Saturday, December 17, 2011

bull-sized rodent discovered

The giant skull of a one-ton prehistoric rat — shown here next to a modern-day rat — was revealed on January 16, 2008.

“Measuring 53 centimeters (21 inches) long, the skull was found in Uruguay by an amateur fossil hunter among fallen cliff rocks in the San José region. Analysis of the bizarre find by paleontologists suggests it belonged to a bull-size species, which has since been named Josephoartigasia monesi,” National Geographic News reported.

The megarodent lived in lowland rain forests between two and four million years ago, perhaps using its massive teeth to fend off saber-toothed cats and giant, flightless, meat-eating birds, researchers said

The newfound species was reported in a study led by Andrés Rinderknecht of the National Museum of Natural History and Anthropology in Montevideo, Uruguay.

The previous holder of the title world’s largest rodent was a ”buffalo-size” fossil creature from Venezuela, revealed by scientists in 2003.

read more: http://newswatch.nationalgeographic.com/2009/02/04/biggest_animals_of_all_time/

Wala lang wala na kasi akong ma-post, paulit-ulit nalang kasi ang mga himutok ko sa buhay. Walang pagbabago. This Article is very interesting if you like animals.
Imagine a Rat the size of a bull! Scary!

Tuesday, December 13, 2011

gone with the wind

Seriously? What kind of justice system do we have? It's been two f*ck*ng years and still no Justice What about the 50 innocent lives which mostly are media practitioners.
Why am I so affected and what the hell do I care? Nagtaka pa ako.
Graduate kasi ako ng journalism at buti nalang at hindi ko tinahak ang landas na yun after graduating. Ang Thesis ko nung college is about journalist being killed world wide, that was 2006. Pangalawa ang Pinas sa ma may pinakamaraming journalists na pinapatay second to Iraq. Ewan ko lang ngayon, baka number 1 na.

Kawawa naman ang mga aspiring journalists.

Monday, December 12, 2011

wonder plant ( a tribute to my favorite plant )

I have faith in this plant. Hangang ngayon ay nagtitake parin ako ng Sambong tablets. Maski Iba na ang nireseta sakin ng doktor. Mura lang naman less than 5 php each tablet. I have so much faith in this Herbal Plant that I know na sobrang laki ng tinutulong nito sa Kidneys ko at sa pag-flush ng toxin ng katawan ko. You see, as much as I want to eat everything that I lay my eyes on. Hindi pwede lahat ng sobrang sugar, asin, protein, some vegetable components at some fruit acid ay nakakacontribute sa pag-buo ng mga kidney stones. That's why it's impossible for me to gain weight at this point.

Please kindly take sometime to read the facts below, it might help you or someone you know.

Fact: Sambong is a remarkable medicinal plant that grows wild in the Philippines. It is commonly used in capsule form or as teas in the treatment of kidney disorders. Doctors in the Philippines routinely prescribe Sambong now for the dissolution of kidney stones. Sambong is also known as a diuretic, and is used in cases of hypertension and mild to moderate congestive heart failure. Sambong is high in essential oils, and contains significant amounts of camphor oil.

Sambong is one of 10 herbs that have been approved by the Department of Health in the Philippines as being effective in treating certain disorders. The department of Science and Technology has conducted extensive tests on Sambong. Clinical studies, including double blind/placebo radomized studies, have shown Sambong to be both safe and effective in the cases of kidney stones and hypertension. There are Sambong products on the market now in the Philippines that have been approved by the Bureau of Food and Drugs and are routinely prescribed by doctors.

The leaves of Sambong are also used as a tea in the Philippines, and as a cure for colds. It is also said to have antidiarrhetic and antigastralgic properties. It is also used as an expectorant. It is given for worms and dysentery. It is one of the most commonly used medicinal herbs in the Philippines.

Source: http://www.philippineherbs.com/sambong/

Thank God na sagana tayo sa halamang ito. Try niyo and you will pee like crazy, of course ask your doctor if its suitable for you.

Saturday, December 10, 2011

next top flat chested

Clark Gilmer- cycle 11:





Jessica Serfaty- cycle 14:



Clark at Jessica ay dalawa lang sa pinaka favorite kung top model contestants.
Eto ang order from least favorite to most favorite which is #1. Pinaghirapan kung I-research yung pangalan ng iba sa kanila.

[12] Norelle Van Herk- cycle 3
[11] Furonda Brasfield- cycle 6
[10] Alexandria Everett- cycle 16
[09] Shannon Stewart- cycle 1
[08] Jaslene Gonzalez- cycle 8 ( Winner of cycle 8 )
[07] Isis King- cycle 11 ( The only Transgender contestant in top model's history )
[06] Brittany Brower- cycle 4
[05] Allison Havard- cycle 12 ( First runner up cycle 17 all stars )
[04] Jessica Serfaty- cycle 14
[03] Brittani Kline- cycle 16 ( Winner of cycle 16 )
[02] Clark Gilmer- cycle 11
[01] Ann Ward- cycle 15 ( Winner of cycle 15 )

Thursday, December 8, 2011

immortality

I was in third year high school when I discovered Celine Dion. Isa sa una kung nagustuhan sa mga kanta niya ay "Immortality". Imagine kulang kulang o humigit 14 years na ang nakakalipas ay nakikinig parin ako sa mga songs niya at si Celine Dion parin ang pinaka favorite ko sa lahat ng divas. I fell in love with the lyrics of the song "Immortality". Ganda talaga ng lyrics, At noong mapanood ko ang music video nito ay lalo akong na-inlove sa kanta. 14 years ago hindi pa uso Youtube, kaya naman maghapon kung inaabangan ang music video nito sa MTV. Hindi ko rin maintindihan na tuwing iisipin ko ang mga crushes ko during highschool ay itong kantang to ang pumapasok sa isipan ko. Marahil tangap ko narin sa sarili ko nung mga panahong iyon na imposible nila akong magustuhan dahil mga straight at goodlooking sila at ako naman ay sobrang confused.

Favorite lines ko sa song na ito:

I'm sorry I don't have a role for love to play
Hand over my heart I'll find my way
I will make them give to me

Wednesday, December 7, 2011

drowning

It is very important to believe in yourself and your aspirations.
Alam kung kaya nagkakaganito ang buhay ko ay wala akong tiwala at pagmamahal sa sarili ko.
Wala akong focus at kunakain ako ng takot, insecurity at depression.
Hindi ko rin alam kung bakit nawalan nako ng goal sa buhay. Lagi kong pinipilit na magising na lang isang araw na kasing tigas na ng bato ang paniniwala ko sa sarili ko na may kasamang determinasyon at focus. Nngunit lagi akong bigo, lagi kung binabalikan ang nakasanayan kong mga gawain.

Ano ba ang kailangan kung gawin para magkaroon ng direksyon at ambisyon.
Gusto kong mabuhay ng maayos.

Kailangan kung maniwala sa sarili ko.
Kailangan kung paniwalaan ulit ang mga pangarap ko.

Nalulunod na ako.

Thursday, December 1, 2011

trans fat

About this post, I don't mean to stereotype Transgenders, I have nothing against them or whatsoever, in fact I look up to them for having the courage to show the world for who and what they are. It just happened that I am at the wrong place.

Sa loob ng jeepney on the way to Cubao. I'm seated near the driver. Then suddenly may sumakay na mga Transgenders, three of them to be exact. Ang isa umupo sa tabi ko at ang dalawa sa harapan ko. Then they started talking using the G- lingo.

Masakit man, pero ako ang pinaguusapan nila, I act and project straight as a ruler. That's why inisip nila na hindi ko maiintindihan ang pinaguusapan nila maski na gaano pa kalalim ang version nila ng G-lingo.

" Tomboy ba yan? "
" hindi ko sure "
" Ang Payat "
" Parang addict "

Where some harsh words they used to criticize me. Given the fact na tatlong patong na ng damit ang suot ko para lang matago ang katawan ko. It hurts specially that what they are saying is in fact very true. I wish I didn't care but it really hurts. I wish na nasa nakikinig ako ng Mp3 player at that moment, but at least they have the decency to code it using a not so Alien language.

I just don't get it, na maski maraming beses na akong nakakaranas ng panlalait ay naapektuhan parin ako. No matter how true ang mga sinasabi nila ay masakit parin deep within.

Indeed the truth really hurts. Just for the record I am not Anorexic. I always wonder how it feels like na mabuhay ng maski isang araw lang na normal ang katawan ko...I can only imagine the possibilities.

Sunday, November 27, 2011

she will be loved

Last night ay niyaya ako ng mga bestfirends kong lumabas. Nag- inum kami sa isang bar na may live band. Of course hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na maki jam sa banda.

Habang binabanata ko ang kantang " She will be loved " ng marroon five ay biglaang nanikip ang dibdib ko, feeling ko sa puso, kasi alam ko pag lungs ang masakit. So this time I assumed that its my heart. Hangang matapos ang kanta ay nakahawak parin ako sa dibdib ko at kinakapos na ng hininga. Natapos ko naman ang kanta, of course palakpakan.

