Saturday, June 30, 2012

at the beginning ( wonderful journey )


I have deleted my old blog. I started blogging way back in 2007 or to be precise it was I believe, December of 2006, well around that time. With the encouragement of one of my friend/blogger Joms. Ngunit, subalit dapatwat ay si-nave ko naman lahat ng mga post ko from that old blog. Ito yung una at mga pinaka-unang pinost ko. Grabe, its been quite a long time since I started blogging. I have no plans to stop! Pang habang buhay nato. Matagal naring naka-draft tong post nato.


===

I'm Rikuo the Tikbalang Slayer!

Teka tsk tsk, dehinz ata ako marunong magsulat.

hmmm paano ba to? hindi ko talaga alam.

ahh basta, basta! magsusulat ako!

walang paki elamanan, kanya kanyang trip lang.

Nakakapikon.

( Hindi Mapakali )

===

Ouch!

Tang Inang Kulangot to'...

AHA! Alam ko na tubig!...

Ready na to', Malambot na.


Sheeet Ouchies!


*Sabay tingin sa malaking kulangot sa daliri.

Nanlaki ang mata.
Bulong sa sarili: Puta! Naubos ko ata buhok ko sa ilong.

-Based on actual events.
====

My Brother has a friend name Brian. He was tall and morbidly obese

It was all saints day and they decided to take a stroll at the cemetery.

From a far they saw Brian.He ran towards them

While running an old lady shouted: " HOY! ABA MAG BRA KA NAMAN! "

He has this humongous man boobs lol!

===

"Creme Brulee"

Riverbanks Marikina, Nasa Zagu ako Tinitingnan ko ang list ng mga flavors.

Natawa ako sa Isang Flavor, Grabe and ngiti ko at hindi ko masabi sa tindera na yun

ang oordirin ko. Natawa rin yung tindera. Hangang nabigkas ko na " Miss Isang Creme Brulee"

Napronounce ko naman ng tama : "Creme-Bru lei".

Ang Dahilan ng aking biglang pagtawa:

Naalala ko yung isa sa mga porn ko. M2M na habang dinidilaan ni guy1 ang butas ng puwit ni guy2

ay binangit ni guy1 ito: "Sweeeet taste like good o'le Creme Brulee".
===

"Tikbouy"

I caught my friend Tikboy licking the screen of the computer's monitor.

I took a peek and to my surprise,

there was two hairy balls on the screen.

He didnt notice me,

for his eyes were wide shut while doing the tongue action thing.

I imagined pouring hot coffee on his face.

But i didnt do it.

Instead i surprised him with a loud, "HOY GAGO BAWAL YAN!"

Saturday, June 23, 2012

bump on the road

It started with a sharp pain on my neck. Of course I ignored it.

Then two days later ay napansin ng nanay ko ang malaking bukol sa  lower left side ng leeg ko.

" Hala anak ano yan!? " Pa check up kana agad!

I was too tired and stressed out to even notice na tinubuan na pala ako ng bukol sa leeg.

Siempre research agad ako sa google. At siempre puro kapraningan na tungkol sa Cancer ang mga lumabas sa search engine.

Pumunta narin ako sa clinic ng office namin baka sakaling common lang ito. Sabi ng nurse pacheck up daw ako. Nagulat rin ang nurse sa bukol sa leeg ko. " Bakit ang laki? " Ay naku muntintik ko ng masagot siya ng. " Ay naku hindi, kaya nga ako nandito diba? ".

Tinanong ko narin ang mga opismates ko. Baka kulani lang daw. Dawww??? Hindi pa daw sila nagkakaroon ng bukol sa leeg. At kung kulani ito eh diba dapat sinisipon ako.

This coming friday ay magpapacheckup ako, sakto ring unang sweldo. Baka kasi himalang mawala ang bukol within a week. Sayang naman ang pera.

Natatakot ba ako? OO, siempre, baka kung ano na ito. Wag naman sana knock on the wood.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit sumasakit ang mga ngipin sa lower left side. Araw araw ay sumasakit sila. Nagsimula ito noong huli akong magpacleaning.

Thursday, June 21, 2012

willie wonka epic

Umaga palang ay tino-torture nako ng tiyan ko, marahil resulta ito ng paglantak ko sa hilaw na manga at bagoong bago matulog. Hindi tuloy ako makapag concentrate maghapon.
Hangang sa katitis ko, ayun na, bumigay na. napa-utot ako at nasabayan ito ng kaunting Milo everyday.
"Shitt!! Anung gagawin ko! Manipis pa naman ang light brown na slacks na suot ko ngayun.
Labis na sumakit ang tiyan ko at nararamdaman kong, malapit ng pumutok ang bulkanology.
Nagsugal ako.
Bahala na si Willie wonka at ang batalyon ng chocolate factory workers.
Tumayo ako sa work station ko na nagdadasal na hindi sana tumagos ang Milo everyday.
Deri-diretso ako sa toilet at pinasabog ko na si Willie Wonka.
Naging maingay ang process dahil sa dami ng choco-lite na lumabas sa butas ng puwet ko.
Wala nakong paki alam sa kung sino man ang kesihudang nabahuan at nakarinig na maliliit na pagsabog.
Nakaraos din. daig ko pa ang natangalan ng tumor sa dibdib.
Now the crucial part.
May Milo everyday ang brief ko pero kaunti lang, suwerte na hindi ito tumagos sa slacks kong manipis.
Inisip ko na pag tinapon ko ang brief ko ay babakat ang boner ko. Hindi ko kayang walang brief. Hindi ko ma control ang boner ko at isa pa masakit ang walang brief, lalo na kung tumatama sa zipper ang sensitive kong putotoy.
Pag hindi ko naman hinubad ang brief ko ay mamaho ako- yukkkks.
Napagpasyahan kong hubadin ang brief ko, at i-despose nalang.

*officematehoottie11: Uwian na bat dikapa tumatayo?
( Hindi ako makatayo, dahil nakatayo ang titi ko )

Incident number two: One more time!

Wala palang tissue sa cubicle nato, sa kamamadali kong ilabas ang Milo everyday ay hindi ko na ito napansin.
Gagamitin ko nalang ang mediyas ko, Pero teka, meron pa akong isang pirasong tissue sa bulsa ko, courtesy of Chowking.
*Sa maniwala kayo't hindi ay napagkasya kong ang isang pirasong tissue. * Use your imagination haha!

Monday, June 18, 2012

cruelty


"Love and respect animals as you love and respect other people. We are all created equal."-me
I don't really understand treat animals this way. Para sa akin ay sila ang asal hayop! Sila ang mga tunay na ani-Mal. As more intelligent beings, we should always undertand, protect and love animals.


***

Kamusta naman training? Eto ayus naman. New set of co-leagues. I'll do my very best to pass. Hopefully ay magustuhan ko yung account. Sana eto na.

***
June 25, 2012
Meron akong ka-fling ngayon. Tago na lang natin siya sa pangalang Yuki. Nakilala ko siya noong June 6. At ngayong araw na ito ay huminto na siyang magparamdam. Kasalanan ko rin, hindi ko siya masyadong binigyan ng importansiya, wala akong time at wala rin naman akong masyadong nararamdaman sa kanya.

Oh, well thank you for being sweet and I hope to see you again sometime. At least we tried. Maybe we could be friends someday? Walang naganap na sex only sweet kisses.

Saturday, June 16, 2012

wiccan






Wiccan is my favorite Marvel character. His powers are related to Witchcraft. He is the protege of The Scarlet Witch Daughter of Magneto.Why I love his character so much?

1. I love his costume and I love wearing scarfs whenever I can!
2. Of all the Superhero characters hes the only one that I think I resemble.
3.I love his super power.
4. Hes bullied during his younger years.

