging first runner up without winning a single best photo. Record breaker nga! Well you gave a good fight. Wagi ka girl! U make your kababayans proud. Kudos!
Saturday, March 9, 2013
kenny dora
Training palang ay naatasan na kaming pumili ng screen name or phone name. Pag western sounding ang name mo ay pwedeng hindi kana mag screen name kung wala ka pang kapangalan sa floor. Goodluck naman sa 200 agents sa account namin. Sa katulad kong napaka filipino-ish ng pangalan ay napilitan akong mag provide. Kenny ang napili ko. May kapangalan na ako na Kenny rin ngunit matagal ng nag resign, kaya naman pinanindigan ko na na Kenny.
Sa tuwing pag may kausap ako sa phone ay laging Ma'am ang address sakin ng mga customer. Hindi ko na sila kinokontra, although nasabi ko na na Kenny ang pangalan ko ay Ma'am parin sila ng Ma'am sa akin. Ride nalang ako. Pag mahina kasi ang boses ko ay nagiging boses babae at grabe rin akong mag pronounce sobrang landi. Strategy ko narin to upang hindi mapagkamalang bumbay at para makatipid narin ng boses.
Becky: Teh, narinig ko recorded call mo ni loud speaker, gurl akala ko babae yung agent. Ikaw pala..kaloka ka.
Tunay nga na na master ko na ang pag gamit sa boses ko.
Ispiration ko si Kenny ng South Park.

Friday, March 8, 2013
charmaine elima for miss universe 2013
Para sakin ay si Charmaine Elima ang dapat tanghalin na Binibining Pilipinas 2013. Malakas ang kutob ko na malaki ang chance niyang maipasok ulit ang bansa natin sa top 5. Sana nga ay siya ang manalo sa Bb. Pilipinas.
Feeling ko ay hindi niya tayo bibiguin katulad nila Venus, Shamcey at Janine. Goodluck Charmaine!!! May resemblance siya sa ating very own Margie Moran, Miss Universe 1973.

Wednesday, March 6, 2013
sabog
Alam mo ba yung Access card also known as "Totoot card" Eto yung kasama ng ID, kulay white siya at itinututok sa isang device upang buksan ang isang pinto.
Sa sobrang stressed out at exhausted ko sa trabaho ay paminsan ay naitututok ko to kung saan saan. Ganun lutang lang teh! Paminsan sa dispenser ng alcogel na nakadikit sa dingding naitututok, paminsan naman ay sa buttons ng elevator. Lutang kasi ako. Sabog na sabog at high na high sa stress at pressure. Laging kulang sa tulog at siyempre drained physically, emotionally at mentally. Prone kasi akong ma mental block pag sobrang pressured. Hindi talaga bagay sa akin ang maging callcenter agent.

Sunday, March 3, 2013
howling gays
Three months after the dreaded Ondoy Baboy. Bumalik na ako sa Provident. Sa kadahilanang masyadong malayo ang Antipolo sa pinapasukan ko noong Call center.
Si utol at si bayaw lang ang nakatira noon sa Provident. Sa kabilang bahay ( same compound ) Ayos na mga electrical wiring nang mumunti nilang bahay, samantalang wala pang wiring ang bahay namin. Kaya naman bumili ako ng pagka haba-habang extension cord, upang magkakuriente ang kuwarto ko sa second floor. Madilim at malaki ang bahay namin, at laging pinaghihinalaang may multo. Takot si utol at ang asawa niyang mag stay doon. Kaya naman enjoy ako mag-isa. Masaya nako sa isang bumbilya, electric fan, at isang radio transistor. Nilimas kasi nang hayop na Ondoy na yan ang lahat ng gamit naming mag-anak.
Alas tres ng umaga ang pasok noong mga panahong iyon. Walang ilaw sa buong bahay, kuwarto ko lang ang meron, kaya naman pag-maliligo ako sa madaling araw, ay kandila ang gamit ko sa banyo namin sa second floor. Hindi ako natatakot. Teritoryo namin yun. Ang mga maligno at ipakto ang dapat matakot sakin dahil baka sigawan ko lang sila with matching headtone mala- Mariah Carey.
Habang nagsisipiliyo ako ng mga ganoong oras, gamit ang kandila, after maligo ay tinatagalan ko rin ang pagtingin sa salamin pag mga ganoong oras. Ipakta kasi yung kapitbahay namin, may nagpakita daw sa kaniya sa salamin doon sa baniyong pinagliliguan ko. Asa naman akong magpakita rin yung kaluluwang yun. Kung meron nga. Pero paminsan I have this really really weird feeling na parang pinagmamasdan ako. Praning lang siguro ako.
Mga 2:30 a.m nako nakaalis ng bahay noon. Noong mga panahon iyon, tuwing sasapit ang 10:00 ng gabi ay nagsisimula ng mag-Orchestra ay mga Aso sa Provident; Alulong ang mga aso kung saan-saan. Siguro, sa kadahilanang maraming nangamatay sa area namin. Nakakasanay pala yung ganoon. Parang wala nalang pag nagtagal.
Ayun na nga mega-walk ako papuntang labasan ng gate ng sub-division namin.Madilim, mistulang ghost town ang Provident. Sa street namin ay kakaunti lang ang namatay. Lagi kong dinadaanan papalabas ng sub-division ang isang bahay na may namatayan. Ang Istorya ay: Binalikan kasi nung matandang lalaki yung mga papeles noong kasagsagan ng Ondoy, kaya ayun nakulong siya doon sa bahay nilang bungallow.
Ayun na nga, papalabas ako noon ng sub-division going to work. Malayo-layo palang ay aninag ko na ang isang itim na aso na mega alulong. At dahil nagmamadali ako ay hindi na ako nakapagisip nang kung ano pa. Habang palapit ako sa kinatatayuan ng aso ay na-realize ko na Puno (Tree) pala ang ina-alulungan ng aso. At ang puno ay nakatayo sa labas ng bahay nung na-dedbol na matandang lalaki. Nanlaki lang mata ko pero wala naman akong nakita. May Option naman ako eh, puwede akong dumaan dun sa Main Street, kaso mas naka-pangingilabot doon. Gawa nung mga baklang parlorista na mahilig mang-terorize ng mga lalakihang nagdadaan doon pag ganoong oras. Hayop na mga baklang iyan nakikipag-sabayan pa sa mga multo. Ang kapuputi ng mga mukha na nangingibabaw sa gitna nang matinding kadiliman. Bungi panga yung isa na hayop maka-ngiti.

Subscribe to:
Posts (Atom)