Lumapit sa table yung singer ng banda after ng last set nila. " Hang galing naman kumanta ng kaibigan mo, wika ni singer sa friend ko ". Tambling naman ako of course.

Natulog ako sa bahay ni bestfriend dahil itinuloy pa namin ang inuman sa kanila. 3:00 ng tanghali na ako nagising at habang nasa jeepney pauwi ay umatake na naman ang sikip ng dibdib ko. This is new to me, the first time and I want to document it.

When will I stop abusing myself? When will I stop smoking and drinking? Maybe never.

Wednesday, November 23, 2011

allison


Si Allison ay isang collector ng mga manikha, bata palang ay hilig na niyang mangolekta ng mga dolls. especially ang mga Barbie dolls. Since early sixtees during her early childhood. She had about a hundred and fifty of them. Late Seventies Allison was on her mid 20's. The right opportunity came for her to work abroad, somewhere in Europe. She was sad for the fact that she will have to leave her doll collection behind. Her house has a big storage space,The basement. So days before she left for Europe she carefully boxed her collection. Yung mga favorite niyang dolls, nilagay niya sa mga shoe boxes and meticilously wrapped them individually. Till there was the last two pairs, Her very first Barbie Doll and Ken doll, Fave niya kasi pinaka antique. When shes done wrapping all the dolls, she hid then at the back of other big boxes that was previously stored in the basement.

Then she left for Europe.

After 10 years she came back.

During her second day she looked at the basement to find the boxes the same way as she left them.
She opened the boxes one by one. It was around 9 in the evening while she was about to open the last box, the box which contained her favorite pair of Mattel dolls.

Biglaang humangin ng malakas. Kinilabutan si Allison at napraning na nagmasid sa paligid.
After a few seconds ay nawala ang malamig na hangin.

Katahimikan sa paligid. Nakiramdam si Allison sa paligid, ngunit wala..only dead silence.
huminga siya ng malalim at dahang dahang binuksan ang kahon ng sapatos kung saan nakalagay ang mga pabirito nyang dolls.

......"AYYYY P*T*NG IN* MO KA!"- Ang sigaw ni Allison.

Pagbukas niya kasi ng kahon ay lumundag ang isang malaking daga sa mukha niya.

Hehe wala lang..wala lang ma post.

Monday, November 21, 2011

how tired is too tired?

Recently nararamdaman ko na ang matinding pagod, matinding pagod ng puso, lamang loob at kaluluwa, kahahanap kung saan saan ng taong mamahalin ko at magmamahal sakin.Maski imposible ay sinusubukan ko parin maski na alam kong wala naman talaga akong mapapala. Nalaro ko na lahat ng laro ng pag-ibig. Ayoko ng gumawa ng paraan ayoko ng magsugal. gusto ko nalang huminto at hindi na ito hanapin pa habang akoy nabubuhay pa. Marahil tao lang ako, tao na walang control sa sarili at hindi alam ang gusto, bakit ko ba tinotorture ang sarili ko kung pwedeng pwede naman akong manahimik sa isang sulok at dun nalang mamalagi ng tahimik. Iniisip ko rin kung ano ano ba itong mga bagay bagay na nagbibigay sa akin ng false hope. Ayoko ko ng ubusin ang oras ko sa paghithit ng yosi, ayoko ng sunugin ang atay ko sa paglaklak ng alak. Ayoko ng makisalamuha sa mga tao. Gusto ko nalang manahimik sa isang madilim na sulok at maging masaya.

Sa totoo lang pagod na pagod na akong maging restless.

Sunday, November 20, 2011

the prayer

I rarely cry. In fact it has been a very long time since someone saw me cry.
Let's just put it this way, a very close relative of mine is on the brink of her life. I tried to pull out jokes whenever we are together, just to avoid serious talk, but I always advice her to follow the doctors orders and so so. Doing all my best to put a smile on her face and avoid the drama. I try to put on a tough face which is extremely difficult at this point.

Last night I went drinking with some friends and when I got home just about to sleep tears flooded. This is the first time that someone this close to me is in this kind situation. I cried hard till I fell asleep.

I know at the end of the day that God will help her.
God bless our entire family.

If I could just replace her place I would do it, especially that there's a lot of people that depend on her. If I would exchange places with her I would request God to erase all memories of me, all of the memories of my parents and love ones of me as if I never existed.

Listening now to Celine Dion and Andrea Bocelli's song: "The Prayer"

Saturday, November 12, 2011

humanap ka ng panget

Hirap talaga. Kung sino pa yung panget, kung sino pa yung mukhang ungoy
ay siya pa ang walang manners, walang breeding at walang consideration.

Hayst! Panget na nga ang panlabas na anyo ay siyang panget rin ng kung ano ang nasa loob.
Hindi ako makapaniwalang na may mga taong pinanganak na walang kaganda ganda sa katawan.

Monday, November 7, 2011

this used to be my playground

Lately, every time I find myself in the middle of a crowded super noisy gimmikan, I ask myself, what the hell am I doing here? Nabibingi na ako, hindi nako nageenjoy, I find it a waste of time energy and money non the less it becomes extremely boring, although jampacked ng mga tao at mga pwedeng i flirt. I can still remember my early twenties, mid twenties and even the latter part of my twenties, i breath, feed, dwell on these places, but now I prefer staying at home. I come to the conclusion that maybe its just a phase or maybe tumatanda na ako talaga ako na I dont find these places uninteresting anymore, well I don't really know at this point, baka panandalian lang itong umay ko or maybe kailangan ko ng maghanap ng bagong paglilibangan.

Sunday, November 6, 2011

tori

I've always loved Tori Amos, heres a set of songs that I have compiled. The reason why I love her is simply because her songs move me. Her songs are like paintings turned into music. Try listening to these songs.

[01] a sorta fairy tale
[02] black dove ( January )
[03] crucify
[04] cruel
[05] down by the sea
[06] iieee
[07] lust
[08] rattlesnakes
[09] silent all these years
[10] sleep with butterflies
[11] smells like teen spirit
[12] suede
[13] sweet the sting
[14] new age
[15] 1,000 oceans

Thursday, November 3, 2011

tell me something that is not written in your resume

Here are the list nang mga company na napasukan ko ever since nagsimula akong magtrabaho ( In order )

[01] ****** ( Around 4 months )
[02] Epixstar ( Eliminated 3rd week of training )
[03] ****** ( Returned Around a year of stay )
[04] Sterling Global ( Eliminated 4th week of training )
[05] Ventus ( Quit during 3rd week of training )
[06] Transcom ( 5 months )
[07] Stellar ( Quit during nesting period )
[08] Ict- Sykes ( 5 months )
[09] ****** ( 3 months )
[10] Results ( Eliminated 3rd week of training )
[11] NCO ( Got accepted but did not continue )
[12] Sitel ( 4 months )
[13] ****** ( 1 week )
[14] Teleperformance ( Almost 1 Month ) (Jan 24-Feb 20 2012)

What a journey..May nakalimutan pa ata ako ilagay, di ko na maalala masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Friday, October 28, 2011

lost soul

Itago nalang natin sila sa pangalang Kimberly at Tomas. Si Kimberly ay matagal ko ng kaibigan,
habang si Tomas ay naging kaklase sa Kolehiyo. Nangyari ito dalawang taon na ang nakakalipas.
Namatay ang unang anak ni Kimberly ilang araw palang ng ipinanganganak ito.
Pinanganak ang bata ng may butas sa puso, marahil narin siguro gawa ng labis na paninigarilyo ni Kimberly habang ipinagbubuntis ang bata.

Sa kasawiang palad ay nalaglag naman ang kanyang pangalawang dinadala, sumama ang fetus habang siya ay umiihi at muntik na niya itong ma-flush sa kubeta.

Tulad ng karamihan ay hindi na nila ito maipalibing ng maayos, gawa narin siguro ng kakulangan sa pera ng mga panahong iyon.

Inilagay ng mag asawa ang sangol sa isang bote na may gamot. Napag disesyunan ng dalawa na ilibing nalang ito sa mismong ng puntod ng yumaong lolo. Kinabukasan ay nagtungo ang dalawa sa napagkasunduang lugar. Habang nagtatalo ang dalawa kung pababasbasan ba ito sa pari o hindi. Naghukay si Tomas ng di kalaliman na hukay. Saksi si babae ng ibaon at tabunan ito ng lupa. Habang paalis ang dalawa ang bahagyang nakaramdam ng kakaibang lamig ang dalawa.

Nagtaka ang sila, dahil ang araw ay tirik at maalinsangan ang panahon.
Nang makauwi ang dalawa sa kanilang tahanan ay napansin muli nila ang kakaibang lamig
Sa ikalawang pagkakataon itoy kanilang binale wala.
Habang nananalamin si lalaki ay napatingin siya sa ibabaw ng istanteng katabi ng salamin.
Napansin niya ang isang pamilyar na puting supot na animoy hinugot sa lupa.
Agarang tinawag ni Tomas si Kimberly.
Parehong kinutuban ang dalawa habang magkahawak ang kamay.

Naglakas ng loob si lalaki na kunin ito at tingnan.

Sa kanilang kilabot at surpresa,

na ang laman nito ay ang bote ng fetus na kanilang ibinaon sa lupa.


Hangang ngayon ay palaisipan parin kay kimberly kung papaanong nangyaring yun.
Maraming pusibilidad ng sumagi sa isip nila at sa akin,
ngunit hangang ngayon ay nananatili parin itong misteryo
Sa kasalukuyan ay meron ng anak ang dalawa. Ang pangalawa kong inaanak.
Hindi parin namin maiiwasang magisip hangang ngayon kung papaano
at bakit nagyari yun, marahil, meron itong mensahe na nais iparating.

*Isang dekada ko nang kilala si Kimberly at sa pagkakilanlan ko sa kaniya ng sampung taon ni isang beses ay di pa siya nag kuwento ng echos sa akin. Maski na limang taon na ang nakakaraan ay naalala ko parin ang bawat ditalye ng kwento niya. Naalala ko patin anglabis na takot at kilabot at matinding emosyon sa mga mata niya ng ikinukuwento niya ang pangyayaring ito.

I've been saving this post for this coming holloween. Holloween is my favorite time of the year.

Friday, October 21, 2011

paradukit

Sa local dialect namin sa province ko ang ibig sabihin ng " Paradukit " ay Para-finger.

During training along long time ago. Pagkagaling ko sa lunch break ay nakita kong pinagsasamantalahan ng seatmate ko ang Vicks Vapor Rub ko. Sigurado akong kinalkal niya ang pouch ko. Sige ang pahid ni seatmate sa ilong niya na parang wala ng bukas. " Parang expired na itong Vicks mo iba na ang amoy!

*In my mind: Gago ka pinangpapahid ko sa tumbong ko ang Vicks na yan at dahil pakielamera ka ay enjoyin mo ang mga bits ng tae ko.

Inerecommend kasi ni Bestfriend na nakakagamot daw ng almuranas ang Vicks. Masarap ang pakirandam tuwing lalagyan ko ng Vicks ang tumbong ko. Kailangan ko rin mediyo fingerin ang tumbong ko para malagyan ng Vicks.

Moral lesson: Wag basta basta makikialam ng personal belongings ng iba..libre magpaalam.

Wednesday, October 19, 2011

dee-bee-dee

[me]: Meron po kayong Eat Pray Love?
[bata]: Wala po puro bago lang po.
* After 5 seconds...
[me]: Eto naman pala eh meron naman pala kayong Eat Pray Love.
[bata]: Ah ganun ba "It Free" Lang ang narinig ko wala yung Lab hehe : )
[me]: "It Free Lab" Ano yun? Bago bayun kuya?

Tuesday, October 18, 2011

love thy will be done

I am currently in a game right now, I am pretty much aware na maski ano pang mangyari ay talo na ako and that I could never win, ako ang in-love at siya, wala lang. Nakakatawa na bago kami mag kita ng personal ay sinabi ko pa sa kaniya na walang maiinlab. Hindi ko na kaya ang mind games niya. The more I play the game the more I lose. Although talo na ako at emotionally drained na I decided to just walk away block him sa Fb erase this person's number and I'm even planning to change my cp number. Walking away and avoiding this person is the best thing that I can do, although sobrang talo na, at least I am able to save a bit of my sanity. Lots of fish in the ocean...just one of those mysteries...

" Pag naiin-love ang isang tao ay lumiliit ang utak niya ng kasing laki ng isang butil nang mani "- Daniel the Jagged little egg.

to witness a miracle

There's this one wish that I longed to come true, Every time I'm in Camarines Norte, I see to it that I visit Capalonga Church. It is said that it's a Miraculous Place.
Chinese business men travel all the way from Manila to visit the
church and make their wish. They say that you have to visit the church
yearly for your wish to come true. According to the story: A very long time ago maybe more than a hundred years, A fisherman got an odd looking log from the sea along the shorelines of Capalonga. He then took it to a local craftsman to make something out of it. When the craftsman sliced the wood, blood came out of it. Probably stunned,the fisherman and the craftsman took it to the towns priest. Then
they decided to make it as the main material for The Black Nazarene of Capalonga. Another story is that the black wooden cross carried by the Black Nazarene were the exact miraculous wood, and that it was already in the form of a crucifix when the fisherman discovered it. Both stories can be true, but whatever the true story is, I still believe in its power. Until this day the Black Nazarene is believed to be miraculous.I myself have visited the church countless times since I was very young. My mother always took us there during our yearly summer vacation. It is when I was 25 years old when I decided to
visit Capalonga by myself and make my lifetime wish. I never came true since I failed to visit on a yearly basis. I'm 28 now by the way. Although my wish never came true, I never doubted of it's power. I still have strong faith in him. My lifelong wish was just to simply gain weight and be as normal looking as possible.
Shallow isn't it? But for me It's all that I ever wanted.

Wednesday, October 12, 2011

heroe

Gabi na ako nakapag-Gym. Habang pa-uwi na, Ay may nakasabay akong mag-Aama.

Nauuna ang tatay at ang nakatatanda niyang anak. Habang nasa likod nila ang maliit na batang lalaki,mga 3 or 4 years old.

Nakatingin ang bata sa may bintana ng isang tindahan habang naglalakad. katabi ng tindahan ay isang Creek or Canal.

Nang mahuhulog na ang maliit na bata sa creek ay hinatak ko ang braso nito. Habang sinungaban rin siya ng ama niya.

Sabay kami ng kaniyang Ama. Ngumiti lang ang ama nito sa akin. Marahil nagpapasalamat.

Muntik na yung bata. Things could have gotten worse. I felt like a hero.
==
Naalala ko tuloy nung tinulak ako ng kalaro ko sa Creek nung akoy maliit pa. Na-Nagsanhi ng malalim na sugat na muntik nang mag-penetrate sa utak ko.

Naalala ko pa yun. May-inaabot akong Gumamela nang ako'y

maitulak. Hangang doon nalang and naalala ko. Ikinukuwento nalang sa akin

ng mga tiyahin at tiyuhin ko na natusok nang bubog ang pinakataas ng anit ko
( boundery ng noo at anit na nagmistulang hulugan ng tokken )

Kinukuwento ni Mama na halos mawarak ang bakal na sinusuntok ni Papa sa Ospital

habang tinatahi ang noo ko. Wala nakong masyadong maalala sa tinatahi incident

Tuesday, October 11, 2011

tapangtapangan

Ilang araw lang makalipas mamayapa ng lola ng kaibigan ko ay humingi siya ng pabor na samahan ko siya sa bahay gawa ng naiiwan siya magisa sa bahay tuwing umaga.
Gawa ng mga alleged paranormal activities like flying objects ay nag nagsleep over ako sa kanila ay nakaranas ako ng mga mild na pagkalabit at dahil iniisip ko na tinatakot lang ako ni kumpare dahil magkatabi lang kami kasama lahat ng family niya
ay natulog kami sa iisang room sa takot nilang pagparamdaman. Elibs sila sakin dahil sa dalas ng pag cr ko ng disoras ng gabi. Elibs rin sila na malaya kong naiikot ang bahay ng walang kasama. Anjan narin ng maranasan kong malagpasan ang isang malamig na area sa bahay nila ng hindi sinasadya samantalang mainit ang temperatura sa buong bahay, hindi ko na ikinuwento sa kanila dahil ayokong makadagdag sa takot na pinagdadaanan ng pamilya ni kumpare. At ng kinompronta ko si friend kung siya yung ilang beses na kumalabit sakin hindi daw talaga siya at sa takot rin niya ay sa palagay ko na hindi rin niyang magagawang manakot pa. Pero who knows kung sino man yun. kakaiba rin ang pagkalabit dahil mild ito at malamig.

Sunday, October 9, 2011

solid harmony

HARMONY-SEEKING IDEALISTS are characterised by a complex personality and an abundance of thoughts and feelings. They are warm-hearted persons by nature. They are sympathetic and understanding. Harmony-seeking Idealists expect a lot of themselves and of others. They have a strong understanding of human nature and are often very good judges of character. But they are mostly reserved and confide their thoughts and feelings to very few people they trust. They are deeply hurt by rejection or criticism. Harmony-seeking Idealists find conflict situations unpleasant and prefer harmonious relationships. However, if reaching a certain target is very important to them they can assert themselves with a doggedness bordering on obstinacy.

Harmony-seeking Idealists have a lively fantasy, often an almost clairvoyant intuition and are often very creative. Once they have tackled a project, they do everything in their power to achieve their goals. In everyday life, they often prove to be excellent problem solvers. They like to get to the root of things and have a natural curiosity and a thirst for knowledge. At the same time, they are practically oriented, well organised and in a position to tackle complex situations in a structured and carefully considered manner. When they concentrate on something, they do so one hundred percent - they often become so immersed in a task that they forget everything else around them. That is the secret of their often very large professional success. Learn more about the Harmony-seeking Idealist at work ...

As partners, harmony-seeking idealists are loyal and reliable; a permanent relationship is very important to them. They seldom fall in love head over heels nor do they like quick affairs. They sometimes find it very difficult to clearly show their affection although their feelings are deep and sincere. In as far as their circle of friends is concerned, their motto is: less is more! As far as new contacts are concerned, they are approachable to only a limited extent; they prefer to put their energy into just a few, close friendships. Their demands on friends and partners are very high. As they do not like conflicts, they hesitate for some time before raising unsatisfactory issues and, when they do, they make every effort not to hurt anyone as a result. Learn more about the Harmony-seeking Idealist in love ...

Adjectives which describe your type: introverted, theoretical, emotional, planning, idealistic, harmony-seeking, understanding, peace-loving, sensitive, quiet, sympathetic, conscientious, dogged, complicated, inconspicuous, warm-hearted, complex, imaginative, inspiring, helpful, demanding, communicative, reserved, vulnerable.

Isa lang ang masasabi ko sa quiz na ito...Weh, dinga?

Monday, October 3, 2011

somethings up

I have a final interview on October 5. Pumunta lang ako at sureball na ang trabaho as my ex-officemate assures me of the position kasi promoted na siya, hangang ngayon ay pinagiisipan ko pa kung sisipot ako, may usapan kami na dapat hindi ko siya ipahiya and that I should stay for at least a year. Siyempre pag sumipot ako sa 5 ay dapat tuparin ko ang promise ko. Sabi ng bulsa ko go! Sabi ng pusot-diwa ko wag na.

Ayoko talaga dahil naiiyak ako everytime I force myself na pumasok sa trabaho na hindi ko naman kaya at gusto.

At this point magulong magulo utak at damdamin ko.
I wish to God na bigyan ako ng konting guide at tibay ng dibdib maski kaunti lang.

somebody's somebody

[ This post have been removed by the author ]

Sunday, October 2, 2011

xhou

Fighting fish yung may bilog. Lumaki ako na addict sa mga hayop, 29 years of existence ay naalagaan ko na ata lahat ng hayop na domisticated at yung iba hindi, katulad ng ahas. Mula sa itik, manok, pato, pabo, daga...
Ngunit ang pinakamalupit ay ang chicken hawk at ahas. Nagkaroon narin ako ng fishpond noong grade 4. Adventurous rin kami ni utol nung bata pa kami ay nanghuli kami ng alupihan at sinubukan naming alagaan, nahuli kami ni uncle noon, humagalpak si uncle sa katatawa ng makitang nasa fishbowl ang pobreng alupihan (centipede, poisonous), habang nagkukumahog lumangoy ang alupihan ay hinihipan ni utol ito gamit ang isang straw ng sofdrinks, Para daw may Oxygen ito ang wika ni utol kay uncle.

Sa kasalukuyan ay ito ang mga pets namin:

2 Aso
4 lovebirds
1 Carp ( in my room )
5 fighting fish ( in my room all in separate containers )
2 guinea pig ( in my room )
2 common land turtle ( pagala-gala sa garden )
2-3 Mga pusa ng kapitbahay namin na laging tumatangay ng ulam.

Saturday, October 1, 2011

thirsty thirty

I'm turning 30 tomorrow, how time pass by I can still remember when I was 13 like it was yesterday..I remember yesterday the world was so young.." Is that you *****?" " Look at my mumps! " Lol!
I just can't believe that Hours from know I'm officially 30 WTF! Magiging Calendar boy na ako ( Mawawala na sa Kalendaryo )
Oh well I'm very happy because everytime that I tell my age no one believes me, I don't know if I should take that positively.
What the heck who cares. Wala akong wish ngayon birthday ko kasi wala namang nagkakatotoo sa mga winiwish ko, katulad ng manalo sa Lotto.
Hindi rin naman ako tumataya haha kaya paano nga naman ako magkakaroon ng chance manalo sa Lotto ( Stupid ) Kaya naman gusto
kong tumama sa Lotto ay para hindi na ako magtrabaho habang buhay, yun lang kasi ang bagay na makapagpapasaya sakin. Sadyang tamad talaga ako ( inborn )

Wala ring celebration dahil mahirap pa ako sa daga dahil narin sa katamadan ko. Magtatago muna ako. Magpapaluto lang ng pansit para humaba pa buhay.

Friday, September 23, 2011

angry birdee

Making things more difficult, how can someone love me if my bird is not capable of being angry anymore.Sa totoo lang finding love now is more than impossible,kung dati imposible, ngayon mas imposible dahil sa bayag ko. What the hell is happening with my body, why am I having erection problem? Hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Na-discover ko ito ng mag-start na akong makipag hook up lately. Hindi ako dati ganito, laging angry ang bird ko dati ngayon ay para na siyang gulay. It seems that I am making fun of the situation but I am deeply feeling hopeless it seems na pinagbagsakan nako ng langit.

Thursday, September 15, 2011

nest

No long from now ay mabebenta na ang bahay namin. Gawa nang Ondoy ay wala na itong masyadong value, maski na malaki pa ang bakuran at malawak ang bahay. I swear kung nasa abroad lang ako ngayon ay ako na ang bibili nito. Sa halagang dalawang million ay hahatiin pa ito ng pito. Not long from now ay mararanasan na naming mangupahan mararanasan ko ng magtrabaho ng sobra pa sa kakanyanan ko, na maski na saksakan ako ng tamad ay kailangan kong pwersahin ang sarili ko para lang makatawid sa araw araw. Tunay na blessing na nakakatira pa kami dito ng libre at kuriente, tubig, pagkain lang ang problema.

Soon, lahat ay magbabago na, hindi ko maisip sarili ko na nakatira sa isang masikip na lugar na walang sariling kwarto for I am not very social and I do like spending most of my time locked up in my room.

How I wish na isang msamang panaginip lang ang lahat.
Pero ito'y nakatakdang mangyari. Panibangong pakikipagsapalaran na naman ang aking haharapin at ng aking pamiliya. Gusto tong magdasal ng mataimtim na sana hindi ito mangyari ngunit itoy mangyayari, gusto kong magdasal na sana makayanan ko lahat ngayong madalas akong ma dedipress mas lumala kaysa sa tinatago kong depression dati.

Wednesday, September 14, 2011

so not cool

Maybe, this is the last time that I would watch Miss Universe. Why? Because Miss Sup Sup deserve the crown. Compare sa mga sagot ng ibang candidates. Menos pa ang translators at overtime. Haays nung tinawag ang Philipphines bilang third runner up ay muntik ko ng bunutin lahat ng bulbol ko sa inis. This is totally unfair, luto, even in pageants walang justice, Even the host commented that We have the best answer and even a rumor that Oprah tweeted that if the scores were going to be based on the question and answer ay tayo na ang panalo. At dahil sa nasaksihan kong garapalang injustice eh, hindi ko na feel manood ng mga pageants, kung ganoon lang ang mangyayayari eh waste of time lang.

Pero para sakin atin ang corona.

Saturday, September 10, 2011

a very lovely movie

If your looking for a movie to watch this weekend try " The Lovely Bones. ". It's worth your time. I'll give this movie five Bananas out of five.

Friday, September 9, 2011

no angel

On my way to a friend's house ay may nadaanan akong isang grupo ng mga teen-ager na lalake. May inaasar silang batang sinto-sinto. Palaban ang batang sinto sinto, pumulot siya ng mga bato at sabay habol sa isa-sa mga nang-aasar sa kaniya. Nang madaan ko ang bata ay nagsumbong siya sa akin although hindi ko naman siya kilala.

" Kuya inaasar nila ako oh! "
Ang hopeless niyang wika. Tiningnan ko lang siya at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.
Why didn't I do anything? Pre-occupied lang ang utak ko ng maraming bagay and I'm not in the mood to get mobbed by a group of teenage boys.

Nakita ko rin ang sarili ko batang binubully, eventually matutunan rin niyang ipagtangol ang sarili niya na hindi ng nandadamay ng iba, maski na may kapansanan pa siya.

Saturday, September 3, 2011

insidious

" Last night I watched myself sleep. "

" Then I flew away. "


My favorite lines from the movie " Insidious ".

