Three months after the dreaded Ondoy Baboy. Bumalik na ako sa Provident. Sa kadahilanang masyadong malayo ang Antipolo sa pinapasukan ko noong Call center.
Si utol at si bayaw lang ang nakatira noon sa Provident. Sa kabilang bahay ( same compound ) Ayos na mga electrical wiring nang mumunti nilang bahay, samantalang wala pang wiring ang bahay namin. Kaya naman bumili ako ng pagka haba-habang extension cord, upang magkakuriente ang kuwarto ko sa second floor. Madilim at malaki ang bahay namin, at laging pinaghihinalaang may multo. Takot si utol at ang asawa niyang mag stay doon. Kaya naman enjoy ako mag-isa. Masaya nako sa isang bumbilya, electric fan, at isang radio transistor. Nilimas kasi nang hayop na Ondoy na yan ang lahat ng gamit naming mag-anak.
Alas tres ng umaga ang pasok noong mga panahong iyon. Walang ilaw sa buong bahay, kuwarto ko lang ang meron, kaya naman pag-maliligo ako sa madaling araw, ay kandila ang gamit ko sa banyo namin sa second floor. Hindi ako natatakot. Teritoryo namin yun. Ang mga maligno at ipakto ang dapat matakot sakin dahil baka sigawan ko lang sila with matching headtone mala- Mariah Carey.
Habang nagsisipiliyo ako ng mga ganoong oras, gamit ang kandila, after maligo ay tinatagalan ko rin ang pagtingin sa salamin pag mga ganoong oras. Ipakta kasi yung kapitbahay namin, may nagpakita daw sa kaniya sa salamin doon sa baniyong pinagliliguan ko. Asa naman akong magpakita rin yung kaluluwang yun. Kung meron nga. Pero paminsan I have this really really weird feeling na parang pinagmamasdan ako. Praning lang siguro ako.
Mga 2:30 a.m nako nakaalis ng bahay noon. Noong mga panahon iyon, tuwing sasapit ang 10:00 ng gabi ay nagsisimula ng mag-Orchestra ay mga Aso sa Provident; Alulong ang mga aso kung saan-saan. Siguro, sa kadahilanang maraming nangamatay sa area namin. Nakakasanay pala yung ganoon. Parang wala nalang pag nagtagal.
Ayun na nga mega-walk ako papuntang labasan ng gate ng sub-division namin.Madilim, mistulang ghost town ang Provident. Sa street namin ay kakaunti lang ang namatay. Lagi kong dinadaanan papalabas ng sub-division ang isang bahay na may namatayan. Ang Istorya ay: Binalikan kasi nung matandang lalaki yung mga papeles noong kasagsagan ng Ondoy, kaya ayun nakulong siya doon sa bahay nilang bungallow.
Ayun na nga, papalabas ako noon ng sub-division going to work. Malayo-layo palang ay aninag ko na ang isang itim na aso na mega alulong. At dahil nagmamadali ako ay hindi na ako nakapagisip nang kung ano pa. Habang palapit ako sa kinatatayuan ng aso ay na-realize ko na Puno (Tree) pala ang ina-alulungan ng aso. At ang puno ay nakatayo sa labas ng bahay nung na-dedbol na matandang lalaki. Nanlaki lang mata ko pero wala naman akong nakita. May Option naman ako eh, puwede akong dumaan dun sa Main Street, kaso mas naka-pangingilabot doon. Gawa nung mga baklang parlorista na mahilig mang-terorize ng mga lalakihang nagdadaan doon pag ganoong oras. Hayop na mga baklang iyan nakikipag-sabayan pa sa mga multo. Ang kapuputi ng mga mukha na nangingibabaw sa gitna nang matinding kadiliman. Bungi panga yung isa na hayop maka-ngiti.
No comments:
Post a Comment