Sunday, June 3, 2012

water damage ( part three )- "darkness"


Pag-ahon namin ni Erpats ay tumambad sakin ang Isang Pamiliya. Pamiliya pala ito ni Attorney.
Lumalabas na 14 na kami lahat lahat sa loob ng bahay.

Lahat kami ay busy sa pag dungaw sa bintana.
at pagasikaso sa mga kapitbahay, isa dito ay isang lola na.
Grabe, malapit ng umabot ang tubig sa second floor, mga ilang inches nalang.
Hindi na namin inasahan na tutungtong ng second floor ang tubig.
Nakapagyosi pa ako ng isa. Enough time para mapagmasdan ang mga hitsura namin.
Pagkatapos ng ilang saglit. Ay laking gulat ko na bumubula na ang sahig ng second floor namin.
Hangang dahang dahan itong nagkatubig.

Busy na naman ang lahat sa pag asikaso at pag taas ng mga gamit sa mga patungan.
Inuna ko nang isinalba ang cellphone ko at mga importanteng papeles,
sa pamamagitan ng paglalagay nito sa pinaka tuktok na cabinet.
Mabilis ang tubig, at sa dami ng gamit namin ay hindi na namin alam ang uunahin.
Naisipan ko pang ilagay ang dalawa kong dvd player sa cabinet sa pag-asang hindi ito maabot.
Hindi ko rin naisipang isalba ang book collection ko na sobrang expensive at pawang mga regalo at bigay Including ang mga paranormal books collection ko.
Gawa narin sa napraning na ako. Mabilis ang mga pangyayari at pataas ng pataas ang tubig.

Hangang umabot nato sa bewang namin. Wala na ang mga appliances na pinaghirapan namin itaas, lahat ng appliances ko hindi nakaligtas including yung nasa cabinet. Hoplessly na pinagmasdam namin nalamunin ng tubig ang aming mga electronic prized possesions. Masakit nito ay Apat ang malalaki naming Television, to name a few.
Nilalamig na at naninigas na ang lolo ko. Nagtipon tipon ang karamihan sa kuwarto ng kapatid kong babae.
Ang kapatid kong babae ay wala sa bahay noong mga panahon na iyon. Nasa kaibigan niya somewhere sa QC. Nilagyan ng upuan ang gitnang patungan ng kabinet at doon inupo ang lolo ko.
Habang nakakapit ang dalawang kamay niya sa sabitan ng hanger.

Lubos na nagpapanic ang asawa ng kapatid kong lalaki at kung ano ano na ang mga pumapasok sa isip.
"Sabi ko naman umalis na tayo dito matagal na! " Ang wika niya sa kapatid ko.

"Tulong Tulungan nyo kami ang wika ng babae ng  na nakatira sa likod ng bahay namin. Bakal kasi ang bintana nila sa second floor at imposibleng may labasan. Hangang ngayon ay sariwa parin ang tinig ng babaeng nagmamakaawa kasama ata niya lola o isang sangol. Wala rin kaming magawa dahil maski marami kami ay na trap rin kami sa second floor. Tanaw namin ang  bahay sa kaliwang side na isang bakanteng lote ang pagitan. Nasa bubong na sila ng second floor at may akay pa na bagong silang na baby yung isang babae.
Pilit silang naghahagis ng lubid para tawiran namin ngunit masyado itong malayo. Masyadong malakas ang current ng tubig masyadong
malalim ang tubig. Nagsuggest ako na tumawid kami sa mga bubong. Ngunit imposible na. Lahat ay parang wala na sa sarili.

Biglaang sumulpot ang isang higanteng baboy na buhay pa. Nakatungtong ito sa bubong. Saan kaya galing yung baboy na yun?
sayang! Ilang saglit pa at lumubog na lahat ng appliances namin. At paikot ikot kami sa second floor, inoobserbahan ang tubig
sa lahat ng direksyon. Nakakamangha na nagmistulang orbit ang baboy na palutang-lutang na umiikot sa bahay namin. Nasa kabilang side na siya ng bahay at buhay parin.
Likas na marunong itong mag floating ang baboy.

Samantalang ako'y tahimik lang at na-bla-blanko.
Sa isip ko: " Ito naba ang katapusan naming lahat? Makukulong naba kami dito sa second floor?"
I can still vividly remember how I felt at that moment. Pure hoplessness. The funny thing is hindi ako ganoong natakot. To make things worse ay nagdidilim na. Nagaagaw na ang liwanag sa dilim.

No comments:

Post a Comment