5. And most of all hes GAY!!!!! Syota na si Hulkling ( young version ni hulk )
Bonga talaga siya! Yun lang!

Wednesday, June 13, 2012

straight as a ruler

Everytime na aaminin ko sa isang bagong kilala  na I'm Gay ay hindi sila convince. Paminsan ay sinusundan pa ito ng malakas na tawa o ng isang matinding Weh! Lagi na pag may nakikilala akong PLU ay unang tanong sa akin kung straight ba daw ako. I easily confuse anyone. Girls are attracted to me because of my sense humor and cutiepie looks. Bad, radical guys are drawn to me because they think that I am one them. Especially ngayon na tinalikuran ko na ang pagiging fashionista. Being a Fashionista for me is a dead give away. Effortless getto na ang fashion statement ko ngayon.

In public. I act, I think I project like any average guy.Sometimes higit pa sa isang tunay na lalaki. I never show that I am vain.  I may love fashion and Regine Velasquez. But I also know a lot of guy stuff, life guy music, games like Dota, Diablo, Warcraft. Magic Cards ( Mana the gathering ) Etsetera.

Guys are very confortable with me. Because I never cross the line and I never will, Thats my number one rule. I am lovable because of my sense of humor. I know how to respect and get along with almost anyone regardless of who they are.

It really feels good that people look you as a normal person. I am not plastic or pretending. It just comes naturally. I love to be safe. Pero pag-usapang basketball na I automatically shut down. I nosebleed. What the hell are they talking about?

I don't intend to confuse anyone. But this is me. Boy on the outside, little bitchy princess in the insides.
Everyday, I am discovering, knowing, learning more about who I really am. Someday I'll have a full understanding of myself.

I am the opposite of effeminate.They have no idea that I have boxes of Barbie dolls in my closet.
It's really great that I get to enjoy the best of both worlds. Haha. Parang Hannah Montana lang.

Wednesday, June 6, 2012

water damage ( last part )- " faith "

Magnanakaw Magnanakaw!

Nagising kami. Nagsisigawan ang mga kapitbahay namin dahil  maski 20 feet ang tubig ay umeksena parin ang mga magnanakaw. Mga nakasalbabida tinatangay nila ang mga lumulutang ng Slide at swing na yari sa plastic. ( Yung mamahalin pang playground ). Isang bahay lang kasi ang pagitan namin sa isang kindergarden na skul. Grabe san ba nangaling itong mga hybrid super magnanakaw. Hindi parin nagpatila ang mga magnanakaw at tuloy parin sila.

Akala ko pa na may malaking isda sa kuwarto dahil parang may tunog na lumalangoy. Yun pala kutson lang. everytime na nagpapalit ako ng pusisyon sa kama ay napipiga pala ang tubig. Dun pala galing yung tunog nayun. kinabahan talaga ako.

Naidlip ulit.
Pagkagising ko ay umaga na.

Doon tumambad sakin ang katotohanan na ang lahat ng material na bagay na pinaghirapan ko ay wala na.
Lahat ng gamit namin ay balot ng putik
Ang tubig sa first floor ay medyo mataas parin. Nakuha ng kapitbahay namin ang Coleman na nilagyan ng mga pagkain. Nakalimutan kasi itong itaas nung nagpapanic na ang lahat. Binigyan rin kami ng mga dilata na nabasa ng baha ng kapitbahay naming tindahan. Nagsalo salo kami sa kaunting pagkain. Sa kalkula ko ay mahigit 20 hours nakong walang kain nun at wala rin inum ng tubig.

Pagkatapos ng ilang oras ay dumating na ang tiyuhin ko upang sunduin kami. Nag-alala lahat ng kamag-anak namin dahil walang maka-kontak sa amin. Nawalan kasi ng signal at naubos narin ang mga battery ng phones namin.

Lumabas ang aking nanay ng bahay  at hindi sinasadyang ma-interview ng media. Napanood ng ilang kamag-anak ko sa probinsiya ang aking ina na iniinterview. Sayang at hindi ko napanood.

Naiwanan parin sa kisame magisa ang lolo ko na mayat maya ang tawag sa mga pangalan namin, Hindi namin siya maibaba dahil lahat kami ay wala ng energy. Kailangan tumawag ng tulong. Shortly dumating ang mga Marines. Mga Lima. Hirap na hirap silang ibaba ang lolo ko dahil masakit ang nanigas na katawan niya. Nagwawala ito sa konting hawak lang. Nasampal pa ng lolo ko ang isa sa mga Marino. Nagsusugat narin kasi ang balat ni lolo.


Hindi ko na nakita ang mga namatay. Maaga palang kasi ay dinala na lahat ng namatay  sa Gate ng subdivision namin.Tinatayang lumagpas sa 100 ang death toll sa subdivision namin. Ang subdivision rin namin ang pinakanasalanta sa lahat. Ondoy is associated with Provident village. ( Picture sa taas: Ang nagsixty nine na kotse na nag land sa front cover ng Philippine Star ay sa dalawa kong kaibigan na pawang empleyado rin ng B*t*xt.

Ang kapatid kong babae lang ang hindi nakaranas ng Ondoy. Napagusapan na kaya siya lang sa amin ang hindi nakaranas nito ay dahil siya nalang ang nagsisimba sa pamilya namin.

It's amazing how many eventful things can happen overnight.

Monday, June 4, 2012

water damage ( part four )- "titanic"


Lalo pa tumaas ang tubig. Na ilang inches na lang sa dibdib ko. I stand 5'7. Buti nalang at may nakapansin na meron palang lagusan sa banyo ng second floor namin. Lagusan ito papuntang kisame. Agad na tumungtong ang kapatid kong lalake at sinuntok ang lagusan. Agad namang tumalbog ang takip ng lagusan
na mistulang nakapatong lang. Nabuhayan ng loob ang lahat. Inakyat ni Attorney at ng kapatid ko ang kisame.

Kailangan namin ng pang bungkal ng bubong! Kailangan mabutas ang bubong kasi baka ma-trap kaming lahat sa kisame pag tumaas pa ang tubig. Maski na natataranta ang lahat ay we have to think ahead. since about more than 20 feet na ang taas ng tubig.


Agaran akong sumugod sa kuwarto ko na mistula ng swimming pool at lubog na sa tubig putik ang lahat ng naipundar ko. Imagine second floor nasa dibdib na ang tubig baha.

" Nanaginip  ba ako at nag da-dive nako sa kwarto ko?" Ang wika ko sa aking sarili.
Buti na lamang at alam ko kung saan nakalagay ang bakal ng weights at nakapa ko agad ito maski na kulay tsokolate ang tubig.
Bumili kasi ako ng pang bench press a few months before the incident.

Nang nakuha ko ang Bakal ay inabot  ko agad ito sa kapatid ko.
Halos magkasugat sugat ang kamay ng kapatid ko sa paghampas ng yero, pero parang wala. Matibay ang bubong. Dahil lumang na ang bahay namin ay matibay ang yari ng bubungan.
Halos mafold ang bakal na pambungkal. Manipis kasi ang pagkakagawa nito. Bahagya pa lang ang bungkal ang yero.

Hangang tumulong ang kapitbahay namin sa right side. Nasa bubong narin sila. Nilatagni kuya ang hagdanan niya upang tumulay sa bubungan namin.
May dala rin siyang pambungkal. Ayun, sa wakas nabutas narin  ang bubungan namin.

Paglabas ng utol ko sa bubong ay napasigaw siya ng " I'm alive! ".
At dahil malamig ang tubig ay sumunod nito ay ang pag-akyat namin lahat sa kisame. Gamit ang isang lamesa at upuan
ay nakaakyat kami sa kisame ng second floor. At dahil nanigas ang katawan ng lolo ko ay isa siya sa pinakahuling ini-akyat sa
Tinalian namin siya ng mga kumot at tsaka hinatak papunta sa kisame. Buti na lamang at marami kami.

Lahat kami ay nasa kisame na. Lumabas ako sa butas ng bubong kasama ang kapatid ko. Amaambon lang, maliwanag ang sikat ng buwan. Parang eksena sa pilikhulang Titanic. Sa liwanag ng buwan ay kitang-kita ko ang mga kapitbahay na pawang nasa bubungan ng mga second floor nila. Hindi ako makapaniwalang buhay kami at hindi rin ako makapaniwala sa sinaryo na mistulang pelikhula. Nagmistulang Venice Italy ang Provident. Tahimik ang gabi. Maliwanag ang sikat ng buwan. Para talagang eksena sa sine.

Malamig ang simoy ng hangin at umaambon ambon pa. Bumalik na kami sa kisame upang magpahinga.
Eksena sa kisame: Wala na sa sarili ang lolo, marahil narin siguro sa katandaan at wala na na siyang idea kung ano ang nangyari. Akala niya siguro ay nasa tent kami. Dahil higis Tent ang kisame. Kung ano- ano na ang pinagsasabi niya at lahat kami ay pawang natatawa nalang.

Marupok na ang kisame at kailangan at sa mga halige kami nito nakaupo. Hangang medyo nakaidlip na ang karamihan. Nakatulong ang katulong namin at nakalimutan nito na dapat sa haligi lang dapat naka tungtong. Bumigay ang bahagi ng kisame. Just in time na nahawakan ng nanay ko ang kamay niya. Nahulog naman sa tubig ang pinaghirapang isalbang cellphone ni Inday. Ayun nabasa rin ang pinaka-iingat ingatan niya.

At dahil nasa tuhod nalang ang tubig sa second floor ay napagdisyunan na ng iba samin na bumaba na sa kisame. Sosyal ang aso namin at siya lang ang hindi nabasa. Ipinatong kasi siya ng tatay ko sa kama nila. Lumutang ang kama pero basa ang kutsyon. Napagdesisyunan namin ni Mother na matulog doon para makaidlip ng kaunti. First time kong matulog ng katabi ang aso na mayat maya ang dila sa mukha ko.

Nakaidlip rin.

It's amazing na maski medyo hindi gusto ng mga magkakapit-bahay ang isat-isa ay na uunite sila ng mga ganitong pangyayari.

Sunday, June 3, 2012

water damage ( part three )- "darkness"


Pag-ahon namin ni Erpats ay tumambad sakin ang Isang Pamiliya. Pamiliya pala ito ni Attorney.
Lumalabas na 14 na kami lahat lahat sa loob ng bahay.

Lahat kami ay busy sa pag dungaw sa bintana.
at pagasikaso sa mga kapitbahay, isa dito ay isang lola na.
Grabe, malapit ng umabot ang tubig sa second floor, mga ilang inches nalang.
Hindi na namin inasahan na tutungtong ng second floor ang tubig.
Nakapagyosi pa ako ng isa. Enough time para mapagmasdan ang mga hitsura namin.
Pagkatapos ng ilang saglit. Ay laking gulat ko na bumubula na ang sahig ng second floor namin.
Hangang dahang dahan itong nagkatubig.

Busy na naman ang lahat sa pag asikaso at pag taas ng mga gamit sa mga patungan.
Inuna ko nang isinalba ang cellphone ko at mga importanteng papeles,
sa pamamagitan ng paglalagay nito sa pinaka tuktok na cabinet.
Mabilis ang tubig, at sa dami ng gamit namin ay hindi na namin alam ang uunahin.
Naisipan ko pang ilagay ang dalawa kong dvd player sa cabinet sa pag-asang hindi ito maabot.
Hindi ko rin naisipang isalba ang book collection ko na sobrang expensive at pawang mga regalo at bigay Including ang mga paranormal books collection ko.
Gawa narin sa napraning na ako. Mabilis ang mga pangyayari at pataas ng pataas ang tubig.

Hangang umabot nato sa bewang namin. Wala na ang mga appliances na pinaghirapan namin itaas, lahat ng appliances ko hindi nakaligtas including yung nasa cabinet. Hoplessly na pinagmasdam namin nalamunin ng tubig ang aming mga electronic prized possesions. Masakit nito ay Apat ang malalaki naming Television, to name a few.
Nilalamig na at naninigas na ang lolo ko. Nagtipon tipon ang karamihan sa kuwarto ng kapatid kong babae.
Ang kapatid kong babae ay wala sa bahay noong mga panahon na iyon. Nasa kaibigan niya somewhere sa QC. Nilagyan ng upuan ang gitnang patungan ng kabinet at doon inupo ang lolo ko.
Habang nakakapit ang dalawang kamay niya sa sabitan ng hanger.

Lubos na nagpapanic ang asawa ng kapatid kong lalaki at kung ano ano na ang mga pumapasok sa isip.
"Sabi ko naman umalis na tayo dito matagal na! " Ang wika niya sa kapatid ko.

"Tulong Tulungan nyo kami ang wika ng babae ng  na nakatira sa likod ng bahay namin. Bakal kasi ang bintana nila sa second floor at imposibleng may labasan. Hangang ngayon ay sariwa parin ang tinig ng babaeng nagmamakaawa kasama ata niya lola o isang sangol. Wala rin kaming magawa dahil maski marami kami ay na trap rin kami sa second floor. Tanaw namin ang  bahay sa kaliwang side na isang bakanteng lote ang pagitan. Nasa bubong na sila ng second floor at may akay pa na bagong silang na baby yung isang babae.
Pilit silang naghahagis ng lubid para tawiran namin ngunit masyado itong malayo. Masyadong malakas ang current ng tubig masyadong
malalim ang tubig. Nagsuggest ako na tumawid kami sa mga bubong. Ngunit imposible na. Lahat ay parang wala na sa sarili.

Biglaang sumulpot ang isang higanteng baboy na buhay pa. Nakatungtong ito sa bubong. Saan kaya galing yung baboy na yun?
sayang! Ilang saglit pa at lumubog na lahat ng appliances namin. At paikot ikot kami sa second floor, inoobserbahan ang tubig
sa lahat ng direksyon. Nakakamangha na nagmistulang orbit ang baboy na palutang-lutang na umiikot sa bahay namin. Nasa kabilang side na siya ng bahay at buhay parin.
Likas na marunong itong mag floating ang baboy.

Samantalang ako'y tahimik lang at na-bla-blanko.
Sa isip ko: " Ito naba ang katapusan naming lahat? Makukulong naba kami dito sa second floor?"
I can still vividly remember how I felt at that moment. Pure hoplessness. The funny thing is hindi ako ganoong natakot. To make things worse ay nagdidilim na. Nagaagaw na ang liwanag sa dilim.

Saturday, June 2, 2012

water damage ( part two )- "to the rescue"


" Ayon sa mga sabi-sabi ay isang matandang babae daw ang nanghingi ng inuming tubig sa isa sa mga residente dito sa Provident Village. "
Hindi daw nabigyan ng tubig ang matandang babae. Nagsalita daw ito ng pinagdadamutan mo ako ng tubig bibigyan kita ng maraming tubig. "


September 26, 2009
12:00 pm. Nagising ako sa matinis na tili na aking Nanay " Ayan na ang tubig!" Ayan na!". Tiningnan ko agad ang wallclock.
Tanghali na pero makulimlim parin. Agaran akong bumaba mula second floor. Baha na nga, hangang ankle ko palang ang tubig noon.
"Agad na inutos ni ina na I-turn off ang main power switch ng bahay-upang maiwasang may makuriente. Relax na relax kaming
nagtataas ng mga gamit sa mga lamesa. Sanay na kasi kaming binabaha at hindi na ito bago. Handa na ang pag-kain noon,
at dahil relax lang kami ay nakakain pa kami ng lunch.Sa harapan ng bahay namin sa veranda ay ipinatong ni Erpats ang aso sa ibabaw ng lamesa .
Pagkatapos kumain ay nag-yosi kami at nagkuwentuhan ni utol. relax na relax kami at parang natutuwa pa sa baha.
Mabilis na tumaas ang tubig at nasa tuhod na, Kitang kita namin ni utol na tumaob ang lamesa at mahulog ang aso sa tubig.
Agaran naming kunuha ang aso at dinala sa second floor.

