Matagal ko na siyang ka-text. I cant't really remember. I am sure mga around 6 months na kami constantly magkatext. Ay ako lang pala ang masugid na nagungulit sa kanya.
Taga Ilo-Ilo siya. Gragraduate na ng pagdodoktor. Hangang Isang araw nasorpresa nalang ako ng nagkaroon ng chance na magpa- Manila siya. May aatendan siyang special occasion sa Cavite kung nasan ang mga kamag anak niya. Three days lang siya at babalik na rin sa Visayas.
Cool ang naging pagtatagpo namin. It was not romantic, very casual as friends. Unlike noong magkatext kami mas may attachment maski papaano. I guess we are cool as friends, it didn't turn out as well. We are cool, pero walang spark. We just don't like each other romantically. We might click as friends. Ng magkasama na kami higit kong naramdaman ang agwat namin. Higit pa sa dagat ang distansiya namin sa isat-isa. I did my best na wag maging awkward ang ilang oras na pagsasama namin, I managed to pull it of. Deep in my heart Im aware that is our first and last meeting. And we did not text each other again.
No comments:
Post a Comment