Monday, June 4, 2012
water damage ( part four )- "titanic"
Lalo pa tumaas ang tubig. Na ilang inches na lang sa dibdib ko. I stand 5'7. Buti nalang at may nakapansin na meron palang lagusan sa banyo ng second floor namin. Lagusan ito papuntang kisame. Agad na tumungtong ang kapatid kong lalake at sinuntok ang lagusan. Agad namang tumalbog ang takip ng lagusan
na mistulang nakapatong lang. Nabuhayan ng loob ang lahat. Inakyat ni Attorney at ng kapatid ko ang kisame.
Kailangan namin ng pang bungkal ng bubong! Kailangan mabutas ang bubong kasi baka ma-trap kaming lahat sa kisame pag tumaas pa ang tubig. Maski na natataranta ang lahat ay we have to think ahead. since about more than 20 feet na ang taas ng tubig.
Agaran akong sumugod sa kuwarto ko na mistula ng swimming pool at lubog na sa tubig putik ang lahat ng naipundar ko. Imagine second floor nasa dibdib na ang tubig baha.
" Nanaginip ba ako at nag da-dive nako sa kwarto ko?" Ang wika ko sa aking sarili.
Buti na lamang at alam ko kung saan nakalagay ang bakal ng weights at nakapa ko agad ito maski na kulay tsokolate ang tubig.
Bumili kasi ako ng pang bench press a few months before the incident.
Nang nakuha ko ang Bakal ay inabot ko agad ito sa kapatid ko.
Halos magkasugat sugat ang kamay ng kapatid ko sa paghampas ng yero, pero parang wala. Matibay ang bubong. Dahil lumang na ang bahay namin ay matibay ang yari ng bubungan.
Halos mafold ang bakal na pambungkal. Manipis kasi ang pagkakagawa nito. Bahagya pa lang ang bungkal ang yero.
Hangang tumulong ang kapitbahay namin sa right side. Nasa bubong narin sila. Nilatagni kuya ang hagdanan niya upang tumulay sa bubungan namin.
May dala rin siyang pambungkal. Ayun, sa wakas nabutas narin ang bubungan namin.
Paglabas ng utol ko sa bubong ay napasigaw siya ng " I'm alive! ".
At dahil malamig ang tubig ay sumunod nito ay ang pag-akyat namin lahat sa kisame. Gamit ang isang lamesa at upuan
ay nakaakyat kami sa kisame ng second floor. At dahil nanigas ang katawan ng lolo ko ay isa siya sa pinakahuling ini-akyat sa
Tinalian namin siya ng mga kumot at tsaka hinatak papunta sa kisame. Buti na lamang at marami kami.
Lahat kami ay nasa kisame na. Lumabas ako sa butas ng bubong kasama ang kapatid ko. Amaambon lang, maliwanag ang sikat ng buwan. Parang eksena sa pilikhulang Titanic. Sa liwanag ng buwan ay kitang-kita ko ang mga kapitbahay na pawang nasa bubungan ng mga second floor nila. Hindi ako makapaniwalang buhay kami at hindi rin ako makapaniwala sa sinaryo na mistulang pelikhula. Nagmistulang Venice Italy ang Provident. Tahimik ang gabi. Maliwanag ang sikat ng buwan. Para talagang eksena sa sine.
Malamig ang simoy ng hangin at umaambon ambon pa. Bumalik na kami sa kisame upang magpahinga.
Eksena sa kisame: Wala na sa sarili ang lolo, marahil narin siguro sa katandaan at wala na na siyang idea kung ano ang nangyari. Akala niya siguro ay nasa tent kami. Dahil higis Tent ang kisame. Kung ano- ano na ang pinagsasabi niya at lahat kami ay pawang natatawa nalang.
Marupok na ang kisame at kailangan at sa mga halige kami nito nakaupo. Hangang medyo nakaidlip na ang karamihan. Nakatulong ang katulong namin at nakalimutan nito na dapat sa haligi lang dapat naka tungtong. Bumigay ang bahagi ng kisame. Just in time na nahawakan ng nanay ko ang kamay niya. Nahulog naman sa tubig ang pinaghirapang isalbang cellphone ni Inday. Ayun nabasa rin ang pinaka-iingat ingatan niya.
At dahil nasa tuhod nalang ang tubig sa second floor ay napagdisyunan na ng iba samin na bumaba na sa kisame. Sosyal ang aso namin at siya lang ang hindi nabasa. Ipinatong kasi siya ng tatay ko sa kama nila. Lumutang ang kama pero basa ang kutsyon. Napagdesisyunan namin ni Mother na matulog doon para makaidlip ng kaunti. First time kong matulog ng katabi ang aso na mayat maya ang dila sa mukha ko.
Nakaidlip rin.
It's amazing na maski medyo hindi gusto ng mga magkakapit-bahay ang isat-isa ay na uunite sila ng mga ganitong pangyayari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment