Saturday, March 9, 2013

kenny dora

Training palang ay naatasan na kaming pumili ng screen name or phone name. Pag western sounding ang name mo ay pwedeng hindi kana mag screen name kung wala ka pang kapangalan sa floor. Goodluck naman sa 200 agents sa account namin. Sa katulad kong napaka filipino-ish ng pangalan ay napilitan akong mag provide. Kenny ang napili ko. May kapangalan na ako na Kenny rin ngunit matagal ng nag resign, kaya naman pinanindigan ko na na Kenny.

Sa tuwing pag may kausap ako sa phone ay laging Ma'am ang address sakin ng mga customer. Hindi ko na sila kinokontra, although nasabi ko na na Kenny ang pangalan ko ay Ma'am parin sila ng Ma'am sa akin. Ride nalang ako. Pag mahina kasi ang boses ko ay nagiging boses babae at grabe rin akong mag pronounce sobrang landi. Strategy ko narin to upang hindi mapagkamalang bumbay at para makatipid narin ng boses.

Becky: Teh, narinig ko recorded call mo ni loud speaker, gurl akala ko babae yung agent. Ikaw pala..kaloka ka.

Tunay nga na na master ko na ang pag gamit sa boses ko. 
Ispiration ko si Kenny ng South Park.

2 comments:

  1. Naala ko bigla si Kendra mo. Hahaha.

    ReplyDelete
  2. Lol! Sis' kamusta na ano na nga pala nangyari sa blog mo? Hindi ko na ma view : )

    ReplyDelete