Wednesday, August 1, 2012

ron

Tunkol ito sa uncle ko. Mediyo malayo ko na siyang kamag-anak, tito ko siya pero mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Huli ko siyang nakita noong January 1, 2012 habang akoy nagbabakasyon sa Bicol, binyaga noon ng anak ng pinsan ko at kinuha akong ninong.

After a few months around March ay nabalitaan ko na nasangkot sa patayan itong tiyuhin kong ito. Ang Istorya ay dumalo daw itong tiyuhin ko kasama ang mga kaibigan niya sa isang pistahan sa isang liblib na Barangay. Nagkipaginuman sila doon sa mga locals sa isang tindahan. Ng oras na ng bayaran ay doon na nagsimula ang patayan. Nabaril, napatay  ang isang buntis na kambal daw ang anak . at dalawa pang kamag-anak nito sa barilan. Sa kasamaang palad ay ang tinuturong salarin ay ang tuyuhin ko at inamin niya rin na sa kanya ang baril. Ngunit ayon sa kanya ay yung kasamahan daw niya ang namaril at ginamit lang ang baril niya.

Hindi ko alam ang totoong istorya, wala naman ako dun. 29 palang siya at sayang ang buhay niya. Hindi ko siya kayang husgahan wala ako doon ng nangyari ang krimen. Sana lang ay lumabas ang katotohan at maparusahan ang dapat maparusahan. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi ito nabalita sa TV ang ganitong kalalang pangyayari. Grabe ilang beses ko pa nakasama ang taong ito sa inuman tuwing magbabaksyon ako roon.

Nanatiling Taboo ang usapang ito sa lahat ng mga kamag-anakan ko sa probinsiya. Merong ngabang itinatago? Ano ba ang katotohanan. Malalaman ko rin balang araw.

No comments:

Post a Comment