Fighting fish yung may bilog. Lumaki ako na addict sa mga hayop, 29 years of existence ay naalagaan ko na ata lahat ng hayop na domisticated at yung iba hindi, katulad ng ahas. Mula sa itik, manok, pato, pabo, daga...
Ngunit ang pinakamalupit ay ang chicken hawk at ahas. Nagkaroon narin ako ng fishpond noong grade 4. Adventurous rin kami ni utol nung bata pa kami ay nanghuli kami ng alupihan at sinubukan naming alagaan, nahuli kami ni uncle noon, humagalpak si uncle sa katatawa ng makitang nasa fishbowl ang pobreng alupihan (centipede, poisonous), habang nagkukumahog lumangoy ang alupihan ay hinihipan ni utol ito gamit ang isang straw ng sofdrinks, Para daw may Oxygen ito ang wika ni utol kay uncle.
Sa kasalukuyan ay ito ang mga pets namin:
2 Aso
4 lovebirds
1 Carp ( in my room )
5 fighting fish ( in my room all in separate containers )
2 guinea pig ( in my room )
2 common land turtle ( pagala-gala sa garden )
2-3 Mga pusa ng kapitbahay namin na laging tumatangay ng ulam.
Uy may zoo! Hehe.
ReplyDelete@ mugen: Hehe mini zoo : )
ReplyDelete