Friday, September 2, 2011

hayskul muzikal

Impiyerno ang buhay ko noong elementarya at higit na noong hayskul sa kadahilanang I didn't belong to any particular group. Sa totoong
mundo ay ito ang mga nakikita kong mga klase ng students; Ang mga bullies, Ang mga gago ( yung mga most likely ma kick-out not necessarily bullies ). May mga bobo pero popular, May mga star section ( not necessarily mga mukhang nerd ). Mga non-existent ( In a way they have a way na hindi mapuna ng ibang tao, sila yung mga madaling makalimutan sa mga reunions ).
Well it's hard for me to categorize myself for I was not a bully nor the popular sporty good looking type.
Hindi rin ako star section, hindi rin ako member ng maski anong club, basta ang gusto ko lang lagi after class ay tumakbo at umuwi agad para maiwasan ang mga bullies. I was all around bullied, ignored. My grades barely passing. I'm less than nothing and on top of everything else. I didn't know if I am attracted to girls. I am a freak in highschool and there are moments that I wished na wallpaper nalang ako so that no one can hurt me in any possible way

It has been a major accomplishment
na nalagpasan ko ang hayskul. I'm a walking miracle.

Thursday, September 1, 2011

will there really be a morning


Isang araw habang namamasyal ako sa isang mall ay napahinto ako sa isang mala anghel na tinig.
Tinig ito ng isang batang bulag na kumakanta ng " Malayo pa ang umaga ".
Biglaang huminto ang mundo ko, tinindigan ng balahibo at muntikan ng maluha. Her voice spoke directly to my heart.

Muntik na talaga akong maluha. Marahil na rin sa mala anghel niyang boses at paborito ko ang inaawit niya.

Naisip ko na may mga tao palang hindi pa nakikita ang umaga at marahil hindi na ito makikita.
At may mga tao rin na hindi naman literal na bulag, ngunit hindi parin nila nasasaksihan ang umaga.

Katulad ko.

Friday, August 19, 2011

knock on the earth

I had a dream last night. Usually pag nanaginip ako ay malabo at usually wala na akong masyadong matandaan, kung baga ay bihira lang akong managinip ng malinaw.

Sa panaginip na ito ay ramdam na ramdam ko ang takot at hopelessness; lilindol daw ng sobrang lakas dito sa pinas at sa TV ay ipinakita ang listahan ng mga pinaka-masasalantang lugar. At ang Marikina ay nasa top 10. Top 8 sa aking panaginip. Specific rin na binangit ng reporter na 2012 daw ito magaganap at ang death toll ay aabot katumbas ng sa Tsunami sa Japan na lumagpas na sa 18,000 na buhay.

Kumatok na ako sa kahoy, kumatok narin ako kung saan saan at siyempre kumatok rin ako sa lupa. Maski masamang panaginip lang ito ay labis akong natakot.

Thursday, August 11, 2011

i'm on the edge

It's all in the mind...
Its all in the mind...
It's all in the mind...
Ang paulit-ult kung bigkas sa sarili.
Ayon lintek, sa kapipilit kong maglakad ay natumba ako.

Just found out 2 days ago that I have Vertigo. Nope, mali ang chismis ng mga mahilig magmarunong na pang matatanda lang to'. Walang age ang pinipili ng Vertigo. 3 days straight ako na hindi makatayo sa kama at laging nasususuka, ganoon katindi parang impyerno, para kang tinotorture sa bawat segundo at wala kang pwedeng gawin kundi humiga. May mga moments na hiniling ko na mamatay nalang ako and I swear kung may pera lang ako ay nagpatawag nako ng ambulansiya.Vertigo runs in my father's bloodline, I didn't know that It would be this crippling. Kung suswertehin ka nga naman ay ako pa ang nagmana.
Puta, kung kelan ko na balak plantsahin ang buhay ko, tsaka pa sumulpot tong lifelong condition nato. Mahal din ang gamot 108php each, which is hindi naman nakakatulong.
Paano na ako magtratrabaho in the near future kung simpleng pagtayo at paglalakad ay nahihirapan nako. Fuck, why does these things happen to me. Isa pang sakit na dumapo sakin ngayong taon na ito. Isa nalang talaga, tatalon na ako sa tulay.

No joke.

Friday, August 5, 2011

tone deaf


Bago ang videoke bar ni tita, 3 days lang ang bakasiyon ko sa Bicol kaya naman habang may pagkakataon ay kumakanta ako. Mula sa 40+ inch na flat screen at magandang sound system ay mediyo high tech ang videoke bar na ito para sa location. Akala ng mga tao ay over prized ang mga inumin at pagkain.
Second day. Mula tanghali hangang sumpit ang gabi, hangang magpasukan ang mga customer at hangang sa unang bote ko ng Redhorse ay walang humpay ang pag-iingay ko.
Maraming nakapansin na magaling daw akong kumanta. Napahanga ko ang mga customers. Specially yung Canadian guy at Fiance niyang pinay, napahanga ko rin ang mga tiyuhin ko na hindi na mga masyadong kumanta after marinig ang boses ko. Andiyan narin na may magrequest sa aking makipag duet ng kantang " Spend my lifetime loving you " na hindi ko naman inurungan at pinangunahang kong hindi ko gamay ang tono. In fairness palakpakan ang lahat after the duet. Panalo rin ako sa adlib at pakulot-kulot ng boses, kaya ko pala yung song. I really felt like a star at the moment, specially when it's raining compliments that I think is too much. Kaya naman prinactice ko yung song pag luwas dito sa Manila.

Ten years ago ng naging mahilig ako sa pagkanta. I was 19 back then. Dalawa sa closest na mga tiyahin ko ang professional singers na madalas mag abroad. Ten years ago sinabihan nila ako na walang pag-asa ang boses. Hindi ko ito dinamdam dahil gusto ko lang namang kumanta, hangang naging past time ko na ang videoke at nagpatuloy ang kalbaryo ko sa mga pangungutya ng mga taong nakakarinig sa boses ko... hangang isang araw, nagising nalang ako na marunong na pala akong kumanta, Some years ago ay nanalo narin ako sa office singing competition " Baby One More time " Ang kinanta ko which is "I believe I can fly" dapat na hindi naman available sa song list ng videoke.

I will never pursue na maging professional singer.
Why? Everyonne wants to be a singer.
There's plenty of great singers everywhere you go and I don't have star quality to stand out and compete and besides I don't know how to compose a song, it's really difficult.

Sobrang masaya na ako na marunong akong kumanta at gamay ko na range ng boses ko alam ko narin ang ibig sabihin ng flat at sharp. Alam ko narin paglaruan ang boses ko. Tenor 2 daw ang range ng boses ko. Maski ano pang range ng boses ko ay alam ko kung paano i-maximized ang use nito. Pero mostly puro boyband songs ang kinakanta ko kasi doon pinaka komportable ang boses ko, doon pinaka bagay.

It's funny it took me almost TEN years just to learn how to sing to empress.
I wasn't born with it unlike others. I was born tone deaf. Napatunayan ko lang na kaya palang matutunan ang pagkanta without professional help maski na it took me almost 10 years. Haha! Sa lamat sa mga taong namintas sa boses ko without them hindi ako matututong kumanta, but I really didnt take their criticism that seriously because I enjoy pestering them with my voice, imagine Golum belting out.

...trying so hard has never been this fun.

Saturday, July 30, 2011

shake

2 days before ng lindol ay may nangyari...

Madaling araw at habang mahimbing ang tulog ko ay may naramdaman akong kumalabit sa tagiliran ko, hindi ako nagising sa pagkakataong iyon. Sa pangalawang beses ay malakas ang kalabit na labis na ikinamulat ng aking mga mata. Theres nothing but darkness and theres nothing in the room but me. Mabilis ang kabog ng dibdib ko after ilang seconds ay hindi ko na malayan na nakatulog na ako. Baka masamang panaginip lang.

Andito ako sa Bicol at this moment, going home tonight, tomorrow i'll be there in Manila.
2 nights ago habang mahimbing ang tulog ko sa guestroom, which is a very large room dito sa third floor where I'm currently writing this post.

Nagising ako ng mga bandang 4 a.m. Umuga ang kama kong tinutulugan ng malakas, enough to wake me up.
Then again, naparanoid nako at binuksan ang ilaw, I left the light on till morning and I managed to fall asleep shortly after. Kinabukasan I asked everyone in the house kung may naramdaman ba silang lindol. Wala naman daw.

Lagi akong natutulog dito sa room na ito everytime na nagbabakasiyon dito sa probinsiya.
Wala namang kababalaghan na nangyayayari at hindi ko rin kinu-consider na may kababalaghan ngang nangyari. Someday I'll find some logical answers.

Photo taken in the room, outside view.

Wednesday, July 20, 2011

red flag

Nagulantang ako kanina ng may dugo na umagos sa lagusan ng ebs ko, nangyari ito pagkatapos kong umupo sa trono ng kubeta. Matagal nakong may chicharong bulaklak, ngunit pinagpatuloy ko parin ang masamang habit ko ng pagupo sa trono wether na-eerbs ako o hindi, hindi ko kasi maintindihan kung bakit ko hinahaphanap na magyosi ng nakaupo sa toilet bowl, marahil adik na ako sa sensation ng ume-ebs habang nagyoyosi.