Labis na bumilis ang dating ng tubig at nag-panic/naging busy na kami sa pag-akyat ng mga appliances at kung ano ano pa sa second floor.
Nakuha pa naming ipatong ang Refrigerator sa lamesa. Natapos na kami sa pag-akyat ng mga appliances. Mabilis ang tubig at noong mga time na iyon ay nasa second floor na lahat kami.
Eksakto rin lang ang dating ng Matandang lalake na kabarkada ng tatay ko na walang matakbuhan. dahil bungalow lang ang bahay niya.

Bibili pa sana si utol ng yosi noon ngunit buti nalang at hindi na siya tumuloy kundi baka hindi na siya nakabalik.
Hindi siya ganoon kagaling lumangoy.

Mula sa second floor ay may narinig kaming himihingi ng tulong. Pagdungaw namin sa bintana ay nakita namin ang isang pamilya hiwa-hiwalay na nakakapit sa mga
puno sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Malakas ang current ng tubig at tatangayin ka. Agad na bumaba ang kabarkada ni Erpats,
sumonod si Erpats at sumunod ako. Malalim na ang tubig, nasa bibig ko na. Paglabas ko sa gilid na pintuan namin may isang itim na ahas na nakapatong sa
isang lumulutang na bagay. May kalakihan ang ahas at naka striking position na sa kung sino man ang gagambala dito.
Napasigaw ako ng Ahas! Ahas! Nagalit si Erpats " Uunahin mo pa yang ahas may mga nalulunod na dito"
Hindi ko alam kung papano ko nalagpasan ang ahas na withing striking range lang, Habang nililigtas ni Erpats at ng kabarkada niya
ang pamiliya ay inutusan niya akong languyin ang limang garbage bag na lumulutang na palayo. Mahalaga daw ang mga laman nito ayon sa pamilya. Kaya naman mega langoy ako maski na
lagpas na ang tubig sa akin. Nalangoy ko ang apat o limang garbage bag at naipasok ko ito sa bahay. Maski na kakaiba ang current ng tubig at malakas ito.
Pagdating sa panghuling garbage bag ay malalim na ang tubig at lalong lumakas ang current, mahirap ng labanan.
Nakaabang sakin si Erpats na nakatungtong sa harang ng balkonahe ng first floor. Habang lumalangoy ay tinulak ko sa kaniya ang huling garbage bag.
Kinapos ako ng hininga at napagdesisiyonan kong bumuwelo. Dahil narin sa ngawit. Lumubob ako at itinapak ko ang paa ko sa lupa ng Garden namin. Shet ang lalim na nga talaga sobrang
lagpas na sa akin. Lumutang ulit ako pero this time, inabot na ni Erpats ang kamay ko sa pag-aakala niyang malulunod na ako.
Nalangoy ko nga yung limang garbage bag diba? Back and forth san kapa.

Pagpasok namin sa bahay ni Erpats ay Parang eksena sa Titanic na kaunti nalang ang space sa firstfloor bago ito mapuno ng tubig
Ang importante ay nakaabot pa kami sa second floor bago mapuno ng tubig ang first floor.
Kung nagtagal pa kami ng kaunti ay marahil naipit na kami sa first floor.

Friday, June 1, 2012

water damage ( part one )- "the day"


September 25, 2009
4 a.m. Dalawang oras na lang at matatapos na ang shift ko sa callcenter na pinagtratrabahuhan ko.
Masakit sa ulo ang trabahong ito, gawa ng walong oras ka tatangap ng tawag na walang humpay. Wala naman akong choice kun di
tiisin ang trabaho dahil maayos naman ang suweldo. Yunga lang every minute ng trabahong ito ay parang impyerno.

5:45 a.m. Kasalukuyan akong nasa telepono may kausap na customer. Maya't-maya ang tingin ko sa Avaya phone."Sa wakas,
matatapos narin tong shift ko, 15 minutes na lang! Habang nakikipag-dibate ako sa kausap kong Canadian ay pansin ko ang
kakaibang buhos ng ulan. Mistulang mga bato na walang humpay na bagsak ng tubig sa bubungan ng aming opisina. ( Second floor lang kasi, kaya rinig na rinig ko )
Hindi ako nag-alala noong mga panahon iyon, bagkos ako'y na mangha pa. Noon lang kasi ako nakarinig ng ganoong katinding buhos ng ulan na mistulang galit na galit.

Matagal ko nang pinangarap mag-trabaho sa kumpaniyang iyon at nung nandoon na ako ay na-realize ko na hindi pala biro,
ang trabaho, sobrang hirap, at dahil labis akong nahirapan pinangako ko sa sarili ko na mag-titiis na lang ako, mahirap maghanap ng trabahong malapit sa amin.
Anim na buwan lang ang target ko na magstay doon. For the sake of experience lang.

6:00 a.m. Sa wakas tapos na naman ang 9 hours na kalbariyo. Hirap tumangap ng tawag ng walang hinto. Nakakabaliw.
Katabi lang mismo ng opisina ko ang Marikina River, pag-labas mo sa opisina ay tanaw na tanaw mo na ang ilog.
Pag labas ko noon umagang iyon ay napansin kong mataas ang tubig sa ilog at umabot na ito sa mga lakaran sa gilid ng ilog.
Ngunit pinagsawalang bahala ko lang ito dahil, sanay na akong makitang ganoon ang ilog tuwing tag-ulan.

Nabuburiyo na ako sa buhay ko noon at walang ginawa kundi matulog at pumasok sa trabahong kasumpa-sumpa. Kaya bilang
aliw sa sarili ay nagtrip akong lakarin ang Riverbanks hangang Palengke at dahil malamig ang panahon at huminto na ang ulan
ay nilakad ko ito. Isa sa mga stress reliever ko ang paglalakad ng malayo. Layunin ko noong mamakyaw ng pirated DVD's. Hindi
ko ramdam ang pagod ng paglalakad mas dihamak na nakakapagod na tumangap ng tawag na walang hinto ng walong na oras.
Pag dating ko ng tulay ng Marikina, napansin ko ulit na mas lumala na ang tubig sa ilog, parang medyo mas malala siya. Pinagwalang bahala ko na lang ulit..

Palagpas ng tulay ng Marikina ay palengke na, agad akong nagtungo sa bilihan ng mga DVD. Pagkatapos makapili ng DVD ay agad
akong nagtungo sa pinakamalapit na grocery upang namili ng mga paborito kong snack na lagi kong ginagawa pag-sukdulan na
sa kaluluwa ang stress, kung baga reward ko sa sarili ko. Hindi nawawala sa listahan ang Oreo at Picnic in Ketchup.
Pagkatapos noon ay agaran akong sumakay na ng jeepney papauwi.

Masarap ang panahon, malamig, madilim ang langit, ganoon ang tipo kong klima.
Nanood muna ako ng DVD ni Celine Dion. A new day live in Las Vegas. Halos araw-araw ko itong panapanood noong mga panahong iyon.
Pagkatapos ng ilang kanta ay pinatay ko na ang TV at ang bago kong biling DVD player.Hangang nakatulog nako.
Wala akong kaalam alam na Isang matinding kaganapan ang kahaharapin ko pagkagicing ko.

Bumuhos ulit ang pagkalakas lakas na ulan at mabilis na akong nakatulog.