Thursday, September 1, 2011

will there really be a morning


Isang araw habang namamasyal ako sa isang mall ay napahinto ako sa isang mala anghel na tinig.
Tinig ito ng isang batang bulag na kumakanta ng " Malayo pa ang umaga ".
Biglaang huminto ang mundo ko, tinindigan ng balahibo at muntikan ng maluha. Her voice spoke directly to my heart.

Muntik na talaga akong maluha. Marahil na rin sa mala anghel niyang boses at paborito ko ang inaawit niya.

Naisip ko na may mga tao palang hindi pa nakikita ang umaga at marahil hindi na ito makikita.
At may mga tao rin na hindi naman literal na bulag, ngunit hindi parin nila nasasaksihan ang umaga.

Katulad ko.

3 comments:

  1. Never play that song at dawn. Maluluha ka talaga sis. Kung ano man ang pinagdadaanan mo, malalampasan mo rin yan, ng may pagtitiwala sa itaas.

    Ingat ka lagi.

    ReplyDelete
  2. @ mugen: Thank u sis : )

    @ ram: Thanks Ram : )

    ReplyDelete