Wednesday, June 6, 2012

water damage ( last part )- " faith "

Magnanakaw Magnanakaw!

Nagising kami. Nagsisigawan ang mga kapitbahay namin dahil  maski 20 feet ang tubig ay umeksena parin ang mga magnanakaw. Mga nakasalbabida tinatangay nila ang mga lumulutang ng Slide at swing na yari sa plastic. ( Yung mamahalin pang playground ). Isang bahay lang kasi ang pagitan namin sa isang kindergarden na skul. Grabe san ba nangaling itong mga hybrid super magnanakaw. Hindi parin nagpatila ang mga magnanakaw at tuloy parin sila.

Akala ko pa na may malaking isda sa kuwarto dahil parang may tunog na lumalangoy. Yun pala kutson lang. everytime na nagpapalit ako ng pusisyon sa kama ay napipiga pala ang tubig. Dun pala galing yung tunog nayun. kinabahan talaga ako.

Naidlip ulit.
Pagkagising ko ay umaga na.

Doon tumambad sakin ang katotohanan na ang lahat ng material na bagay na pinaghirapan ko ay wala na.
Lahat ng gamit namin ay balot ng putik
Ang tubig sa first floor ay medyo mataas parin. Nakuha ng kapitbahay namin ang Coleman na nilagyan ng mga pagkain. Nakalimutan kasi itong itaas nung nagpapanic na ang lahat. Binigyan rin kami ng mga dilata na nabasa ng baha ng kapitbahay naming tindahan. Nagsalo salo kami sa kaunting pagkain. Sa kalkula ko ay mahigit 20 hours nakong walang kain nun at wala rin inum ng tubig.

Pagkatapos ng ilang oras ay dumating na ang tiyuhin ko upang sunduin kami. Nag-alala lahat ng kamag-anak namin dahil walang maka-kontak sa amin. Nawalan kasi ng signal at naubos narin ang mga battery ng phones namin.

Lumabas ang aking nanay ng bahay  at hindi sinasadyang ma-interview ng media. Napanood ng ilang kamag-anak ko sa probinsiya ang aking ina na iniinterview. Sayang at hindi ko napanood.

Naiwanan parin sa kisame magisa ang lolo ko na mayat maya ang tawag sa mga pangalan namin, Hindi namin siya maibaba dahil lahat kami ay wala ng energy. Kailangan tumawag ng tulong. Shortly dumating ang mga Marines. Mga Lima. Hirap na hirap silang ibaba ang lolo ko dahil masakit ang nanigas na katawan niya. Nagwawala ito sa konting hawak lang. Nasampal pa ng lolo ko ang isa sa mga Marino. Nagsusugat narin kasi ang balat ni lolo.


Hindi ko na nakita ang mga namatay. Maaga palang kasi ay dinala na lahat ng namatay  sa Gate ng subdivision namin.Tinatayang lumagpas sa 100 ang death toll sa subdivision namin. Ang subdivision rin namin ang pinakanasalanta sa lahat. Ondoy is associated with Provident village. ( Picture sa taas: Ang nagsixty nine na kotse na nag land sa front cover ng Philippine Star ay sa dalawa kong kaibigan na pawang empleyado rin ng B*t*xt.

Ang kapatid kong babae lang ang hindi nakaranas ng Ondoy. Napagusapan na kaya siya lang sa amin ang hindi nakaranas nito ay dahil siya nalang ang nagsisimba sa pamilya namin.

It's amazing how many eventful things can happen overnight.

2 comments: