It was summer during one of my early highschool years ( Around 97-98 ) When one of my kababata dito sa neighborhood introduced Magic The Gathering to us. Hindi nag tagal ay lahat na kami ay meron ng sari sariling decks. There are 5 colors. Green, Blue, Black, White and Red. Ang napili ko ay Green which represents Land animals, faeries, Forest elementals and Elves. In short at that period of time ay sobrang hook-up kami, since maski na wala kang pera ay makaka buo ka ng deck. At that time it was that affordable.
Nawala ang craze.
Bumalik ulit ito nung college days ko. Nag construct ulit ako ng deck. Napili ko naman ang white which represents Humans, Angels, Good stuff etc. Nag karoon kasi noon ng hobby shop sa loob ng subdivision namin kaya bumalik ang craze. But it was short lived.
2009. At dahil nakalimutan ko na ang Magic cards ko noon ay pinabayaan ko nalang itong mabaha. Isang kahon yun ng sapatos. Ayun at dahil puro putik na at tinapon ko ito after the flood.
2012. ( Last Year ) Nag start ulit akong bumuo ng decks at kahit na walang kalaro ay sige parin ang bili ko. Nakabuo na ako ngayon ng 5-6 decks. At dahil may pera ay bumuo ako ng deck bawat kulay. Kanina lang ay nag splurge na naman ako ng kaunti. Meron kasi dito malapit sa amin sa Robinsons Metro east. Dumadayo rin ako ng Mega Mall. Just to look kung anong meron silang cards. It's fun constructing decks. Makakahanap rin ako ng kalaro someday. Hindi pa kasi pang competition ang mga decks na binuo ko. I just want to play for fun at believe me gagana talaga utak mo pagnaglalaro ka nito. Kelangan rin kasi ng diskarte.
Kung bubuo ka ng Deck ay White, kasi malakas ang White. Yun lang.
Hi! Saan po kayo located? Vista Verde newbie here :) looking for a playgroup
ReplyDelete