Hindi na talaga ako nadala, bukod sa mga kidney stones ko at pabalikbalik kong UTI ay mga bawal parin ang aking ginagawa. Kasalanan ko ito, kasalanan ko sa sarili ko, 29 palang ako pero madami na akong sakit na iniinda. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Na-ubos narin ang pakiramdam kong maparanoid. Pakiramdam ko katapusan ko na, katapusan ko na nga ba? Kung bakit kung kelang wala akong trabaho ngayon pa nangyayari sa akin ang mga ganito. Ganoon naba kabigat ang mga kasalanan ko kung bakit ako pinaparusahan ng ganito? Ano nga bang nagawa ko? Wala naman akong maisip.

Regla...ni reregla ang butas ng puwit ko..

Tuesday, July 19, 2011

candles

Noong isang lingo ay niyaya ko si Bestfriend Sweety ( girl ) sa Recto, Nagpasama ako for some important business na may kinalaman sa isang ngipin kong natangal pagkatapos lumantak ng liempo.

After ng very important business ay napagkasunduan naming dumaan sa Quiapo church. Ang layunin ko noon ay maghanap ng agimat pangontra sa kulam, feeling ko kasi ay kinukulam ako kaya sunod sunod ang kamalasan ko, si sweety naman ay gustong magpahula, ngunit ang parehong layunin namin ay hindi natuloy at nauwi sa pagsisindi ng kandila. Na-sales talk kami nung babae sa halagang 20php ay bibigyan kanya ng makukulay na kandila na nakatali tapos dadasalan mo ito at hihiling ka. Tri-ny namin, wala namang mawawala sa halagang 20 php.

Tinanong ko si bestfriend kung anong wish niya,

"Secret na lang daw para magkatotoo"

"Sige, secret narin lang rin ang sa akin at para magkatotoo rin."

Ano nga ba ang hiniling ko, pagkatapos bangitin ang dasal at sindihan ang kandila.

" Sana po ay gumaling na ako at gumwapo "

Diba honesty is the best policy? Bawal magsunangalin sa Diyos.

Noong isang araw ay nag-crash ang computer ko at bukod pa doon na-virusan ang mp3 player ko, dinala ko sa gawaan ang mp3 player ko pero hindi na ito maayos dahil hindi na maditect ng computer. Hayy sus kelan kaya matatapos ang kamalasan ko.

Friday, July 15, 2011

lights, camera, action!

Parte ng training sa callcenter ang mga group activities at isa sa uri ng group activities ay ang role playing, at siyempre may kinalaman dapat sa account ang role playing at dapat din na ipakita sa role play kung gaano mo ka alam ang product, anyhoot, walang kinalaman ang post na ito sa pagiindorse.

Sa dinami dami ng callcenters na pinangalingan ko ay hindi maiiwasang gunatain ang mga fun part.
Tatlong beses ko na palang naipapanalo ang mga role playing sa ibat-ibang company at account. Ako gumagawa ng script ako ang nagdi-direct. Three out of four, paano nabastusan yung trainor namin nung first time kong gumawa ng script at mag-direct. Comedy lagi at highly entertaining ang mga plays na ginagawa ko, too bad walang nakakapansin nito, kung sabagay palipat lipat ako ng companya. I'm not saying na excemptional kong talent ito, ang sa akin lang ay nalilibang ako.

Could it be na may potential ako sa directing at script writing?
Malay natin, balang araw pagnakapasok ako sa isang trabaho na ganito ang nature ay
mag-shine ako at maging masaya.

Who knows...
Baka lang naman.

Ako ang tipong tao na sobrang mabilis ma-istress on the most tiniest of things.
Pero tuwing gagawa ako ng script at mag-di-direct ay nawawala ang stress ko, kung baga nageenjoy ako. Although napaka-stressful gumawa ng script at bigyan ng mga direksiyon ang mga maarteng actors at actresses.

Thursday, July 14, 2011

that's entertainment ( seahorse )

Isang magandang sabado sa isang Videoke bar dito sa Marikina.
Habang nagkakalasingan at nag papalakasan sa sigaw ng pagkanta ang mga customer ay biglaang may nambato ng bote ng Redhorse. Paglingon ko ay may dalawang nakatayong tomboy na nagduduruanng finger sa isat-isa.

On the red corner: Fat Tiboli ( Mala Aiza Siguerra ). Bansot at mataba ang Tiburciong siga ang dating.

On the blue corner: Petite Sea horse looking tiboli, natipus ang buhok, pandak, maliit ang katawan, maliit ang mukha, luwa ang mga mata at nakapout ang nguso, buti nalang at maliit ang ilong niya, kung hindi mukha na siyang mascot ng combantrin. Heartthrob ang dating niya.

Maya-maya ay nagsampakan na ang dalawa ( Shet, parang mga lalake )
Maya- maya ay winasiwas na ni Aiza ang kaaway niyang tomboy na mukhang natipus na seahorse.
Nagmistulang palaspas ang payatot na seahorse habang ri-na-rak-en-roll ni Aiza ang buhok niya.

Sa lasing ko ay namangha ako at napanganga, " Shet once in a lifetime lang ako makakasaksi ng ganito ". Parang action hunks pala magbuntalan ang mga Tiburcio, talo pa si Robin Padilla at Fernando Poe Jr.

Napansin ng barkada ko ang smirk sa mukha ko, para lang daw akong mongoloid na siyang-siya sa pangyayari.

" That's entertainment! " Ang tanging Holla back ko kay kumpare.

Thursday, July 7, 2011

hakaba kitarou

Nadiskubre ko tong Hakaba Kitarou three years ago habang naghahunting ako sa Quiapo ng mga rare DVD's,
noong una ay inakala ko na ang nabili kong DVD ay yung Ge ge ge version na pinapalabas sa Animax,
ngunit laking gulat ko nang panoorin ko na ito ay iba pala ( Hakaba Kitarou version ) Ito yung original version na 11 episodes lang.
Fanatic ako ni Kitarou in fact I'll go great legnths para lang mapanood ang series nito sa Animax na (Wholesome version).
Napanood ko narin ang movie nito at ubod ng good looking nung bida na kabaliktaran ng mala freak na hitsura sa original version na Hakaba Kitarou at Ge Ge Ge no version.
mababaw rin lang ang story nung pelikhula at masasabi kong iba ang Hakaba Kitarou dahil masterpiece ang pagkakagawa ng eleven episodes nito. Kitarou at it's best, sobrang hands down ako. Sobrang dark at twisted ng mga stories, na tumatalakay rin sa mga real life issues. According to my research, ang Hakaba Kitarou ang original version, kaya lalo akong naging die hard fan ni Kitarou,
maka-ilang ulit ko narin napanood ang mga episodes ang Hakaba Kitarou at ito'y tunay na Pamatay! Dito sa hakaba Kitarou ay wala siyang masyadong special abilities
unlike sa Ge ge ge no Kitaro at sa movie na meron siyang mga special abilities at weapons.
Alam kong bihira ang mga taong baliko at malagim mag-isip na katulad ko, kaya naman hindi ganoon kadami ang makaka-apreciate sa Hakaba Kitarou.

~Plot Summary: Kitarou is a youkai boy born in a cemetery, and aside from his mostly-decayed father, the last living member of the Ghost tribe. He is missing his left eye, but his hair usually covers the empty socket. He fights for peace between humans and youkai, which generally involves protecting the former from the wiles of the latter.

Wednesday, July 6, 2011

monarc butterfly

The year was 1998, as far as I can remember I was in fourth year high school.

One night in June ay sige ang alulong ng aso and because of that I can’t sleep, habang ang utol ko ay tulog na tulog sa kama niya ay biglaang umalulong ang aso and this time ay nagpatidig ang mga balahibo ko sa katawan. It was very distinct it seems that sinasapian ang aso habang parang kumakanta; It seems human like, it seems sinasapian ang aso. I’m not a scardy cat ako yung tipong taong mahilig manakot at most likely magpull off ng prank, as they know me, the original prankster. Agad kong binuhat ang kutson at nagtungo sa kuwarto ni mother.

Month of June nangyari ang incident na ito, I can't remember the exact day. Namatay ang lola ko sa father's side sa birthday ng tatay ko kaya extra memorable ang araw na ito and as far as I can remember na on or before this date ay laging may brown butterfly na dumadapo sa picture ni lola na nakadisplay sa sala nanin at ang piture na ito ay noong dalaga pa siya.

The butterfly which is brown or possibly a moth resemble the likes of that of a Monarc butterfly.

I am not assuming na paranormal activity ito, marahil nagkakataon lang.

Who really knew, Im not really psychic.

Ako at si utol ay masasabi kong least favorite ni lola, kasi kami ang poorest at nakikitira lang kami and for whatever reasons pa, I was really too young to think about it.Specially me, I have this funny feeling that she really hated me for I am different if you know what I mean. I remember noong binabaon na siya sa lupa, I tried hard to cry, I coud not feel a thing. When everyone is crying hard, I am struggling to cry. No tears. Thank goodness that everyone was too busy crying that they didn’t noticed me, at that point it was really hard to fake it. Bata palang ako ay natuto nakong maging bato sa mga taong hindi nakakaintindi at nakaka-appreciate sa akin.

Tuesday, July 5, 2011

that's what friends are for

kumpare 1: Tol' hang baho ng hininga mo amoy patay na Rat.

kumpare 2: Wow tol' sobrang masaya ako at sinabi mo yan. Thank you.

kumpare 1: Siyempre kaya nga tayo mag barkada, for your own good naman yan eh, wagkang magpasalamat, concern lang ako....

kumpare 2: Hindi lang dahil sinabi mo yun kaya ako nagpapasalamat.

kumpare 1: Eh ano pang rason mo?

kumpare 2: Nagpapasalamat ako na hindi lang ako ang amoy patay na Rat ang hininga sa barkadahan natin, may karamay na ako....Ikaw pare', were two of a kind.

kumpare 3: Umutot nalang kayo pareho at wag nalang kayong magsalita, ganun rin ang amoy.
=====

How I normally converse sa chat:

[sweets]: haha tamaaa!
pwede ko ba sama reggie?

[daniel]: oo naman nukaba
si reggie pa : )

[sweets]: ahihi ok!

[daniel]: puwede ko bang isama si...

[sweets]: sinech?

[daniel]:si danita paner at raprap?

[sweets]:HAHA OMG!

[daniel]: can u believe may artista na danita paner ang name sa
channel 5

[sweets]: oo,kapatid ni tina paner

[daniel]: shet kala ko apo ni tina paner

[sweets]: haha kabog!

Friday, June 24, 2011

panic

2:45 p.m ng magronda ang mga tanod, malapit na daw maabot ang panic level ng tubig sa Marikina river. Nagpanic ang lahat sa bahay at within 10 minutes ay napanhik na nila sa taas ang lahat ng gamit na dapat maisalba. Daig nga naman ng maagap ang masikap at mahirap magpundar ulit ng gamit. Sa gitna ng kaguluhanay ako naman ay busy sa pagdanload ng porn at pagtataas sa pinakamataas ng kabinet ng mga appliances ko, maliban sa computer na nagdadownload pa ng porn.

Sa loob loob ko wala pa namang ni katiting na tubig sa kalsada at bukod doon ang hina ng ulan, iba ang ulan noong during Ondoy , parang mga maliliit na bato ang bagsak ng ulan noon at walang humpay ang ulan. Ang nakakatawa pa ay sa katapat na kapitbahay lang kami tatakbo dahil may 3rd floor sila, yung kapitbahay naman namin sa laft side ay hindi pa tapos ang fourth floor panic room na pinagagawa. Nagka adrenaline rush ang lahat sa bahay maliban sa akin.

At ng ready ang lahat kay mother nature ay biglaang huminto ang ulan.

- Daniel hindi concern citizen ng Provident Village Marikina River.

Thursday, June 23, 2011

pledge

Above is one of my weird artwork after Ondoy it vanished, but I was able to take a picture of it a year before the flood. I made that sketch way back in 2007. Sayang I wasn't able to take a picture of all of my better artworks, they just simply vanished after the flood.

" Suskopo! Anu yan? " The reaction of my tita when she saw this sketch.
Maybe she doesn't understand whats going on inside an artist's mind, but I totally understand, on the other hand she and everyone in our family likes it very much when I draw nice things such as fairies and unicorns Lol!.

unsaid....
Here I am starting a new phase of my life, things had been really difficult lately, theres a lot of reason why I shouldn't be happy, but somehow I manged get by.
I'll start here, here at this moment. I am by the way, very bothered, very unhappy, very unhealthy, very lonely person. I am turning 30 this year, but I am staying positive that the rest of this year will be a year of change, it would be really difficult but i'll take every single step, no matter how hard it is. my goal is to achieve and figure out what happiness is.

Tuesday, June 21, 2011

angels cry

Innocence is a term that describes the lack of guilt of an individual, with respect to a crime. It may also be used to indicate a general lack of guilt, with respect to any kind of crime, sin, or wrongdoing. Its antonym is corruption.
It can also refer to a state of unknowing, where one's experience is lesser, in either a relative view to social peers, or by an absolute comparison to a more common normative scale

Bagong Silang, Camarines Norte.

I was very little then i'm about 4-5 years old or younger..I can still remember what horror that happened that afternoon one summer day. I have a playmate that I usually visit daily. He was my bestfriend at that time and we would play with marbles and cheap plastic toys.

Since I was very young here are the fragments of that horrible moment that I would never forget for the rest of my life.

Naglalaro kami sa Garahe nila. May bibilhin ang yaya niya sa harapan tindahan.
Nasa gilid lang ng Maharlika highway ang bahay nila habang kailangan mo pang tumawid ng highway para makarating sa tindahan.

Hindi ko masyadong matandaan kung sinabihan ko ang kaibigan ko na sundan niya ang yaya niya at magpabili ng Plastic na laruan, or parang sumang-ayon ata ako sa kanya na sundan niya yung yaya niya sa tindahan. either of the two, I was really young to remember the exact details.

Tumakbo siya upang sundan si yaya.
Habang akoy naiwang naglalaro.

Sa isang iglap..wala na siya.

Nasagasaan ng Jeep.

Naalala ko pa habang karga-karga siya ng isang lalaki, Puro dugo. Hindi ko pa alam ang salitang Patay noon.

Andun ako lagi nung burol niya. Naglalaro sa gilid ng kabaong niya..mag-isa.
Dear friend..I was very young then. I didnt know whats right from wrong.
Wherever you are. I'm sorry. I'm not really sure if I have contributed to your death since I cant remember the exact details.

Hindi ka nawawala sa isip ko. You still haunt me from time to time.
I feel like a criminal, an innocent criminal. Please forgive me my friend.

Dear God please forgive me.
Dear God please forgive me.
Dear God please forgive me.

Monday, June 20, 2011

secret garden



It's funny that within a click everything vanishes, like my old room which I consider my shell, my hideaway, the only space which gives me peace of mind, the place were I find protection from the realities and harshness of the outside world. After Ondoy it took me a very long time to re built my sanctuary. ( Above are the pictures of my old room )- I love wooden antiques and all sorts of classy relics.

Saturday, June 18, 2011

u gotta be kiddin' me

I found out that I have kidney stones ( 2-3 mm ), marami at kasing size ng grain ng buhangin.

At first nakinig ako sa mga kuro-kuro na it might be hangin sa intestines then the time came that I cannot tolerate the pain anymore I decided to go to the doctor, Utrasound then back to the doctor for the result.

" You have stones on your left kidney " The doctor gently break it to me upon reading the result.

I went blank at that point.

" You would need to diet specially on protein rich food, sweet food, salty food...."
Sa haba ng list ng mga pagkaing bawal sa akin ay lalo akong namutla.
Funny that the list includes all forms of meat, asparagus, cauliflower, berries, tomato, spinach, oatmeal, all form of seafood and the list goes on and on till the break of dawn.

" Don't panic you can still eat them but in very small amount and drink plenty of water as much as you can. "

You gotta be sooo fucking kidding ang paulit-ulit na bigkas ko sa aking ulo.
Of course hindi ako pwedeng magmura sa harapan ni doc.

Funny thing is until now ay kinakain ko parin ang mga bawal sa akin in reasonable amounts, ang tigas talaga ng ulo ko.

You gotta be kidding me, me? I need to diet I am 5'7 and only 96 lbs, wala pang 100 lbs that means that I am super abnormal. Hindi ako magda-diet ayokong magka-ulcer lalo na sa lakas kong manigarilyo.

" It is highly possible kaya pabalik-balik ang UTI mo ay sa diet mo at saka when the stones passto your penis ay nagagasgas ang etits mo kaya nagkakaroon ng infections. "

That explains the sharp pain sa ari ko.

Pasalamat narin ako na hindi nako kailangang operahan.
Pero hindi maalis sa sarili ko ang laging pagbigkas ng mga katagang...
" You gotta be kidding me! " Tuwing makakakita ng mga putaheng lagi kong laging nilalantakan.

Monday, May 30, 2011

kitty cat

Way back 2009 ( This picture taken from my old blog )
Nilibre ko ang kapatid at pinsan ko, nanood kami ng sine, kumain at uminom afterwards. Nabutas ang bulsa ko ang sakit.

Earlier that day may bibilhin ang pinsan ko at kapatid so nag suggest ako na iwan nalang nila ako sa Arcade upang laruin ang aking all time favorite game na " Street fighter zero third strike " ( haba ng title). Pagkatapos mamaga ng fingers ko kapipindot ay napansin ko ang malaking arcade machine, out of curiosity ay nilapitan ko ito, itong machine na ito ang pinakamalaki sa Arcade na iyon, i-novserbahan ko ang nature ng game. Laking dismaya ko ng matuklasan kong Hunting game pala ito. Sa instructions ng game ay dine-demonstrate kung paano wastong barilin sa ulo at sa iba pang crucial parts ang mga Animals. Tampok sa game na ito, na ilan sa ha-huntingin sa game ang, Grizzly bear, Black bear, Deer, Jaguar etc. Ang eksena ay simple lang, babarilin lang ang inosenteng hayop hangang mamatay, kailangan ay maasinta mo ito at mapuruhan habang nagpupumiglas, animal torture to the max.

This is the most unjustifiable game for me, kung pwede ko lang hampasin ng baseball bat yung machine na yun ay ginawa ko na, this game promotes animal cruelty, sobrang bad influence nito sa mga maliliit na bata na Imbis na mahalin ang mga hayop ay sa halip maging violente sila sa mga ito. We should co-exist with all living things in this planet, hindi paba tayo nakuntento sa pagsira natin sa ating environment? Hindi paba tayo nakuntento na tayo ang sanhi ng Global warming?
Eh kung yung mga gumawa nitong computer game na to' ang pagbabarilin ko sa ulo at pagtatadyakan ko ang mga bayag nila. Mas masahol pa sa pinaka-mababang uri ng hayop ang mga gumawa ng game nato ito. Wew, naginit talaga ulo ko!

Growing up loving all sorts of animals has affected me upon discovering this game.
It is UNFAIR. Animals are more human than some of us, they don't deserve to be promoted this way.
F*CK THESE PEOPLE! Ma experience sana nila ang mga nararanasan ng mga hayop na nilalapastangan nila. Sila ang mga tunay na hayop! Tayong mga tao ay nakakapag-Rason ang mga hayop hindi. Leave those Animals alone! We should be the ones protecting them!

* Na-iimagine ko ang sarili ko na nakasuot ng Pink Bunny Suite, habang walang humpay kong hinahampas ng baseball bat ang machine nato'. Hayop talaga.

Today:
Laking dismaya ko ng itampok sa isang report program ang mga naglalabasan " Crash Videos" Maski naka blur ito ay hindi ko kinaya ang mga eksena agaran kong nilipat agad ang channel. Buti nalang at naka blur kasi pagnakita ko yung mukha ng babae sa video na gumagawa ng kahayupan sa mga hayop ay susundutin ko ng kinakalawang na stick ang p**-**k niya.This is hopeless, those tiny animals don't deserve this ending.
At sana lang ay wag itapon ang mga kittens sa gilid ng highway, lagi akong nakakakita nito, puwede namang sa bakanteng lote or sa mga lugar na malayo sa disgrasiya, give them at least 50% chance to live, hindi totoo na 9 ang buhay nila. They might survive at all.

Friday, May 20, 2011

are you smarter than a fourth grader?


Grade four ako noon....

Isang normal na school day sa loob ng classroom, lunch time, may kausap si Maestra na co- teacher. Naalala ko pa nang ilang beses kaming winarningan ni titser noon. " Wag kayong maingay! ". Habang sarap na sarap ako sa pag-chibog ng paborito kong friend chicken ay sige naman ang daldal sakin ni seatmate na kutohin, siyempre reply naman ako ng reply, diko na malayan or di ko rin masyadong sure kung malakas ang boses ko nung time nayun, habang enjoy sa kadadaldal ay biglaang...

Umikot- ikot na ang mundo ko na parang rollercoaster.
Ang P*t*ng maestra, nilalapirot na pala ang tenga ko. Sa liit ng katawan ko imaginin mo nalang kung ano ang pinagdaanan ko, feeling ko talaga ay mapuputol ang ulo ko noong sandaling iyon.

Umalis na si meastra paktapos ng ilang segundong rock and roll, samantalang napaiyak nalang ako, nalunod rin ang lunchbox sa mga patak ng luha ko, Shet nasobrahan na yuloy sa alat yung manok.

Hindi ako ligtas sa mga nang bu-bully sa akin, pinanganak na akong kakambal yun'. During my school days hangang grumaduate ng hayskul ay hindi ako ligtas, mabenta ako sa mga bully, pinipilahan ako, fully booked na in advace ang elementary at hayskul days ko sa sobrang benta ko. Ang akala kong hero na si titser ay isa rin pala sa mga nakapila. Nasaan man siya ngayon ay malamang natangalan na siya ng lisensiya, dahil hindi lang ako ang sinalbahe niya noong year na iyon. Mabigat ang kamay ni ma'am hindi halata sa mala anghel niyang kulot kulot na buhok ang mala demonyita niyang ugali.

Diko na pinaalam sa parents ko, dahil sa mga failing grades ko ay ayoko ng madagdagan ang mga problema nila sakin. Kaya hangang lumaki ay sinasarili ko nalang lahat.

It's complicated. Luzviminda pala ang first name niya, pagsinabi ko ang last name ay magu-Gonao na ang mundo.

Tuesday, May 17, 2011

get over it

Bukas ay maglalakas ng loob na akong magpa ultrasound, upang alamin kung meron nga ba akong Kidney Stones. Natatakot ako, pero I have to do it.
Lagpas isang taon ko nang tinitiis to. Hindi nato' simpleng UTI lang.

Sana illusion lang lahat ng nararamdaman ko,
Sana it's all in my mind lang.
Para mabawas bawasan man lang ang mga problema ko.
At bukas magising ako at sabihing...Masamang panaginip lang pala ang lahat.

Sunday, May 15, 2011

the survey

Kuwento ito ng isa kong kababayan. Nakainuman ko siya nang magbakasiyon ako sa probinsiya. Ang trabaho niya ay isang taga survey, yung nagsusrvey ng population or kung ilan ang miyembro ng isang tahanan. Maraming akong tanong sa taong ito, interesante kasi ang trabaho niya at dahil marami nang napagusapan at mediyo lasing na, out of the blue ay bigla siyang nag kuwento ng isang karanasan na hindi niya makakalimutan.

Sa probinsiya siya nagsusurvey, sa Bicol. Na destino siya, sa ilang liblib na lugar
Tanghaling tapat daw noon. At dahil trabaho niyang suyurin ang mga kasuluksulukang lugar ay napadpad siya sa isang kubo na malayo sa barrio proper. Maliit lang daw ang kubo na may malaking bintana at kitang kita ang apat na sulok ng kubo mula sa labas nito.

Nag-welcome sa kaniya ang isang matandang lalaki.
"Manong, nagsusrvey lang po". Ilan po kayo dito sa bahay?
Manong: Dalawa lang ako at ang misis ko.

Ngunit kitang kita ni nagsusurvey na may akay na sangol si ginang at hinihele ito.
Eh, manong kanino po yang sangol? Anak niyo po ba? Counted rin kasi po ang sangol.

Sabay harap ni ginang.

Nagulantang si Manong survey ng makitang...

Mummified na ang sangol.

Wika ni mister sa kaniya.

" Nabaliw si misis, hindi niya matangap na patay na si Junior, ayaw niyang ipalibing. "

Sunday, May 8, 2011

here she comes

Nakahiga sa kama... Half naked..Nakapikit at nagmumuta.

Habang ninanamnam ang mga sandali ng pahinga.

Yakap ang nanglilimahid na unan na amoy panis na laway

Pinatutugtog ang relaxing na musika ni Moby.

Nakapikit habang umuulan sa labas. Eto na ang tag-ulan!

Nakatihaya sa kama na naninigas ang Magic Sing.

Wooo hooo, its breezy!

tuwing 11 a.m ay ginigising
ako ng matinding init na nakakamatay. Ngunit iba ang araw na ito, ng nagising ako ay makulimlim at umuulan. Hang breezy!

Sobrang saya ko today!

Wednesday, April 27, 2011

red soil







Pulang Daga, nope daga means soil
so sa english it's red soil.
Itong Beach na ito ay sikat sa province namin sa
Camarines Norte. Sa dinami-daming beses na nag bakasiyon ako sa Bicol ay
isang beses pa lamang ako nakarating dito. Kaya naman, todo kuha ako ng
pictures.

" O hindi kaba magswiswimming? "

" Hindi po. "

Tuwing may outing ay hindi ako nagdadala ng damit, para valid ang excuse para hindi magswimming or buhatin at itapon sa tubig. Baka kasi pagnakita nila ang katawan ko ay magpanic ang mga tao at usugod nila ako sa ospital or baka may himatayin pa. Ayokong gumawa ng kaguluhan at sirain ang kasiyahan nila.

" Andoon na lahat sila sa dagat. Balot na balot ka ah, hindi kaba naiinitan? "
" Hindi kana nasanay yan, lagi namang balot na balot yan "
( sa totoo lang sobrang init, parang mamatay nako, buti nalang at may cottage )