Friday, October 28, 2011

lost soul

Itago nalang natin sila sa pangalang Kimberly at Tomas. Si Kimberly ay matagal ko ng kaibigan,
habang si Tomas ay naging kaklase sa Kolehiyo. Nangyari ito dalawang taon na ang nakakalipas.
Namatay ang unang anak ni Kimberly ilang araw palang ng ipinanganganak ito.
Pinanganak ang bata ng may butas sa puso, marahil narin siguro gawa ng labis na paninigarilyo ni Kimberly habang ipinagbubuntis ang bata.

Sa kasawiang palad ay nalaglag naman ang kanyang pangalawang dinadala, sumama ang fetus habang siya ay umiihi at muntik na niya itong ma-flush sa kubeta.

Tulad ng karamihan ay hindi na nila ito maipalibing ng maayos, gawa narin siguro ng kakulangan sa pera ng mga panahong iyon.

Inilagay ng mag asawa ang sangol sa isang bote na may gamot. Napag disesyunan ng dalawa na ilibing nalang ito sa mismong ng puntod ng yumaong lolo. Kinabukasan ay nagtungo ang dalawa sa napagkasunduang lugar. Habang nagtatalo ang dalawa kung pababasbasan ba ito sa pari o hindi. Naghukay si Tomas ng di kalaliman na hukay. Saksi si babae ng ibaon at tabunan ito ng lupa. Habang paalis ang dalawa ang bahagyang nakaramdam ng kakaibang lamig ang dalawa.

Nagtaka ang sila, dahil ang araw ay tirik at maalinsangan ang panahon.
Nang makauwi ang dalawa sa kanilang tahanan ay napansin muli nila ang kakaibang lamig
Sa ikalawang pagkakataon itoy kanilang binale wala.
Habang nananalamin si lalaki ay napatingin siya sa ibabaw ng istanteng katabi ng salamin.
Napansin niya ang isang pamilyar na puting supot na animoy hinugot sa lupa.
Agarang tinawag ni Tomas si Kimberly.
Parehong kinutuban ang dalawa habang magkahawak ang kamay.

Naglakas ng loob si lalaki na kunin ito at tingnan.

Sa kanilang kilabot at surpresa,

na ang laman nito ay ang bote ng fetus na kanilang ibinaon sa lupa.


Hangang ngayon ay palaisipan parin kay kimberly kung papaanong nangyaring yun.
Maraming pusibilidad ng sumagi sa isip nila at sa akin,
ngunit hangang ngayon ay nananatili parin itong misteryo
Sa kasalukuyan ay meron ng anak ang dalawa. Ang pangalawa kong inaanak.
Hindi parin namin maiiwasang magisip hangang ngayon kung papaano
at bakit nagyari yun, marahil, meron itong mensahe na nais iparating.

*Isang dekada ko nang kilala si Kimberly at sa pagkakilanlan ko sa kaniya ng sampung taon ni isang beses ay di pa siya nag kuwento ng echos sa akin. Maski na limang taon na ang nakakaraan ay naalala ko parin ang bawat ditalye ng kwento niya. Naalala ko patin anglabis na takot at kilabot at matinding emosyon sa mga mata niya ng ikinukuwento niya ang pangyayaring ito.

I've been saving this post for this coming holloween. Holloween is my favorite time of the year.

5 comments: