It started with a sharp pain on my neck. Of course I ignored it.
Then two days later ay napansin ng nanay ko ang malaking bukol sa lower left side ng leeg ko.
" Hala anak ano yan!? " Pa check up kana agad!
I was too tired and stressed out to even notice na tinubuan na pala ako ng bukol sa leeg.
Siempre research agad ako sa google. At siempre puro kapraningan na tungkol sa Cancer ang mga lumabas sa search engine.
Pumunta narin ako sa clinic ng office namin baka sakaling common lang ito. Sabi ng nurse pacheck up daw ako. Nagulat rin ang nurse sa bukol sa leeg ko. " Bakit ang laki? " Ay naku muntintik ko ng masagot siya ng. " Ay naku hindi, kaya nga ako nandito diba? ".
Tinanong ko narin ang mga opismates ko. Baka kulani lang daw. Dawww??? Hindi pa daw sila nagkakaroon ng bukol sa leeg. At kung kulani ito eh diba dapat sinisipon ako.
This coming friday ay magpapacheckup ako, sakto ring unang sweldo. Baka kasi himalang mawala ang bukol within a week. Sayang naman ang pera.
Natatakot ba ako? OO, siempre, baka kung ano na ito. Wag naman sana knock on the wood.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit sumasakit ang mga ngipin sa lower left side. Araw araw ay sumasakit sila. Nagsimula ito noong huli akong magpacleaning.
No comments:
Post a Comment