Friday, June 1, 2012
water damage ( part one )- "the day"
September 25, 2009
4 a.m. Dalawang oras na lang at matatapos na ang shift ko sa callcenter na pinagtratrabahuhan ko.
Masakit sa ulo ang trabahong ito, gawa ng walong oras ka tatangap ng tawag na walang humpay. Wala naman akong choice kun di
tiisin ang trabaho dahil maayos naman ang suweldo. Yunga lang every minute ng trabahong ito ay parang impyerno.
5:45 a.m. Kasalukuyan akong nasa telepono may kausap na customer. Maya't-maya ang tingin ko sa Avaya phone."Sa wakas,
matatapos narin tong shift ko, 15 minutes na lang! Habang nakikipag-dibate ako sa kausap kong Canadian ay pansin ko ang
kakaibang buhos ng ulan. Mistulang mga bato na walang humpay na bagsak ng tubig sa bubungan ng aming opisina. ( Second floor lang kasi, kaya rinig na rinig ko )
Hindi ako nag-alala noong mga panahon iyon, bagkos ako'y na mangha pa. Noon lang kasi ako nakarinig ng ganoong katinding buhos ng ulan na mistulang galit na galit.
Matagal ko nang pinangarap mag-trabaho sa kumpaniyang iyon at nung nandoon na ako ay na-realize ko na hindi pala biro,
ang trabaho, sobrang hirap, at dahil labis akong nahirapan pinangako ko sa sarili ko na mag-titiis na lang ako, mahirap maghanap ng trabahong malapit sa amin.
Anim na buwan lang ang target ko na magstay doon. For the sake of experience lang.
6:00 a.m. Sa wakas tapos na naman ang 9 hours na kalbariyo. Hirap tumangap ng tawag ng walang hinto. Nakakabaliw.
Katabi lang mismo ng opisina ko ang Marikina River, pag-labas mo sa opisina ay tanaw na tanaw mo na ang ilog.
Pag labas ko noon umagang iyon ay napansin kong mataas ang tubig sa ilog at umabot na ito sa mga lakaran sa gilid ng ilog.
Ngunit pinagsawalang bahala ko lang ito dahil, sanay na akong makitang ganoon ang ilog tuwing tag-ulan.
Nabuburiyo na ako sa buhay ko noon at walang ginawa kundi matulog at pumasok sa trabahong kasumpa-sumpa. Kaya bilang
aliw sa sarili ay nagtrip akong lakarin ang Riverbanks hangang Palengke at dahil malamig ang panahon at huminto na ang ulan
ay nilakad ko ito. Isa sa mga stress reliever ko ang paglalakad ng malayo. Layunin ko noong mamakyaw ng pirated DVD's. Hindi
ko ramdam ang pagod ng paglalakad mas dihamak na nakakapagod na tumangap ng tawag na walang hinto ng walong na oras.
Pag dating ko ng tulay ng Marikina, napansin ko ulit na mas lumala na ang tubig sa ilog, parang medyo mas malala siya. Pinagwalang bahala ko na lang ulit..
Palagpas ng tulay ng Marikina ay palengke na, agad akong nagtungo sa bilihan ng mga DVD. Pagkatapos makapili ng DVD ay agad
akong nagtungo sa pinakamalapit na grocery upang namili ng mga paborito kong snack na lagi kong ginagawa pag-sukdulan na
sa kaluluwa ang stress, kung baga reward ko sa sarili ko. Hindi nawawala sa listahan ang Oreo at Picnic in Ketchup.
Pagkatapos noon ay agaran akong sumakay na ng jeepney papauwi.
Masarap ang panahon, malamig, madilim ang langit, ganoon ang tipo kong klima.
Nanood muna ako ng DVD ni Celine Dion. A new day live in Las Vegas. Halos araw-araw ko itong panapanood noong mga panahong iyon.
Pagkatapos ng ilang kanta ay pinatay ko na ang TV at ang bago kong biling DVD player.Hangang nakatulog nako.
Wala akong kaalam alam na Isang matinding kaganapan ang kahaharapin ko pagkagicing ko.
Bumuhos ulit ang pagkalakas lakas na ulan at mabilis na akong nakatulog.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
oh dear...
ReplyDelete@ dn: kamusta ka naman sis' nu na balita sayo : )
ReplyDeleteeto magba-bar na. grindr in between review LOL
ReplyDelete@Dn: wow! Congrats sayo sis!!
ReplyDeletehaha salamat. kaw? kamusta ka naman?
ReplyDelete