Saturday, June 2, 2012

water damage ( part two )- "to the rescue"


" Ayon sa mga sabi-sabi ay isang matandang babae daw ang nanghingi ng inuming tubig sa isa sa mga residente dito sa Provident Village. "
Hindi daw nabigyan ng tubig ang matandang babae. Nagsalita daw ito ng pinagdadamutan mo ako ng tubig bibigyan kita ng maraming tubig. "


September 26, 2009
12:00 pm. Nagising ako sa matinis na tili na aking Nanay " Ayan na ang tubig!" Ayan na!". Tiningnan ko agad ang wallclock.
Tanghali na pero makulimlim parin. Agaran akong bumaba mula second floor. Baha na nga, hangang ankle ko palang ang tubig noon.
"Agad na inutos ni ina na I-turn off ang main power switch ng bahay-upang maiwasang may makuriente. Relax na relax kaming
nagtataas ng mga gamit sa mga lamesa. Sanay na kasi kaming binabaha at hindi na ito bago. Handa na ang pag-kain noon,
at dahil relax lang kami ay nakakain pa kami ng lunch.Sa harapan ng bahay namin sa veranda ay ipinatong ni Erpats ang aso sa ibabaw ng lamesa .
Pagkatapos kumain ay nag-yosi kami at nagkuwentuhan ni utol. relax na relax kami at parang natutuwa pa sa baha.
Mabilis na tumaas ang tubig at nasa tuhod na, Kitang kita namin ni utol na tumaob ang lamesa at mahulog ang aso sa tubig.
Agaran naming kunuha ang aso at dinala sa second floor.

Labis na bumilis ang dating ng tubig at nag-panic/naging busy na kami sa pag-akyat ng mga appliances at kung ano ano pa sa second floor.
Nakuha pa naming ipatong ang Refrigerator sa lamesa. Natapos na kami sa pag-akyat ng mga appliances. Mabilis ang tubig at noong mga time na iyon ay nasa second floor na lahat kami.
Eksakto rin lang ang dating ng Matandang lalake na kabarkada ng tatay ko na walang matakbuhan. dahil bungalow lang ang bahay niya.

Bibili pa sana si utol ng yosi noon ngunit buti nalang at hindi na siya tumuloy kundi baka hindi na siya nakabalik.
Hindi siya ganoon kagaling lumangoy.

Mula sa second floor ay may narinig kaming himihingi ng tulong. Pagdungaw namin sa bintana ay nakita namin ang isang pamilya hiwa-hiwalay na nakakapit sa mga
puno sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Malakas ang current ng tubig at tatangayin ka. Agad na bumaba ang kabarkada ni Erpats,
sumonod si Erpats at sumunod ako. Malalim na ang tubig, nasa bibig ko na. Paglabas ko sa gilid na pintuan namin may isang itim na ahas na nakapatong sa
isang lumulutang na bagay. May kalakihan ang ahas at naka striking position na sa kung sino man ang gagambala dito.
Napasigaw ako ng Ahas! Ahas! Nagalit si Erpats " Uunahin mo pa yang ahas may mga nalulunod na dito"
Hindi ko alam kung papano ko nalagpasan ang ahas na withing striking range lang, Habang nililigtas ni Erpats at ng kabarkada niya
ang pamiliya ay inutusan niya akong languyin ang limang garbage bag na lumulutang na palayo. Mahalaga daw ang mga laman nito ayon sa pamilya. Kaya naman mega langoy ako maski na
lagpas na ang tubig sa akin. Nalangoy ko ang apat o limang garbage bag at naipasok ko ito sa bahay. Maski na kakaiba ang current ng tubig at malakas ito.
Pagdating sa panghuling garbage bag ay malalim na ang tubig at lalong lumakas ang current, mahirap ng labanan.
Nakaabang sakin si Erpats na nakatungtong sa harang ng balkonahe ng first floor. Habang lumalangoy ay tinulak ko sa kaniya ang huling garbage bag.
Kinapos ako ng hininga at napagdesisiyonan kong bumuwelo. Dahil narin sa ngawit. Lumubob ako at itinapak ko ang paa ko sa lupa ng Garden namin. Shet ang lalim na nga talaga sobrang
lagpas na sa akin. Lumutang ulit ako pero this time, inabot na ni Erpats ang kamay ko sa pag-aakala niyang malulunod na ako.
Nalangoy ko nga yung limang garbage bag diba? Back and forth san kapa.

Pagpasok namin sa bahay ni Erpats ay Parang eksena sa Titanic na kaunti nalang ang space sa firstfloor bago ito mapuno ng tubig
Ang importante ay nakaabot pa kami sa second floor bago mapuno ng tubig ang first floor.
Kung nagtagal pa kami ng kaunti ay marahil naipit na kami sa first floor.

No comments:

Post a Comment