Thursday, June 20, 2013

i just wanna see you be brave

[doctor]: It seems that everything is okay, but I still need you to take a sputum test for your clearance.

* In my mind: Fuck you ka! You said six months ago that If I am able to produce an old X-ray everything will be good na.

I just went blank and pale at that point. Producing Sputum for me is as impossible as producing a Golden egg.

[doctor]: Alright, just finish your sputum test then come back to me. Go at the counter and tell them that your not cleared.

In my mind: Fuck you and Fuck your money making clinic. I don't really care kung ma ban ako sa Convergys dahil sa kanila.

Nag walk out ako diretso sa pinto. Hindi ako nagbyad ng 540 pesos para sa 3 minutes na basurang consultation.

I am never gonna come back to that clinic.
Andoon pa naman yung classmate ko nung highschool. Staff nurse pa naman siya.

Tuesday, June 18, 2013

five

It was 4 a.m Father's day. One of the rare occasions na makainuman ko ang tatay ko. To make the story short. Inamin niya na meron pa pala kaming dalawang kapatid. Yung isa mas panganay sakin. 17 palang siya nung makabuntis. Eventually pumunta sa Europe yung babae na 4 months pregnant. Babae daw yung anak niya. Yung isa naman ay Babae rin Mas matanda sa bunso kong kapatid. So technically ay pangalawa ako sa mga anak ng tatay ko. Imbis na tatlo ay lima pala kami. Hopefully ay makilala ko yung dalawa ko pang kapatid balang araw.

It's just funny na alam na pala nila lahat sa bahay specially ang nanay ko. Ako nalang pala ang hindi nakakaalam. Whats the fuss?. The more the merrier!

Saturday, June 8, 2013

Friday, June 7, 2013

charice padilla

Nangyayari naman talage eh, Hindi naman bulag ang mga tao. Bakit masyadong apektado? Kung makapag react naman ang mga madre. Demandahan agad-agad. Basta ang Diyos na pinaniniwalaan ko ay walang alam na kasarian. Saludo po ako sayo ser Pol Medina.



Charles este Charice, Hindi mo na kailangan mag-out, dead give away na ang mga pictures mo. I am so proud of you. It takes a lot para gawin ang ginawa mo. Hindi mo narin inalintana ang pera na kikitain mo pa sa international scene, mas kayaman sayo ang kaligayahan mo. Saludo ako sayo boy, isa kang alamat! Hindi naman nawala ang talent mo, nagpakatotoo ka lang. I don't really understand na mas tinitingnan pa ang sexuality mo kesa sa talent mo. You rock boy!


Ikaw na Paolo Balesteros. Tey ang ganda mong Beki. Idol kita!!!

Thursday, June 6, 2013

try sleeping with a broken dream

Three days nakong nasa Libis upang tapusin ang aking application sa Con**gy's. Dalawang beses ko na silang naturn down. Kaya naman sa pangatlong pagkakataon ay itinuloy ko na bago pa sila tuluyang maguluhan at mapikon sa akin. Depende narin lang sa medical clinic kung i-mess up pa nila ulit ang application ko. Kaya naman dalawang araw nakong kumakain sa aking paboritong Steakbreak maski na lasang medyas pa ang soup nila. Hehe disregard the soup.

Andito na naman ako sa aking routine, walang kaalam alam ang kumpanya na bibiktimahin ko lang sila. I hate working sa Callcenter pero like I've said a million times eto lang ang alam kong gawin. Ang mag training.

Lagi kong naoobserbahan ang mga taong masaya sa trabaho nila, sa maniwala kayo't hindi meron. 
Pinapangarap kong makuntento sa isang trabaho maski hindi ganoon kalaki ang sweldo. Gusto ko lang naman ng trabahong balanse lang, yung may time para mag petiks at may time ng adrenalin rush. Unlike sa BPO na puros adrenalin at stress na walang kapantay.

Bago umalis ng Libis ay napadaan ako sa isang Bonsai contest sa sobrang dami ay hindi ko na nalibot ang buong lugar, pagod nako. Pagkagagandang work of art.


Habang papauwi kanina ay tinanong ko ang sarili ko. Na bakit ganoon, malas na nga ako sa pag-ibig, hindi pa ako makahanap ng trabahong gusto ko. In a sense napaka unfair pero wala naman akong magagawa. Wala lang just one of those days.