Saturday, August 25, 2012

goodbye dolls


I am very sad at this point. Nadiscover ko na inamag na ang katawan ng ilan sa mga dolls ko. Yes Amag na dumadale at kumakain sa Plastik na katawan nila ( vinyl plastic ).
At ang masama pa nito ay kulay itim ang amag. Na mstulang marka ng pentel pen. Buti na lamang at apat pa lamang sa mnga manikha ko ang apektado. Ngunit lahat sila
ay espesyal sakin. Napilitan tuloy akong ihiwalay ang iba sa mga ulo sa katawan nila upang hindi ma contaminate. Hayy kaya naman ito napilitan akong ibalot sila ng plastic isa-isa upang hindi magkahawaan. Hindi na kasi matatangal ang fungus/amag, permanent na. Sinubukan ko ng lagyan ng suka at ng fungi cream
ang mga marka. Sinubukan ko narin lihain ngunit wala ring epekto. ( nakuha ko lang rin ang mga tip na to sa google ) Ngunit wala talaga. Malalim na, kung baga nanuot na ang mga fungus sa katawan nila.For the moment hangang hindi pako nakakahanap ng solusyon ay titigil muna ako sa pangongolekta. Sayang lang kasi. I am very devastated. Hindi ko rin malabhan ang mga damit nila na umabot na sa tatlong plastic doon kasi nangaling ang fungus sa mga damit. Hindi pala talaga tinatago dapat ang mga manikha. Ang dapat sa kanila naka display at nilalabhan ang damit. Hindi ko naman sila pwedeng i-display kasi wala namang nakakaalam dito sa bahay na marami akong manikha sa loob ng cabinet. Mga mummy muna sila ngayon.



Goodbye muna mga dolls, sa ngayon lang.. someday bubuhayin ko ulit kayo.

4 comments:

  1. awts bff, hamo makakagawa tayo ng mga mas maayos pa..itago mo muna yung mga damit nila, makakagawa tayo ng mas magagandang manika

    ReplyDelete
  2. Awww I wanna help you. Pero sana nga naka-display sila. Hindi ba talaga pwede? I think I can relate on how you feel about your dolls. I hope they'll be okay soon.

    ReplyDelete
  3. @Desole: Thanks. Yup no worries I know I can save them somehow. Thank u : )

    ReplyDelete